"Anong ginawa mo? Akala ko ikaw 'yong mapupuruhan dahil kakalabas mo lang sa clinic tapos sumabak ka kaagad sa laban," sabi ko. To be honest, hindi ako nag-aalala sa kan'ya. Alam ko naman na malakas siya, at ilang beses niya na 'yong pinatunayan sa'kin, sa'tin, 'di ba? Gusto ko lang pahabain ang pag-uusap namin, kaya ko nasabi 'yon.
"Duh? Ako? Tsk, eh walang bayag ang isang 'yon, may dala-dala pa siyang hiringgilya na may lamang ewan, siguro lason 'yon. Eh pasensya siya dahil hindi umubra sa'kin. Pano ba naman, masyadong lampa. Ayon tuloy, nabasag ang pangarap niya tapos siya pa 'yong nakatikim ng sarili niyang lason," taas-noo niyang sagot. "That's nice," bulong ko. Pilit na itinatago ang paghanga. Mahirap na baka lumaki ang tenga ng babaeng 'to.
"Pero bakit kayo biglang napasugod? Hindi pa naman kami nagtagal. Kung tutuusin kaka-iwan ko lang do'n sa walang bayag na lalaki," tanong niya. " Ah, 'yong sinasabi mong Zandra kanina, lumapit sa'kin para magsumbong na—"
"Keisha!" natigilan ako sa pagsasalita nang biglang sumulpot sa harap namin 'yong Zandra. Kaagad nitong niyakap si Keisha dahilan para mapabitaw ito sa pagkakahawak sa braso ko. Nag-usap silang dalawa, pero bakit kailangan pa nilang lumayo? Tinititigan ko 'yong bagong dating na babae, pero ngayon hindi na siya makatingin ng diretso.
Weird---
Friends huh?
I don't think so---
ZANDRA
It's already 1:00 a.m at hanggang ngayon hindi pa rin ako makatulog. Pesteng lalaking 'yon! Ang simple-simple ng pinapagawa ko sa kan'ya tapos pumalpak pa siya!!! How dare him!
"Bwesit! Bwesit ka, Keisha!" pagdadabog ko. Natigilan lang ako saglit nang biglang tumunog ang cellphone na kaagad ko ring sinagot. "Hello? Kumusta ang surprise? Nananaginip na ba nang mahimbing si Keisha?" tanong nito sa kabilang linya.
"Hindi! Pumalpak ang plano ko! Kasalan 'to no'ng bwesit na lalaking 'yon! Ang dali-dali na lang ng trabaho niya, hindi pa nagawa nang maayos!"patuloy kong pagdadabog.
"Oh chill, baka atakihin ka niyan. Wag kang mag-alala, marami pang opportunity para makabawi ka kay Keisha. O sya, 'yon lang naman ang gusto kong itanong sa'yo. Marami akong ginagawa ngayon kaya baka hindi mo ako makontak ng ilang linggo," ani ya tapos ibinaba na ang tawag.
Sa sobrang inis, ibinalibag ko ang aking cell phone sa kama. "Ahhhh!!! Balak mo talagang guluhin ang buhay ko ah! Lahat na lang talaga aagawin mo sa akin! Una si Xen, ngayon naman pati si Kamatayan!" sigaw ko. Sound proof naman ang lahat ng room kaya kahit anong sigaw ko dito alam kong walang makakarinig.
"Kailan ka ba mawawala sa landas ko! Kailan ka ba titigil sa kakasulpot sa buhay ko ah, Keisha! Kailan ka ba titigil sa kakakuha ng lahat ng dapat sa akin!" sigaw ko. Sunod-sunod na katok ang nagpatigil sa'kin. Hindi ko alam ngunit bigla akong kinutuban nang masama dahil it's 1:30 a.m. Sino naman kayang lapastangan ang nangahas na istorbohin ako? Lumapit ako sa pinto at agad na sinilip sa peephole kung sino ang nasa labas. Halos kapusin ako ng hangin nang makita si Finn na nakatayo, at ang mas nakakagimbal ay, dala-dala nito ang kan'yang posas.
What's happening? Bakit nandito ang gatekeeper? Nagsumbong kaya si Benz? No, hindi, hindi na 'yon magigising, pero bakit? Bakit nandito ang taong 'to?
"Ms. Tan, kapag hindi mo binuksan ang pinto, mapipilitan akong pumasok ng sapilitan," mariing banta ni Finn.
Anong gagawin ko?
"Ms. Tan," tawag niyang muli. Kaagad akong sumagot dala ng pagkataranta. "Sandali!!!" sigaw ko kahit hindi niya ako naririnig. Napasabunot na ako sa sobrang panic. Ayaw kong pumasok sa punishment room, ayaw kong makulong!
Wala akong ginawang masama...
Tama, wala akong ginawang masama. Bakit ako matatakot?
Sinubukan kong ikalma ang sarili ko bago ko buksan ang pinto. "A-anong kailangan mo?" inosente at maamo kong tanong. "I'm here to bring the judgment of DEATH. Punishment room number one, no meals, no water, no sleep, for a day. If you have a complaint, reserve it. DEATH's word is absolute, do you agree?" ani ya. Nakakatakot ang mga mata nito. Hindi ko alam, pero dahil sa sobrang takot napa oo na lang ako. Wala na akong ibang nagawa kun'di ang humikbi habang dumadampi sa balat ko ang maruming posas.
"Ba-bakit sa punishment room number one? Anong ginawa kong kasalanan para mapunta doon?" lakas-loob kong tanong. "Read your student handbook on page 15. You dare to harm the subject of DEATH, pasalamat ka na lang dahil unang offense mo pa lang ito, kapag naulit pa, alam mo na ang mangyayari. It's either pugot o bitay," ani ya. Napalagok ako ng marinig iyon. Pa'no niya nalaman na ako ang may pakana? Imposibleng makakuha sila ng information mula kay Benz.
"Araw-araw itinuturo ng mga Teacher sa paaralang ito na saktan niyo na lahat, wag lang ang pagmamay-ari ni Kamatayan, unless otherwise, gusto niyong mamatay. Hindi ko inaasahan 'to dahil ang alam ko kaibigan mo si Ms. Yu. Ngunit may kasabihan nga na, keep your friends close, and your enemies closer," dugtong niya.
"Huh? Okay, ako ang may pakana ng lahat pero dahil kasalanan 'yon ni Keisha! Mang-aagaw siya! Lahat-lahat ng dapat sa'kin, kinukuha niya!" bulyaw ko. Hindi na ako nakapagpigil na hindi ipagtanggol ang side ko dahil matagal na akong naaagrabyado niyang Keisha na 'yan! Matagal akong nagtimpi at nagparaya pero ano? Lagi akong naiitsupwera! Lagi akong binabalewala!
"Wag ka sa'kin mag explain, kay Keisha mo sabihin 'yan," ani Finn. Napailing na lang ako dahil ang dami kong gustong sabihin pero pinipigilan ko ang sarili ko. Nang makarating na kami sa lugar kung nasa'n ang mga kulungan, hindi ko magawang hindi mapahagulgol.
"Please, I'm begging you, I won't do that again, I swear!" pagmamakaawa ko. "Oh really?" napaligon ako ng marinig ang boses ni Kamatayan. "You dare to f*ckng mess with Keisha and then you're just gonna say sorry for that? Tss, don't give me that kind of f*ckng look. Kung satingin mo maaawa ako sa'yo? Get lost. Ito ang tatandaan mo Miss Tan, kung kaya mong lokohin ang lahat, not me, not my eyes. Unang kita ko pa lang sa'yo alam ko nang nakakasuka ang pagkatao mo," mariing sabi ni Kamatayan sa harap ko. "Finn, get rid of this f*ckng B*tch out of my sight," utos niya, tapos naglakad na siya paalis. Kanina pa ba siya nakikinig sa'min? Narinig niya ba lahat ng sinabi ko?
I'm done---
I'm f*ckng done because of that B*tch! I'll make sure, she's going to rot in hell! I'll make sure of that!