CHAPTER 13.5

1248 Words
"Bahala ka sa buhay mo! Lumayas ka na!" dagdag kong bulyaw. Iniwan niya na rin ako sa wakas at ayon, bago ko hawakan ang pinto, inayos ko muna 'yong aking gown. Medyo nagusot kasi, salamat sa demonyo. Pagkapasok ko sa loob, syempre nasa sa'kin na naman ang atensyon ng lahat. Hindi na ako magugulat kung may mahulog na mata sa sahig sa kakairap nila. Pfft, sabi nga pag-inggit, pikit. Pero hindi uso dito ang gano'n. Pag-inggit titigan mo hanggang matunaw. Kaagad na napansin ng mga mata ko si Zandra na may kausap na lalaki. Bijj, pa'nong hindi ko mapapansin ang bruha, eh napaka-tingkad ba naman ng suot. Magsa-Santa Cruzan ba siya? Hahahaha joke lang! Natawa lang ako kasi ang sakit sa mata no'ng kulay. Linapitan ko sila pero nagulat ako nang bonggang-bongga, dahil biglang umalis 'yong lalaki no'ng makalapit na ako. "Ay bastos ang kumag," bulong ko. "Sup yow," bati ko kay Zandra na hindi ata masaya na nilapitan ko siya. Jowa niya kaya 'yong kumag? Nakaistorbo siguro ako, hahahaha! "Kumusta ka na? Maayos na ba ang pakiramdam mo? Pasensya ka na kung hindi kita nadalaw. Busy lang talaga ako sa pag-handle ng mga—" "Ano ka ba!" pamumutol ko sabay tapik sa kan'yang balikat. Tsk, buti nga tapik lang ang ginawa ko, dapat sampal 'yang bwesit ka. "Walang kaso sa'kin 'yon. 'Di ba nga, dalawang taon ko kayong hinintay ni Vince? Kumpara mo sa tatlong araw, walang–wala 'yon," pang-iinsulto ko. Sumagad sana ang mga sinasabi ko sa buto mong bruha ka. Biglang umasim ang mukha ni Zandra, muntik na nga akong matawang muli dahil mukhang anumang oras ay sasabog siya. "About that, I'm really, really sorry Keisha. Hindi naman namin intensyon talaga na iwan ka ng hindi nagpa---" "Sows! Wala 'yon sabi! Hindi na tayo mga bata pa para magsingilan ng mga nawalang taon, ano ka ba," pamumutol ko ulit. Hahahahahah! Kung nakikita niyo lang sana 'yong reaksyon niya no'ng patuloy kong pinuputol ang kan'yang sinasabi, napaka uhhhhm sarap! "Hehehe pwera biro, sino 'yong bastos na kumag na 'yon kanina? Jowa mo ba?" pag-iiba ko ng usapan. Kawawa eh, namumula na 'yong mukha niya. Umiling si Zandra tapos inilapit niya 'yong kan'yang upuan sa'kin. "Kaklase ko 'yon. Ayon nga, may kinukwento kasi siya sa'kin tungkol sa'yo," ani ya. "Ehhh? Kilala niya ako pero hindi ko siya kilala. Gano'n na ba ako kasikat dito sa SAA? Hindi pa nga ako nag-iisang buwan dito eh. Ikaw? 'Di ba magdadalawang taon ka na dito? Pero mukhang mas sikat pa ako kaysa sa'yo," ani ko tapos binalandrahan ko siya ng mapang-insultong ngiti. "Ay sorry, masyadong madulas ang bunganga ko, ang dami ko tuloy nasasabing facts," dagdag ko. At this moment, ewan ko na lang kung hindi magmura 'tong bruhang 'to pero ayon na nga mga mare, dahil mabait 'tong si Zandra, hangga't kaya niya, pipigilan niya ang kan'yang galit. Alam ko naman na hindi niya kayang gumawa ng eskandalo lalo na't siya ang Class President ng klase nila. Kapag pinatulan niya ako, masisira ang reputasyong matagal niyang iningatan. "Teka, maiba naman, ano naman sinabi no'ng mokong na 'yon?" tanong ko. "Uhm, sinabi niya na may relasyon kayong dalawa ni Kamatayan. Tapos nakita ka rin daw niya na pumasok sa room nito kagabi," ani to. Pagkarinig ko no'n, biglang nag-init ang aking tenga. "Aba g*go 'yon ah! Anong gusto niyang palabasin? Anong akala niya sa'kin, p*ta?" bulyaw ko. Buti na lang at malakas ang tugtog kaya wala masyadong nakarinig no'ng sinabi ko. Mabilis na ipinatong ni Zandra ang kan'yang kamay sa kamay ko. "Don't worry Keisha, hindi naman ako naniniwala sa sinabi niya. Alam kong hindi mo magagawang gamitin ang katawan mo para marating ang kasikatan na tinatamo mo ngayon, 'di ba?" ani Zandra. Lol, ba't parang nang-iinsulto ang tono niya? "Talaga! Nasa'n ang tang*nang 'yon ng makita niya ang hinahanp niya!" nanggigigil na ani ko. Inilibot ko ang aking mga mata at siyempre, dala ng galit, kaagad kong nakita ang mokong. Kahit pa pinipigilan ako ni Zandra na umalis, wala siyang nagawa dahil mas malakas ako sa kan'ya. Na-sense naman kaagad ni kumag na may magandang dilag na papalapit sa kan'ya kaya bigla itong naglakad palabas. Umatras ata ang bayag ng hunghang at natakot. Tsk, akala niya papalagpasin ko siya? Nahh! Lumabas din ako at mabilis na sinundan 'yong mokong. "Hoy! Tumigil kang bwesit ka mag-usap tayo!" tawag ko pero mas lalo lang nitong binilisan ang kan'yang lakad. At dahil sobra na ang pagkainis ko, hinubad ko na ang suot ko sa paa at hinabol ang buang. Kahit makarating kami sa dulo nitong SAA, susundan ko ang hay*p na 'to. Dapat makatikim 'to ng maraming sampal eh, 'yong tipong makakagat niya 'yong dila niya, para hindi na makapag palaganap ng maling kwento. "Sabing tumigil ka! Pag 'di ka tumigil babaon sa bumbunan mo 'tong takong!" banta ko. Buti naman at natakot ang buang kaya tumigil ito sa paglalakad. Doon ko lang napagtanto na nasa likod na pala kami ng SAA, kung saan maraming malalaking puno ang makikita. Mabilis akong lumapit sa walang bayag na lalaki, tapos binigyan ito ng sampal. Pero hindi kamay ang ginamit ko kun'di ang stiletto mismo. Mabait pa naman ako kaya hindi 'yong mismong takong 'yong ipinanghambalos ko sa nakakasuka niyang mukha. "Dapat sa'yo tinatanggalan ng dila, para hindi ka na nakakapagpakalat ng maling balita! Ano ka imbentor ah? Galing gumawa ng kwentong wala naman sa hulog!" gigil kong sabi. Imbes na sumagot, bigla itong tumawa nang malakas. "Tsk, nakakakiliti ba 'yong sampal ko? O sa sobrang kaba natatawa ka na lang?" tanong ko. "Wala sa nabanggit," mayabang na sagot niya. "Aba, sumasagot ka pa----" Hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin nang bigla itong umatake. May hawak itong hiringgilya at balak niya atang iturok 'yon sa'kin. Buti na lang talaga at mabilis akong nakailag. "Tang*na, lumaban ka ng patas! Magsuntukan tayo! Wala ka bang bayag talaga?" panghahamon ko. Hindi ito nakinig at patuloy na iwinawagayway ang dala niyang armas na akala niya naman ay maituturok niya sa'kin. Hinayaan ko muna itong mag-aksaya ng lakas sa kaka-subok para maiturok ang hiringgilya sa katawan ko bago ko siya patulan. Wala, mahina 'tong mokong na 'to. "Okay ka na? Ako naman ang aatake?" tanong ko. Kawawa eh, hinihingal na agad. Partida, kakagaling lang sa bingit ng kamatayan nitong mga binti ko. Mabilis akong lumapit, hinayaan ko siyang magbato muli ng mga atake hangga't sa makakita ako ng opening at ayon, tinitigan ko ang maumbok na parte na napapagitnaan ng kan'yang mga hita at malakas na sinipa ito na nagresulta sa pagkabasag ng dalawa niyang pugo. Napaaringking-king sa sakit ang buang na agad na sumalampak sa lupa habang maingat na hinahaplos 'yong kan'yang pag-aari. "Tama 'yan, para hindi ka na makapagpadami pa ng lahi," asik ko. Kinuha ko ang hiringgilya na nahulog sa lupa at dahil nandilim ang aking paningin, gumalaw mag-isa ang aking kamay at naitinurok sa kan'ya 'yong pasalubong na dapat ay ibibigay niya sa akin. Umiyak ito sa sakit. Natumba ito habang nagdadalawang-isip kung tatanggalin niya ba ang hiringgilya na nakabaon sa binti nito. "Ngayon alam mo na kung sino ang dapat mong iwasan sa paaralang ito ha? Sana natuto na 'yang bayag mo," ani ko bago ko siya lisanin na nanginginig. Hindi ko na hinintay kung ano ang magiging resulta sa kan'ya no'ng kung ano man 'yong dapat na ituturok niya sa'kin. Kung mamatay man siya edi maganda, hindi ba? Nabawasan na naman ng isang masamang kaluluwa ang SAA, salamat sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD