CHAPTER 15.5

1386 Words
"I'm sorry, nagulat lang ako," bulalas ko with matching pagngiwi pa. Kahit si Vince, nagulat din pero kaagad niya rin namang nabawi. "Pffft, no need to say that. Hindi sa'kin sinabi kung sinong nakakulong eh. Pero ba't mo naman naitanong kung si Zandra?" tanong ni Vince pabalik. "Because siya nga," napalingon ako no'ng marinig ang boses ni Kamatayan sa likod. Biglang kumunot ang noo ko at ibinalandra sa kan'ya 'yong "What? Why?" look. "Let's talk. Pasok sa loob, Vixel, Ms. Yu," malamig na utos nito. Hinintay ko munang dumaan sa harap ko si Kamatayan bago ako makabalik sa reyalidad. Thanks to his perfume, shemay parang amoy langit, pero ang pagkatao, bueghyxbsnxka, nevermind. Pagkapasok namin sa loob, hindi ko man ito unang beses, tumulala muna ako for about a minute bago umupo sa upuan. "Bakit nakakulong si Zandra? Anong ginawa no'n?" takang tanong ni Vince, tumango lang ako bilang pagsang-ayon. "I don't know if you're gonna believe me Ms. Yu, but I know Vixel will, am I right?" mayabang, este walang buhay na tanong nito. Kahit monotonous ang tono nito ni Kamatayan, nayayabangan pa rin ako eh. Alam niyo 'yon? Pa-cool amp*ta, kala mo talaga kung sino eh! Gigigil niya ako! "Yes. DEATH's word is absolute, I won't dare question your word, your highness," ani Vince. Muntik na akong masuka sa mga pinagsasabi niya. Anong absolute? Anong highness? Ang cringe ah! Ang cringe kaya! "Enough with that sh*tty, and cringey act," nandidiring pambabasag ko, with rolling eyes pang kasama. "Pasok," utos ni Kamatayan. Nagulat kami nang biglang iluwa ng pinto si Finn, bitbit-bitbit 'yong lalaking walang bayag na nakalaban ko kagabi. Halos hindi na makilala ang mukha niya dahil putok ang labi nito pati ang kan'yang dalawang kilay. Halos kay Finn na nga lang umaasa ang kumag dahil kinakaladkad niya na lang ang kan'yang dalawang binti. "What a sight," bulong ko. "Benz Gabrielle, sabihin mo sa'min ngayon kung sino ang nag-utos sa'yo na patayin si Ms. Yu," ani Kamatayan. Naguluhan ako saglit, pero syempre 'di naman tayo b0bo gurl, na hindi kutuban sa mga ganitong pangyayari. I just want to hear it from this guy. At bakit? Tang*na nakakamatay pala 'yong dala niya kagabi?! Pero bakit buhay pa ang isang 'to kung oo man? "Wala akong kasalanan," pagsusumamo ng kumag habang umiiyak. Nahihirapan itong magsalita pero sapat na ang lakas ng kaniyang boses para marinig namin iyon. "Pinilit ako ni Zandra na isagawa ang plano para patayin si Keisha. Hindi ko magawang tumanggi dahil pinagtangkaan niya ang buhay ko," pasisiwalat ni Benz. "Maniwala kayo sa'kin, wala akong kasalanan. Wag niyo akong patayin, parang-awa niyo na, wala akong kasalanan. Wala akong kasalanan Kamatayan, Keisha," Humagulgol na ang kumag habang tangan-tangan pa rin ni Finn. Ako na ang naaawa dahil kailangang hatakin ni Finn paitaas ang lampang katawan ni Benz upang hindi ito tuluyang bumagsak sa sahig. "Pa'no natin malalaman kung nagsasabi ang bugok na 'to ng totoo?" tanong ko. "That's a good question, Ms. Yu," sagot ni Kamatayan, tapos may kinuha ito sa ilalim ng kaniyang lamesa at ipinakita sa'min ang isang cheque. Kinuha ko 'yon tapos halos magwala 'yong galit sa katawan ko nang makita ang pangalan ni Zandra tapos may sign sa itaas. Is this f*ckng legit? Halos mabutas ang cheque dahil sa labis kong panggigigil. "P*tang*na, nasaan ang bruhang 'yon?! Vince can you see this sh*t!!! Gusto akong patayin ng best friend mong bwesit ka!" sigaw ko sabay tapon no'ng cheque sakto sa mukha ni Vince. "Huh? Anong best friend? Kayo ang best friend ko," mabilis na pagde-deny niya.Umirap ako 360 degrees dahil sinisira niya ang momentum ng galit ko. "Kamatayan, pwede sumabat," paalam ni Finn. Noong tiningnan ko siya para siyang nagmumurang kamatis dahil sa pula ng mukha nito. Tumango si Kamatayan tapos bum'welo ng malupit itong si Finn. "Gusto ko lang sabihin na g*go ka Vixel," ani ya tapos biglang tumawa. Si Vince ayon, nakitawa na rin. "T*ngna, tumigil kayo! Walang nakakatuwa dito!" pambabasag ko. Trinaydor na ako ni Zandra noon, tapos malalaman ko na may ganito pala siyang pasabog? Anong kasalanan ko sa kaniya para magbalak siya na patayin ako? Eh kung tutuusin ako dapat ang gumagawa ng ganito sa kaniya. Sa sobrang inis, padabog akong tumayo para lumabas. Magkakasukatan na kami no'ng bruhang 'yon ng lakas. Peste siya! Nahiya naman akong hindi ibalik 'yong surpresang galing pala sa kaniya kagabi. Gumawa pa siya ng alibi na kesho sinisiraan ako nitong Benz na 'to, 'yon pala siya ang utak sa lahat! Hngggg! Nanggigigil ang kaluluwa ko! "Kasalukuyang pinapahirapan si Zandra sa punishment room, wag kang mag-alala Ms. Yu," ani Finn na hinablot ang aking braso bago pa man ako makalapit sa pinto. Ang taray. Nakaya niya pang igalaw ang isa niyang kamay habang busy sa pagsusuporta 'yong isa. Sinamaan ko siya ng tingin para bitiwan niya ako, pero masyadong matatag si Finn para tumiklop sa simpleng pananakot. Inis na nagpakawala ako ng buntonghininga bago bawiin ang aking braso mula sa pagkakahawak ni Finn. "Kamatayan, gusto ko kaming dalawa ang magtuos! Ako ang target niya 'di ba? Edi magkasukatan kaming dalawa! Gusto kong malaman kung bakit?! Anong kasalanan ko para dumating sa puntong 'to na gusto niya akong patayin!" gigil kong pagrereklamo sa demonyo. 'Yong inis ko, ayaw talaga humupa. Nanginginig ang labi ko habang sinasabi ang mga 'yon. Pilit kong kinukulit ang aking hippocampus para alalahanin kung may malaking atraso ba ako sa kan'ya para humantong sa ganito. "I'll let you, pero bukas na," matipid na sagot ni Kamatayan. Susko! No'ng marinig ko 'yon gusto kong suntukin ang mukha niya. "Huh?! Ba't mamaya pa? Ba't hindi ngayon?" disappointed kong sigaw. "You're my Secretary starting now, baka nakakalimutan mo," tugon niya with a serious face. Napalunok na lang ako dahil parang biglang may mabigat na presensya akong naramdaman. "Tsk, fine!" wala sa loob na bulyaw ko. Hindi ako makapaniwala na pumayag ako sa sinabi niya. Siguro, dahil sa unti-unti ko nang nararamdaman 'yong totoong Kamatayan, unti-unti na rin akong tumitiklop. Pero hindi mga mare! Lalaban tayo! Hindi tayo padadaig sa demonyong 'to! Hahanap tayo ng tyempo, maliwanag? "Oh ano nang mangyayari ngayon? Anong ginawa mo kay Zandra? Dito sa lalaking walang bayag? Akala ko ba nakakamatay 'yong balak niyang iturok sa'kin, kung ano man 'yon? Bakit wala pa sa impyerno 'to?" sunod-sunod kong tanong. Biglang umubo si Finn tapos taas noong tumingin sa'kin. Napangiwi ako no'ng makuha ko ang gusto niyang sabihin. "Baka 'di mo pa alam Keisha, magaling at matalino 'yang si Finn, kahit hindi nga lang halata. Paniguradong siya nagtanggal ng lason sa katawan niyan ni Benz," sabat ni Vince. nahihiyang tumango si Finn, samantalang si Kamatayan, tila malalim ang iniisip. Hindi nga kumukurap eh. "Ehem, siguro ito na ang tamang oras para ipaliwanag ko sa inyo ang lahat. Ag lason na kumalat sa katawan ng lalaking 'to kagabi at muntik ng kumitil sa kan'yang buhay, ay tinatawag na nightmare Ecstacy. Isa iyong nakakamatay na drug, dahil ang biktima nito ay makakaranas ng walang hanggan na bangungot na magreresulta ng instant kamatayan. To be honest, kahit anong society sa black market, walang hawak na ganitong klaseng drug, dahil sobrang mahal ng bentahan nito at talagang mahirap gawin. Kaya nagtataka ako nang labis kung paano at saan nakuha ni Zandra ang deadly Ecstacy," paliwanag ni Finn. Magsasalita na sana ako kaso bigla muli itong sumabat kaya nilunok ko na lang 'yong sasabihin ko. "At alam niyo rin ba, na once maturukan ka nito, ang biktima ay tatagal lamang ng dalawampung minutong buhay bago tuluyang sirain ng nightmare Ecstacy ang utak ng biktima. Kaya swerte kang nilalang Benz dahil nandito ako. Magpasalamat ka sa'kin, " dugtong nito. Hindi naman nag-atubiling tumango at magsalita 'yong hunghang na dali-daling nagpasalamat. Pffttt, hindi ko napigilang hindi matawa dahil nagpauto naman ang kumag. "Walangya ka Finn, hahahahahaha! Sasakit ang tyan ko sa'yo! Pero iba ka, dude! I'm so proud of your brain!" pamumuri ni Vince. Pinagmasdan ko si Kamatayan habang nagsasaya 'yong dalawa. Tila wala sa mundong 'to ang kan'yang isip. Hindi ako sanay na hindi nagsasalita si Kamatayan, I mean hindi siya nakikisawsaw gano'n. May problema kaya? Ano naman sa'kin kung meron nga? Pake ko? A/N: Oo nga, pake mo ba? Oo nga ano Otor? Hahahahaha wag niyo na lang isama 'yong dulong part. Wala akong paki d'yan sa kumag na 'yan. Wala, as in wala!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD