CHAPTER 15: WHO IS THE CULPRIT?

1075 Words
KEISHA  Magandang morning sa lahat ng nilalang! Itanong niyo naman bakit maganda ang mood natin ngayon, dali! Hahaha! Syempre, dahil nakatikim na naman tayo ng laban kagabi! Yey! 'Yon lang naman, though sisiw lang 'yong laban at least nakatikim ulit tayo.  So 'yon na nga, maaga akong pumasok sa classroom ngayon dahil maganda ang aking tulog ko. Pagkaupo ko sa upuan, napansin ko kaagad si Heart na pabalik-balik sa paglalakad sa unahan. "Excuse me, Keisha, can we talk? Sandali lang 'to, promise," tawag ni Heart, remember her? she's our Class President. Tumayo ako, tapos sinundan ko lang siya. Lumabas kami sa room and then may itinanong ito sa akin. "Kilala mo si Zandra Xantelle Tan, ng Capricorn 'di ba? May balita ka ba sa kan'ya ngayon? Alam mo ba kung nasaan siya? Anong nangyari sa kaniya?" nahihiyang tanong nito. Umiling ako dahil, sa abot ng aking ala-ala, inihatid ko si Zandra sa room niya dahil nangangatog ang katawan nito.  Hindi ko alam kung dahil sa lamig or sa takot no'ng malaman niyang inatake ako ng walang bayag niyang kaklase. Simula no'ng inihatid ko siya sa kaniyang silid hanggang ngayon ay hindi ko pa siya nakikita. Malungkot na nagpakawala ng mabigat na buntonghininga si Heart. "Uhm, may kailangan ka ba kay Zandra? Baka late lang siyang pumasok ngayon, susubukan kong silipin sa room nila kung nando'n siya," pagpi-prisenta ko.  Biglang lumiwanag ang mukha nito no'ng marinig ang aking tinuran. "Are you sure? I'm sorry kung aabalahin kita, it's just that, hindi ko pwedeng iwan ngayon 'tong room, mapapagalitan ako ni Ms. Gomez," paliwanag ni Heart. Tumango lang ako at sinabing walang kaso 'yon. Naging mabait naman 'tong si Heart sa'kin, at alam niyo naman 'yon. Unang araw ko pa lang dito sa Saint Augutus, siya lang ata 'yong masasabi kong totoong mabait. Ewan ko, ayaw ko pa naman magsalita ng tapos, malay natin, may iba pa pala na kasing bait niya rin, at matino ang utak.  Mabilis akong naglakad dahil malapit lang naman ang classroom nila Zandra sa amin. Isang babae ang nilapitan ko, sakto naman dahil nakaupo siya sa pinakadulong upuan, malapit sa pintuan. "Excuse me, nand'yan ba si Zandra Tan?" tanong ko. Tumunganga muna ang bruha ng ilang segundo bago umiling. Jiba naman, kakaiba talaga ang morning aura kapag nakasapak ng tao. Blooming ata ako, kaya napatulala ang 'sang 'to. "Gano'n ba? Sige salamat," mabait kong tugon.  Bago pa man ako tuluyang makaalis, natigilan ako dahil bigla akong may nasiko. No'ng tiningnan ko kung sino ang malas na nilalang, si Marievick pala. Isa siya sa mga laging kasama ni Zandra kapag papasok. "Oh my gosh! I'm sorry, hindi ko sinasadya," I said sincerely. Pero imbes na mabait at mahinahon na sagot ang makuha ko, nagulat ako nang bonggang-bongga dahil bigla itong lumayo sa'kin. Tapos 'yong mukha niya, alam niyo 'yon? Todo ngiwi eh, akala mo naman may dala-dala akong sakit.  Diring-diri ka girl? Kung maka-layo, akala mo may bitbit akong sumpa eh! "Ay, excuse me ah, may problema ka ba sa'kin?" mataray pero kalmadong tanong ko. Tsk, wag niya ako! Nag-sorry na nga ako tapos gan'yan ang igaganti niyang reaksyon sa'kin?  "Wala. Bakit ka ba nandito?" mailap na sagot nito. Seriously? Kung makaasta naman, Donya ka girl? May sapak na ata sa ulo ang isang 'to. Hindi ko na lang pinansin ang kamalditahan nito ni Marievick. Mahirap na, baka masira nang tuluyan ang mood ko kapag pinatulan ko pa ito.  "Hinahanap ko kasi si Zandra. Kaibigan ka no'ng buang 'di ba? Alam mo ba kung nas—" Hindi pa ako natatapos magsalita, bigla na lang pumilantik ang kilay nito. "Si Zandra? Nakakulong siya ngayon sa punishment room at alam kong dahil sa'yo 'yon!" matapang na sagot ni bakla.  Aba, marunong mamutol! Ang aga-aga nag e-eskandalo na ang bruha! Nagtatanong ako nang mahinahon, tapos pagtataasan niya ako ng boses? Kung hindi ba naman bastos ang isang 'to! Wala sa hulog ang pagka kontra-bida! Oh ayan, baka sabihin niyo ako na naman ang nagsimula kung magkaroon man ng alitan ngayon. Nabasa niyo naman ah? Siya ang unang nagtaas ng boses. "Luh? Ba't ako? At saka ba't siya nasa punishment room? Anong ginawa niyang kasalanan para ilagay siya do'n?" naguguluhang tanong ko. "B0bo ka ba? Malamang dahil malapit kayo sa isa't-isa. Lahat ng lumalapit sa'yo napaparusahan! Hindi na ako magtataka kung ang pagiging magkaibigan niyo ni Zandra ang dahilan kung bakit siya kinaladkad ni Finn kaninang madaling araw," ani ya with full of energy.  Nag milo ang 'sang 'to mga mare, halata naman eh. 'Yong tono ng boses niya pang Regina Velasquez ang peg. This time ako naman ang napangiwi. Imposibleng dahil lang sa mababaw na dahilan na 'yon kaya ikinulong si Zandra.  "Ehhhh? Really? Hindi naman siguro b0bo si Kamatayan para magpatupad ng ganyang walang kwentang patakaran, ano? At saka hindi makatotohanan, girl?! Imbentor ka no? Tsk, matanong na lang nga si Finn, mahirap nang maniwala sa haka-haka. Magbubuga ka na lang nga, hindi pa pinag-iisipan," pang-iinsulto ko.  Hindi naman ako pinatulan ni Marievick, at nanatiling nakatameme, mabuti na lang. Imbes na bumalik sa room, dumiretso ako sa office ni Kamatayan. Wala siya sa room kanina kaya paniguradong nagpapakasarap siya sa lungga niya. Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok, nakita kong nakabantay sa labas ng pinto si Vince na abot langit ang ngiti. "Sup yow," walang buhay na bati ko. Tumaas lang ang kilay nito sabay tango.  "Hindi ba kayo pumapasok sa mga klase niyo ah? Nandito kayo sa SAA para pagsilbihan si Kamatayan at hindi mag-aral, tama ba?" tanong ko. Kumindat ang kumag bago sumagot, "Tumpak! Pero nag-aaral pa rin naman kami Keish, ang pinagkaiba nga lang, t'wing bakasyon lang kami nagte-take ng subjects na gusto naming aralin," ani 'ya, habang patuloy na nakangiti. Isang irap ang pinakawalan ko, bago titigan ang pinto. "Whatevs, nand'yan ba si Finn? O kahit 'yong baliw mong boss?" tanong ko. Kumunot nang bongga ang noo ni Vince, tila hindi makapaniwala na hinahanap ko 'yong dalawang buang. "Si Kamatayan? Natutulog pa sa kwarto niya. Si Finn, ang alam ko nasa punishment room, may binabantayan," nag-aalangang sagot nito.  The moment I heard those words, agaran kong kinuwelyuhan si Vince. "Sinong nakakulong? Si Zandra ba?" mabilis kong tanong. Medyo napangiwi ang mokong dahil sa ginawa ko. Kaagad ko rin namang binawi, pero bakit? Duh? Si Vince lang 'yan Keisha, ba't ka mako-conscious sa galaw mo?  Gusto mo pa rin bang isipin ni Vince na isa kang anghel kagaya ng dati? B*tch!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD