DWIGHT
Malalim na ang gabi ng makatanggap ako nang 'di inaasahang tawag mula kay mom. Nakapikit pa ang isang mata ko pero pinilit ko pa ring abutin ang cellphone na nasa lamesa. Hindi naman ako iistorbohin ng babaeng 'to kung hindi importante ang sasabihin niya, kaya kahit labag sa loob ay pinilit ko ang aking daliri na pindutin ang accept button. "Hello, baby? Sorry if napatawag ako nang ganitong oras. Ang dad mo kasi, nagbabalak na isama ka sa upcoming mission na inoffer sa'tin. At dahil nakarating sa dad mo 'yong report about sa pag-invade ni Kate sa SAA, ikaw ang papalit sa kan'ya ahil grounded ito for two weeks," balita ni mom. Hindi naman na ako nagulat sa ibinalita niya dahil kanina pa lang after naming mag usap-usap sa office nina Keisha ay tumawag si dad para balaan ako. Ang nais niya ay sa susunod na araw, kailangan kong umuwi sa bahay para maghanda. This time, si Wang Xiu Zhang ang target ng grupo namin. Isang mayamang Chinese na siyang utak sa pagpapapatay ng 30 na sibilyan sa Marikina, at kasama doon sa mga nasawi ang paboritong aso ni President Alarcon ng Gorgons Society na si Max.
Anong paki namin kung nalagasan man ng isang myembro ang The Gorgons, eh hindi naman namin tauhan 'yon?
Ganito kasi ang kalakaran. Kumbaga, dahil ang H&S Society ang nangunguna sa limang Society under ng UGSO, kay dad lumapit si President Alarcon para pabagsakin si Zhang. Alam nila sa sarili nila na hindi nila kayang gumanti doon, at isa pa, puro warrior type ang mga tauhan niya, samantalang sa H&S, maraming magagaling na assasin na kakailanganin para magtagumpay sa misyon.
"Yah, dad already told me about that. Anything else?" walang buhay kong tanong. " 'Yon lang naman, by the way, ikamusta mo na lang ako do'n sa kaibigan mo, Keisha right?" pahabol ni mom. Pagkarinig ko no'n, biglang nawala ang antok sa katawan ko. Hindi ko alam pero bigla na lang nag-init ang dugo ko no'ng banggitin niya ang pangalan ni Keisha. Tsk, hindi pa rin siya nagbabago, masyado pa rin siyang pakialamera. Sukang-suka na ako sa panghihimasok at pagmamanipula sa'kin ni dad, wag niyang tangkain na makisaw-saw pa.
"I'm warning you---" Hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin dahil kaagad niyang pinutol upang depensahan ang kaniyang sarili. " I know, I know. Don't worry, hindi kami mangingialam ng dad mo. Ay mali, hindi ko alam kung anong gagawin ni dad, but I promise you, mommy will do her best para pigilan si dad, kung may binabalak man ito about do'n sa girl, okay? I just want to know her condition right now, dahil sa ginawa sa kan'ya ni Kate," ani ya.
"She's okay. As long as I'm here, she'll be fine," confident kong sagot. Totoo naman kasi. Habang nakatingin ang mga mata ko sa babaeng 'yon, hangga't nasa puder ko siya, hangga't naabot ko, magiging ligtas siya.
"Hmmmm, I wonder if he's just your—" Kaagad kong pinutol Kung ano man ang nais niyang sabihin dahil alam ko na kung saan iyon patungo. "Mom she's my prey, that's all. Kung wala ka ng ibabalita, ibababa ko na ang tawag dahil maaga pa akong gigising mamaya," ani ko. "Always take care of yourself okay? Don't forget that we always love you," ani to. Hindi na ako sumagot after no'n at agad na ibinaba ang tawag.
Love me, huh?' Anong ka bullsh*tan 'yon?
Nakakasuka, p*ta. Anong alam niya sa salitang 'yon? Wala. Dahil kung meron man, bakit wala siya sa panahong naghihirap ako? Panahong kailangan ko ng Ina? Panahong kailangan ko ng masasandigan? Wala siya no'ng nagmamakaawa ako kay dad na ayaw kong sumama kay Mama Flor at pumasok sa laboratory. Wala siya no'ng halos patayin ako ni dad sa pagpapakain sa'kin ng mga pagkaing allergic ako. Wala siya no'ng mga panahong kinukutya ako ng mga tao dahil hindi ko naaabot ang expectations nila bilang isang Hernandez at susunod na tagapagmana ng H&S. You let me suffer, and I endured all of the sh*ts without you. Kaya nunka niyang sabihin sa'kin ngayon na mahal niya ako, mahal nila ako. Dahil iyon ang pinakanakakasukang kasinungalingang narinig ko.
Humarap ako sa lahat ng mag-isa. Umiyak ako ng mag-isa. Pinakalma ko ang sarili ko ng mag-isa, tapos kung umasta siya ngayon, isa siyang dakilang ina sa'kin. That's pure bullsh*t!
'Kung may tao man na dapat kong pasalamatan sa lahat, 'yon ay ang batang ito,' bulong ko habang pinagmamasdan ang litrato namin ng batang babae na nakasiksik sa wallet ko.
FLASHBACK
"Hush, don't worry, I know my Ate is on her way to rescue us. You know what? She's strong! She can defeat any monster! 'Yong mga bad guys na kumuha sa'tin, tatalunin ni Ate ko 'yon, kaya wag ka ng umiyak," she said habang pinupunasan ang luha sa mga mata ko. We're just five at that time pero, she stood in front of me. 'Yong comfort na matagal ko nang inaasam na maramdaman, sa kan'ya ko nahanap.
"Ahh! You're here too? How are you?" Hindi ako makapaniwala no'ng makita ko siya ulit. Hindi man kami naging magkaklase, tuwing uwian ay walang araw na hindi kami naglalaro. Gumawa kami ng sarili naming taguan at tinawag iyon na Secret base. When I am with her, 'yong saya na nararamdaman ko ay walang mapaglagyan. Nakakalimutan ko ang katotohanang, after kong umuwi sa bahay, impyerno ang babagsakan ko.
"Hehehehe, here take this. Picture na'tin 'yan kahapon. Pinakiusapan ko si mom na bigyan ako ng sobrang copy para ibigay sa'yo. Wag mo 'yang wawalain ah? Hindi na tayo friends 'pag nawala mo 'yan" ani ya sabay abot sa'kin ng litrato. Tumango ako tapos bigla na lang naiyak dahil sa tuwa. Sa sobrang pag-aalala niya, napayakap na lang ako nang mahigpit.
"Ehhhh, maganda naman tayong pareho sa picture ah? Bakit ka umiiyak d'yan?" takang tanong niya. "Wala, masaya lang ako, kasi naging kaibigan kita," umiiyak na tugon ko. "Ehh? Ako rin, masaya."
"Tomorrow, kung sino ang mauna dito sa secret base natin, siya ang magiging Hari! Kung sino man ang mananalo sa'tin bukas, may chance siyang mag-wish. At dapat kapag nag-wish ang Hari, masusunod 'yon. Kaya galingan mo bukas, okay? Kapag ikaw ang nanalo, tutuparin ko ano man ang maging hiling mo," Masaya at determinado akong tumango noong marinig ko iyon. Natatandaan ko pa, kinabukasan no'n, excited ako na lumabas sa classroom at mabilis na tumakbo papunta sa pinag-usapang tagpuan.
Unang beses kong hindi ininda ang sugat na natamo ko no'ng madapa ako dahil sa pagtakbo. Gusto kong maging Hari. Gusto kong humiling. Gusto kong hilingin na wag niya akong iwan, habangbuhay.
'Yong sakit, hindi ko naramdaman no'ng makitang wala pa siya sa secret base. Masaya akong naghintay sa kan'ya. Nakangiti ako habang tumatanaw sa labas kung tumatakbo na ba siya papunta dito. Gusto ko siyang gulatin at sabihing ako ang nagwagi, hanggang sa hindi ko na namalayang lumampas na ang isang oras ng paghihintay.
Dalawa
Tatlo
"Sir, Kaialngan na po nating umuwi. Sige ka, kapag hindi ka sumunod sa'kin, isusumbong kita sa daddy mo para paluin ka," pananakot no'ng nag-aalaga sa'kin. Hindi ako nakikinig sa sinasabi niya. Kahit sunduin ako ni dad, kahit abutin ako ng gabi, dito lang ako, maghihintay sa kan'ya. May usapan kami. Kailangan niyang malaman na ko ang nanalo.
"Hanggang ngayon talaga hindi ka magtatanda?! Kaladkarin niyo 'yan at umuwi na tayo! Nakakahiya sa mga taong nandito!" sigaw ni dad habang walang-awang hinihila ng mga tauhan niya ang maliit kong katawan.
END OF FLASHBACK