CHAPTER 12.5

1237 Words
Sinubukan kong tawagan si Keisha pero unattended ito. Huhuhuhuhuhuhuhu bakit ngayon pa! Lord, hindi ko pa naman araw ngayon hindi po ba? Ayaw ko pa pong magpaalam sa Earth! "Hello, may I help you?" ani no'ng lalaking bigla na lang sumulpot sa likod ko. Sa sobrang gulat, muntik ko nang mahampas sa kan'ya 'yong dala kong malaking box ng gown. "Ahm-- ano kasi, hindi ko kasi alam kung saan 'yong daan papunta sa girl's dormitory. Maghahatid lang ako ng gown, oo maghahatid lang," takot na ani ko. Ang awkward man, hindi niyo ako masisisi. Malay natin, eto na pala 'yong magsusundo sa akin papunta sa kabilang buhay 'di ba? Nakuuuu! Wag naman po sana! "Alam ko ang daan, ihahatid na kita. Mukhang mabigat din 'yang dala-dala mo," pagpi-prisinta nito. Hindi ko alam kung anong isasagot ko to be honest. Mukha naman siyang mabait tingnan kumpara kay Dwight pero--- Hayssss bahala na nga! "Si-sige maraming salamat. Sa girl's dormitory ahhh. Tandaan mo, girl's dormitory," ani ko na halatang kinakabahan. "Hahahaha! Don't worry, hindi kita ililigaw," ani ya. Tumawa na lang din ako pero mahina lang. Binigay ko 'yong box pati 'yong bag na sukbit-sukbit ko sa aking likod. Napaka-gentleman naman ng isang 'to! Hindi ako makapaniwala na mayroong tao na katulad niya rito sa SAA. "Kanino mo 'to ibibigay?" tanong niya habang naglalakad kami. "Uhm kay Keisha, Keisha Loreen Yu. 'Yong magandang babae na medyo matangkad tapos mahaba 'yong buhok, tapos maputi, medyo nakakatakot 'yong mata niya ta--" "Ahhh, I know her," pamumutol nito. No'ng napagtanto ko kung ano 'yong aking pinagsasasabi ay hindi ko mapigilang hindi mapapikit sa sobrang kahihiyan. "You talk too much, huh?" ani ya. "Hehehe, yah. Pasensya na kung maingay ako. Kasi naman, wala akong kausap lagi, kaya kapag may nakakahalubilo akong tao, kahit hindi ko kilala, napaparami talaga 'yung sinasabi ko. Naiirita ka ba? Naiingayan? Pasensya na ah," pagpapaumanhin ko. "No, no. Honestly, nakakaaliw ka nga eh," tugon niya habang nakangiti. Saglit na tumigil ang mundo ko nang marinig ko iyon. Teka--- Is this what they called kilig? Kinikilig ba ako? Kasi parang nag e-echo sa tenga ko 'yung sinabi niya na ewan. "Ahm nagba-blush ba ako?" tanong ko do'n sa lalaki. Saglit itong tumigil tapos hinarap ako. Shems, parang lumundag 'yung puso ko nang magtama ang mga mata namin. "Yeah? I don't know kung dahil mayroon kang make up pero namumula ang noo mo," ani ya. "Ahahahaha kinikilig nga ako, salamat ah," mabilis kong sagot. Natawa nang malakas 'yong lalaki sa sinabi ko. Luh? "Seriously? Hahahahaha! Hindi ako makapaniwala na sasabihin mo 'yon in a cassual way. Like, I know nakakahiya 'yon sa parte niyong mga babae," ani ya, na halos maiyak na sa kakatawa. "Eh---" matipid kong tugon. Medyo nag-hesitate pa ako kung dadagdagan ko pa or what. Teka ano nang sunod kong sasabihin? Hala ayaw kong ma-deads ang usapan namin. "By the way nandito na tayo sa tapat ng room ni Keisha. Ilalapag ko na lang din 'tong box dito sa sahig," pambabsag niya. Nanghihinayang man, sumagot na lang din ako, dahil nakakahiya naman kung magde-demand pa ako na kausapin niya muna ako kahit ilang saglit pa. "Ahhh, sa-salamat ah,"matipid kong tugon. "You're welcome, I hope magkita tayo ulit. You're an interesting prey," ani ya bago mabilis na umalis. 'Prey?' 'Luh? interesting prey?' Tumango na lang ako sa kan'ya dahil loading pa rin 'yong utak ko do'n sa kan'yang tinuran. Takte, ba't prey? Okay na sana ih!!! "Ay kabayong prey!" bulalas ko nang biglang mag-ring 'yung aking phone. Kaagad ko itong sinagot dahil malamang sa malamang papagalitan na naman ako nito ni Keisha. "Ano na Venus nasa'n ka na!" sigaw nito. "Nandito na ako sa labas ng pintuan mo, kamahalan," ani ko. Ibinaba niya na ang tawag pakarinig niyon. Nang magbukas na ang pinto, isang matalim na titig ang isinalubong sa akin ni Keisha. "Come on! Ilang oras akong-- Teka, bakit may suot ka ng gown? Kanino galing 'yan?" tanong ko. "Kay Sophiang bwesit! Pumasok ka na at ayusan mo na ako bilis!" ani to. Magrereklamo pa sana ako na dala-dala ko 'yong gown na pinabili ni Sophia, pero dahil bet ko naman ang damit, hindi ko na lang sinabi. Baka nagdalawang-isip si Ate Sophia tapos nagpa- deliver na lang. Hmfppp, kahit na gano'n, icha-charge ko pa rin 'tong gown na binili ko no?Sayang din ang pera ko. "Bakit ang tagal mo ah? Tsaka anong mga 'yan?" iritableng tanong nito. "Gown 'yan kaso maganda na 'yang suot mo. Hehehehe alam mo ba kanina may tumulong sa'kin para makarating dito?" ani ko habang todo ang ngiti. Biglang lumukot lalo ang mukha ni Keisha, siguro hindi siya makapaniwala na may matulunging nilalang dito sa SAA. Kahit din naman ako hindi makapaniwala. "Gulat ka 'no? May tumulong nga sa'kin, pwera biro. Mamatay man! Sayang nga eh, hindi ko natanong ang pangalan niya. Hehehehe pero kilala ka niya, jiba ka ahhh! Sikat ka na ba rito agad? Kung sabagay, hindi na ako magtataka, sa ganda mo ba namang 'yan," mahabang lintana ko. "Hay naku Venus! Wag ka ngang basta-basta na sumasama sa taong hindi mo kilala. Hindi ka ba napaalalahanan ng mommy mo na don't talk with stranger? Tsk, pa'no kung may masamang nangyari sa'yo? Edi dagdag konsensya pa kita?" panenermon ni Keisha. Kahit medyo maasim ang sinabi nito, natuwa pa rin ako dahil nag-aalala si Keisha sa'kin. "Oo na, ito naman, ngayon na lang nga may lumapit na lalaki sa'kin na trip ko, dumi-disagree ka naman. Speaking of trip, nag-blush ako sa kan'ya kanina hehehehe. Ewan ko ba, pero iba pala 'yung feeling na kiligin," kwento ko. Imbes na matuwa si Keisha, sinapok ako nito sa ulo. "Ituro mo sa'kin kung sinong nilalang ang sinasabi mo! At saka pala kahit sino man siya, ekis! Walang matinong nilalang dito sa SAA, kaya mag-ingat ka next time okay? Protektahan mo ang puso mo gaya ng pagprotekta mo sa security system ng BM society!" ani ya. "Oo na po, tama na nga. Binabasag mo naman ang mga sinasabi ko sa'yo. Simulan na lang nga natin ang pag-aayos," dismayadong sagot ko. Umupo na ito sa upuan, sign 'yun na magsimula na ako. Hindi na lang rin ako kumibo dahil tama naman ang sinabi ni Keisha. Medyo nalungkot lang ako dahil nga, gaya ng sabi ko, first time na may lumapit na lalaki sa'kin at nag-alok pa ng tulong. Pero 'yon nga, tama naman na, baka nga may hidden intention ang kumag na 'yon. Imposibleng wala. "Hindi naman sa hindi ako natutuwa sa kin'wento mo ah Venus, it's just that, wala pa akong nakikilang mabait dito sa Saint Augustus. Alam mo naman, ang gusto ko lang ay maging masaya ka sa lahat ng bagay. Kung talagang bet mo kung sino mang hunghang 'yung tumulong sa'yo, edi susuportahan kita. Basta kailangan ko muna siyang makita," mahabang lintana nito. Napayakap tuloy ako nang mahigpit dahil sa kan'yang sinabi. Tinapik nito nang malakas ang mga braso ko at itinuro ang orasan. Niyakap ko muna siya ulit nang mabilis bago tuluyang magsimula. Kitams? Sabi ko sainyo eh, mabait 'tong babaeng 'to, kahit paulit-ulit kong sabihin sa inyo. Pinapahalagahan niya ang mga taong malapit sa kan'ya, kaya wag niyong i-judge 'tong best friend ko at sabihin na wala siyang puso, dahil ang totoo lang naman ay kahit siya, na sobrang lakas, na sobrang tapang, ay naghahanap din ng pagmamahal. Na sana, kung hindi man ngayon, mahanap niya na iyon sa lalong madaling panahon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD