VINCE
Linggo ngayon at tatlong araw na ang nakakalipas matapos ang insidenteng sinimulan no'ng baliw na si Kate. At kahit tatlong araw na ang nalagas, si Kamatayan, ayon hindi pa rin maipinta ang mukha dahil naiinis daw siya sa kan'yang sarili. Akuin ba naman ang kasalanang hindi naman dapat niya akuin, ehh talagang magiging gan'yan siya.
"Para ka namang g*go, Finn! Ayusin mo naman, acquaintance na mamaya oh! Dapat 'yong pinipili mo sa akin ay 'yong nakakaakit ba, para swabe tayo tingnan mamayang gabi. 'Yong tipong masasapawan ko dapat si Kamatayan," pagbibiro ko.
"Asa kang masasapawan mo. Mukha mo pa lang hindi na aabot sa kalahati," sagot ni Finn.
"Aray naman! Grabeng real talk 'yon! Akala ko ba mas mahal mo ako kaysa kay Kamatayan?" pagbibiro ko, umakto pa akong kunwari'y nasaktan sa kan'yang tinuran.
"Managinip ka na lang Vixel, puro ka imbento," ani Finn. "Hoy! Kayong dalawa, ayos na ba ang lahat?" biglang sulpot na tanong ni Kamatayan. Busy din 'tong lalaking 'to sa paghigpit ng security ng SAA. Hahahahaha! Labis-labis ang trauma na inabot niya dahil sa pag e-eskandalo ni Kate. Baliw talaga ang babaeng 'yon, hahamakin ang lahat, masigurado lang na walang babaeng aaligid kay Kamatayan. Kabahan na siya ngayon dahil nakahanap na siya ng katapat.
"Oo na po boss, wala ka ng dapat alalahanin pa," sagot ko. "What about Keisha? Kumusta ang mga sugat niya?" nag-aalalang tanong nito. Sus! Kahit naman naka-poker face siyang magtanong, halata namang sa tatlong araw na nakalipas, walang oras ang hindi lumipas na hindi siya nag-aalala sa kaibigan ko.
"Wag kang mag-alala, nakakapaglakad na siya nang maayos ngayon. Naghilom na rin 'yong mga sugat niya at salamat kay Nurse Ja dahil walang peklat na naiwan, gaya ng sabi mo," ani ko.
"That's good," matipid nitong sagot. "Bakit hindi mo kaya dalawin si Keisha? Tutal naman ikaw ang nag-save sa kan'ya. Malay mo, makakuha ka ng isang matamis na pasasalamat mula do'n," panunukso ko. Tumawa si Finn sa sinabi ko pero si Kamatayan, ayon, hindi man lang gumalaw ang mukha.
"Shut up Vixel," malamig na utos nito. "Sows, dinadaga ka ba ah Kamatayan? Hahahahahaha! Pa'no ka sasagutin ni Keisha n---" Hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin dahil bigla itong sumigaw. "I said shut up! What the f*ck are you talking about?!" pamumutol nito tapos dali-daling lumabas. Kami ni Finn, imbes na matakot, no'ng makaalis na ito, nagtawanan kami nang malakas. "Hahahahaha! I said shut up! What the f*ck are you talking about?" pag-uulit ko sa sinabi ni Kamatayan. "Bobo ka, Vixel! Napakag*go mo!" ani Finn, pero tawang-tawa pa rin.
"Hahahaha! Kita mo ba itsura no'n? Hahahahahaha! Namumula!" tawang-tawang ani ko. Saglit lang 'yong tawa ni Finn, dahil alam niyo namang loyal dog siya ni Kamatayan. Labag sa loob niya ang pagtawanan ito kaya para maibsan 'yong kasalanan niya, tang*na, sinapok niya ako at sumenyas na tumigil na, dahil baka hindi niya na rin mapigilan ang kan'yang sarili.
VENUS
Pinuputakte na ako ng ingay ng telepono.
Oo na, eto na nga eh! Sandali naman. Dali-dali kong hinablot ang aking cellphone na nasa mesa 'saka sinagot ito, kahit hindi ko alam kung sino ang tumawag.
"Hel—"
"Venus! Bumangon ka na! Kailangan ko ang tulong mo bilisan mo!" ani Keisha sa kabilang linya.
Sa sobrang lakas ng kan'yang boses, 'yong 5 minutes na natitirang tulog sa katawan ko nawala na lang bigla.
"Ohh bakit ba kasi? Ang aga-aga pa oh? Alas-onse pa lang!" pagrereklamo ko. "Wag kang ano d'yan! Anong maaga, baka gusto mong dukutin ko na 'yang mata mo? Sama ko na pati utak mong babae ka!" iritableng sgot nito.
Ano bayan?! Ako na nga 'tong naistorbo tapos siya pa ang galit? Naku naman!
"Acquaintance party namin mamaya kaya I need your help. Wala ka naman sigurong boss ngayon 'di ba? May trabaho ka ba?" tanong niya. "Uhm meron," tipid kong sagot.
"Magkano ang offer sa'yo?" Tamo 'tong si Keisha, akala mo eh nagra-rap sa sobrang bilis magsalita. "25,000 pesos. Basic hacking lang naman gagawin ko do'n sa pinapa trabaho niya. Aabutin lang ng minuto 'yon," tugon ko. "Dodoblehin kong bwesit ka, pumunta ka na ngayon dito sa Saint Augustus!" desperadong sabi nito.
Shomai! Tumataginting na 50,000 'yan, Venus!!!!
"Ehhhh!! Ayaw kong pumunta d'yan! Mahal ko pa buhay ko!" pagrereklamo ko. Okay na sana ang offer eh, ang kaso buhay ko naman ang kapalit.
"Kung mahal mo pa ang buhay mo, wag mong hintaying ako pa ang sumundo sa'yo d'yan!" sigaw nito. Napasapo ako sa noo dahil sa tinuran ni Keisha. Wala na, kahit ano pang palag ko, hindi na ako makakapaghindi. "Hayss oo na oo na! Basta hindi scam 'yang 50,000 na 'yan ah!" paninigurado ko. "Oo ako pa ba? Kailan pa kita ini-scam ah! Basta bilisan mo ah!" ani 'to.
"Oo ng—"
"Aba talagang binabaan pa ako ng tawag!" bulalas ko na labis ang sama ng loob. Hehehehe hindi naman ako galit kahit gano'n ako kausapin ni Keisha kung nagtatanong kayo. Friends kami no'n at alam ko kung ano ang pinagdaan niya. To be honest guys ahhh, hindi naman talaga masamang tao 'yang si Keisha. Sobrang bait kaya no'n. Lagi ako no'ng sinasamahan lagi no'ng mga panahong walang tumatanggap sa'kin dahil nga sa itsura ko. Aba'y hindi naman ako pangit, 'yong height ko kasi, hindi tugma sa edad ko. Eh alam niyo naman, kapag nasa elite class ka, looks really matters in society.
Alam niyo ba, halos ikulong ko ang sarili ko sa kwarto ko no'ng mga time na sobrang daming bumabatikos sa pamilya ko and sa'kin? Na lugi kasi 'yong negosyo ng pamilya ko na nagresulta sa pagkabaon-baon namin sa utang. Na-stroke no'n si dad tapos si mom eh, walang magawa kung hindi ang bantayan na lang si dad sa bahay dahil ayon, hindi na namin afford ang kumuha pa ng katulong. Nasa malayong lugar din 'yong mga kamag-anakan ng parents ko. At syempre, ano ba kayo, iba na ang takbo ng mundo ngayon. Hindi ka tutulungan kapag wala kang maibibigay pabalik. Gano'n na ang bigayan ngayon.
Ako naman bilang nag-iisang anak, ako na 'yong nagta-trabaho para sa kanila. Kaya no'ng in-indorse ako ni Keisha sa Ate niya, na magaling ako pagdating sa hacking, ipinasok ako sa Black Mamba. Kaya malaki ang utang na loob ko sa magkapatid na Yu dahil kung hindi dahil sa kanila, baka namamalimos na ako sa kalsada ngayon para may mailaman sa sikmura.
"Hello, Ate Sophia? Busy ka ba ngayon?" tanong ko. Tanda niyo naman ata na may usapan kami ni Ate 'di ba? Na kailangan ko siyang i-update about kay Keisha.
"Hindi naman bakit? May nangyari ba?" tanong nito. "Ano kasi Ate, kahapon, si Keisha at si Dwight pumunta dito sa bahay niyo. Alam mo bang halos atakihin ako sa sobrang gulat?" ani ko.
"Teka nga teka—si Kamatayan at si Keisha? P*ta! Ano na naman kaya ang pumasok sa utak ng babaeng 'yon! Hindi niya talaga patatahimikin man lang ang loob ko! At ikaw naman Venus, wag mo akong bigyan ng mahabang chika ah! Ang kailangan ko ay 'yong update kay Keisha, hindi kasama do'n kung anong naramdaman mo o ano pa man," pamumutol nito.
"Hehehehe sensya na, nadala lang naman ng pagka-excite magkwento. Ayon na nga kahapon, magkasamang pumunta sa bahay 'yong dalawa para kunin 'yong gamit ni Keisha. Tapos ngayon naman, acquaintance party nila kaya pinapapunta ako ng kapatid mo sa SAA," ani ko.
Saglit na natahimik si Ate Sophia, marahil ay kinakalma muna nito ang kaniyang sarili.
"Pakinggan mo nang mabuti ang sasabihin ko sa'yo, Venus. Bago ka pumunta sa Saint Augustus, bumili ka ng gown. 'Yong maganda pati na rin ng sapin sa paa na isusuot ni Keisha. Tapos i-message mo ako kung magkano ang nagastos mo okay? Ayusin mo ang pag-aayos kay Keisha! Pakisubaybayan na rin siya para sa'kin," sabi ni Ate.
Hindi ko na rin pinuna 'yung tono niya dahil baka masira pa hehehehe. See? Mabait din 'tong si Ate Sophia. Bakit ko sinasabi sa inyo? Ehh, kasi naman, kin'wento sa'kin ni Otor na maraming naiinis sa ugali ni Ate Sophia, kesyo palamura raw, sumasagot sa magulang blah blah blah. Ehh, kasi talagang ngangawa sila kapag may punto 'yong gusto nilang sabihin. Hindi naman sila makikipaglaban ng walang dalang rason.
"Okay po. Pero Ate, hindi ako magtatagal sa SAA ah! Hindi pa ako ready mamatay. Hindi pa magaling ang dad ko," ani ko. "G*ga! Kaya kung ako sa'yo magsimula ka ng magdasal, hahahahah! Sige na matutulog na ako. Ikaw nang bahala kay Keisha ah," ani ya tapos binaba na ang tawag. Ako naman, maghahanda na rin ako ng susuotin at dadalhin kong mga make up. Ime-message ko lang din si Keisha na magdadala ako ng susuotin niya para mamaya.
'Hmm, wag na nga lang. Kapag nalaman niyang kay Ate Sophia galing ang gown, baka hindi niya suotin,'
Makalipas ang halos tatlong oras ng pag-aayos, pamimili, at pananalangin na sana ay makalabas pa ako ng buhay sa SAA mamaya, inihanda ko na ang mga paa ko na pumasok sa mataas na gate ng school. Pasado ala-sais na ng gabi, at kanina pa ako kinukulit ni Keisha na magmadali na dahil alas-otso raw ang simula ng party. Sa loob ng SAA, sumalubong sa akin ang malalakas at nakakaindak na tugtugin. Itinuro rin naman sa'kin ni Keisha kung ano ang mga dadaanan para makarating ako sa girl's dormitory, pero dahil hindi ako magaling pagdating sa mga direksyon, hindi ko na alam kung nasa'n ako ngayon.
'Huhuhuhuhuu! Mommy, help!'
'Pano na ba 'to?'