ZACH "Hah! Bibisitahin mo ang mamamatay tao mong girlfriend? Awww, how sweet." Alam kong hindi magagawa ni Sophia ang bagay na iyon kung wala siyang matinding rason. I've known her since forever. Kalma, Zach. You need to be strong para sa girlfriend mo. Ilang buntonghininga na ang pinakawalan ko upang ikalma ang aking sarili, ngunit hindi pa rin ito sapat. Talagang binabagabag ako ng palahaw ni Sophia habang sinasabunutan siya no'ng lalaki sa video. Ikinuyom ko ang aking kamao, habang naghihintay ng resulta. Halos lumuhod na ako't umiyak dito sa labas ng operating room dahil tatlong oras na ang nakakalipas simula no'ng ipasok si Sophia sa Hospital ngunit hanggang ngayon wala pa rin akong natatanggap na balita. "Zach?" Iniangat ko ang aking ulo no'ng makarinig ako ng pamilyar na bo