CHAPTER 14: WRONG MOVE, B*TCH

1162 Words
DWIGHT   "We're going now," paalam ni Tito habang minamasahe ang balikat ko. "Okay Tito, take care," matipid kong tugon. Sa wakas makakahinga na rin ako nang maluwag. Wala na 'yong mga garapata na pinadala ni dad, para manmanan kung anong pinaggagagawa ko sa paaralan na pagmamay-ari niya.  Masyado niya talaga akong minamaliit para magpadala pa ng espiya kung pa'no ko pinapalakad ang SAA. "K-Kamatayan," napalingon ako nang biglang may surot na humawak sa mamahalin kong damit. Tinapunan ko ng matalim na titig 'yong babae. Tsk, hanggang dito ba naman may pangahas na susukatin ang pasensya ko? "Do you want to die?" walang buhay kong tanong. Inawat ako ni Vixel dahil mukhang kilala niya 'yong pangahas kaya dali-dali nitong inilayo sa'kin 'yong babae. "Zandra? May kailangan ka ba kay Kamatayan?" tanong ni Vixel. Tiningnan ako no'ng Zandra pero inirapan ko lang ito.  Ahh, naaalala ko na ang kan'yang mukha. Siya 'yong umeksena no'ng unang pasok ni Keisha dito sa SAA.  "Si K-Keisha kasi-- ano, nag-aalala ako kay Keisha," utal-utal na sabi nito. Nanamnam ko ang magkahalong takot at pagkahiya sa tono ng boses niya. "Anong meron? Nasaan si Keisha?" mabilis na tanong ko. Napakagat ito sa labi, tila nag-iisip kung ano ang dapat sabihin. Sa sobrang bagal niya, hiniblot ko ang balikat nito, na sa sobrang lakas ay muntik nang madurog ang buto niya. "Tell me nasaan si Keisha!" iritableng tanong ko.  "Easy Kamatayan, easy. Babae 'yan, kumalma ka," awat ni Vixel. Tiningnan ko lang siya nang masama. "Ano kasi, si—si Keisha nakita ko, ma—may kasamang lalaki. Hi-hindi ko alam, baka may mangyari sa kan'yang masama. Baka mapano siya," nauutal na tugon nito.  Binitawan ko ang balikat niya at agad na naglakad palayo. "Teka Kamatayan! Alam mo ba kung nasaan sila?" tanong ni Vince. "Sa likod ng SAA," mabilis na sagot nitong Zandra. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hindi ako kumbinsido sa biglaang pagsulpot ng babaeng 'to sa harap ko pero dahil si Keisha ang pinag-uusapan, bahala na.  "I'm going now, kayo nang bahala dito," utos ko. Hindi pumayag 'yong dalawa, kesyo baka magwala ako o baka kung may gawin akong hindi maganda kapag nahuli ko 'yong dalawa. Psh, ano nga bang gagawin ko kapag nalaman kong totoo ang sinasabi ng babaeng 'yon? Sa kaso no'ng lalaki, paniguradong mawawalan siya ng ulo ngayong gabi mismo. Pagdating naman kay Keisha, I'll let her know kung anong nangyayari kapag sinusuway ang utos ko.  'Wait, why am I doing this in the first place?' 'Ano ko ba ang babaeng 'yon?'  Well, she's my toy. Sapat ng rason 'yon para sumunod siya sa lahat ng gusto ko. I'll monopolize her until she fully submits herself to me. "Kamatayan, eto ahhh tuturuan kita. Kapag nakita mo silang magkasama, ako muna ang lalapit kay Keisha, maliwanag? Ilalayo ko muna bago mo sapakin 'yong lalaki ah? Pero tirahan mo rin ako. Gusto ko ring masapak 'yong g*gong nagbabalak na umaligid sa napakaganda kong kaibigan," ani Vixel. Hindi na lang ako kumibo at hinayaan siyang dumakdak nang dumakdak. Malapit na kaming makarating nang maaninag ko ang gown ni Keisha. Dali-dali akong tumakbo para lapitan ito, pero wala akong nakitang lalaki na kasama niya.  "Nasa'n ang kasama mo? Anong ginawa niyo? Don't you dare lie to me," sunod-sunod at mariin kong tanong. Naguguluhan itong hinampas ang aking balikat bago sumagot. "Anong pinagsasasabi mong buang ka? Ahh! 'Yong lalaki ba na kasama ko kanina ang hinahanap mo?"  "F*ck yeah! Nasaan ang taong 'yon! Bakit magkasama kayo?!" bulyaw ko. Kaagad akong inawat nina Vixel at Finn, habang nilalayo nila ako kay Keisha ay siya namang lapit din nito. "Hoy kayong dalawa bitawan niyo nga si Kamatayan nang magka-subukan na talaga kami nitong hunghang na 'to. Bitawan niyo bilis!" utos niya. Sinunod naman ni Vixel iyon pero ayaw paawat ni Finn. "Ms. Yu, I suggest wag ka na munang magsalita. Baka hindi—" Hindi na nito natapos pa ang sasabihin niya nang sikmuraan siya ni Keisha.  "Pffft, sumunod ka na lang kasi, Finn! Hahahahah!" natatawang sabi ni Vixel. Wala na ring nagawa si Finn kung hindi ang bitawan ang braso ko. Pagkatapos no'n, isang suntok ang pinakawalan ni Keisha, aiming my jaw. Psh, masyado siyang mababa para umabot ang kamao niya sa aking panga.  Nasalo ko ang kamay niya at mabilis na ipinulupot iyon sa beywang nito. "Tell me, where's that f*ckng guy, Miss Yu," bulong ko. Wala na itong nagawa kung hindi ang magsalita dahil alam niyang hindi ako magdadalawang-isip na baliin ang kamay niya kung 'yon lang ang makakapagpaamin sa kan'ya. "Tsk, nando'n siya sa likod ng school, patay na ata," namimilipit na tugon niya.  Pagkarinig ko no'n, tila nawala 'yong sapi sa katawan ko. Binitawan ko ang kamay nito tapos walang ano-anong hinagkan siya. "Opppsss! P*ta naman Kamatayan napaka swabe, woooohh smooth as f*ck! Tara na Finn, mukhang hindi na tayo kailangan dito," ani Vixel. Napakalas ako kaagad at nagpakawala ng maraming mura dahil sa aking nagaw.  "G*go ka Kamatayan! May gusto ka ba sa'kin! Namo! Kung meron man, hindi kita gusto kaya wag ka ng umasa!" bulyaw ni Keisha. Ngunit natuwa ako dahil kahit punong-puno ng inis ang tinuran niya, hindi nakaligtas sa akin ang pamumula ng kan'yang tenga. Kaagad ko siyang pinaningkitan ng mata upang mapigilan ang pagngiti. "What? Ako, may gusto sa'yo? Nahihibang ka na?" mariin kong pagdepensa.  "Vixel, Finn, kunin niyo 'yong katawan no'ng lalaki, wag kayong tumunganga d'yan, baka pag-untugin ko ang mga bungo niyo. Kung patay na siguraduhin niyong walang makakaalam ng tungkol dito. At ikaw Miss Yu, sumama ka sa'kin, kailangan nating mag-usap dalawa," utos ko.  "Huh? Hindi pa ba tayo nag-uusap? At saka gusto kong magsaya muna. Hello? Once in a year lang 'tong acquaintance, bukas mo na ako pestehin," pagrereklamo ni Keisha. Hindi ko pinakinggan ang rason niya at agad na hinablot ang kamay nito.  "Teka lang naman sandali naman! 'Yung stiletto ko!" bulyaw nito. Natigilan ako bigla nang mapagtantong mataas pala ang suot nitong sapin sa paa. Pero no'ng makita kong walang balot ang mga ito, pinitik ko ang noo niya. "Bakit hindi mo agad sinabi? At bakit naka paa ka na lang?" sabi ko sabay hablot no'ng stiletto sa kamay niya.  Hindi ito sumagot o pumalag at nanatiling nakasunod lang sa'kin. Bago kami makarating sa dormitoryo, tinanong ko ito. "Ano bang nangyari? Bakit kayo nasa likod ng SAA?" Bago pa man siya sumagot, hinubad ko ang coat na suot ko para ipatong sa nangangatog niyang balikat. Labis ang pagkagulat ng mukha ni Keisha pero hindi naman siya nagreklamo dahil alam kong kanina pa siya nilalamig.  "Eh ano kasi, 'yon kasing mokong na 'yon, aba siniraan ba naman ako kay Zandra! Kesyo, may relasyon daw tayong dalawa tapos pumupunta raw ako sa room mo, eh bobo ba 'yon? Tatlong araw akong nasa clinic, ni hindi mo nga ako dinalaw tapos gano'n ang sasabihin niya?" mahabang lintana nito.  Ramdam ko ang gigil sa pananalita niya. Medyo natatawa pa ako dahil doon, pero pinigilan ko na lang. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD