"Hayyy! Kailangan ko ba talagang manatili dito sa office mo?" iritableng tanong ni Keisha. " Paki-ayos ng mga ito. Kailangan ko 'yan bukas kaya imbes na kumuda, magsimula ka na," malamig kong utos. Dahil sa inis, sinampal nito ang lamesa at sinubukang kunin ang atensyon ko. Hindi ko ibinigay ang gusto niya dahil marami rin akong ginawa. Aalis na ako sa susunod na araw, kailangan kong matapos ang natitirang trabaho ko dito.
"Ahhh! Gusto mo ng ganitong laban ahh? Okay," ani 'ya tapos padabog na umupo. Tinapunan ko siya ng ilang nakaw-tingin habang gumagawa. Makalipas ang tatlong oras na walang imikan, biglang iniluwa ng pinto sina Vixel at Finn. "Owww sipag naman ng bespren ko! Ano 'yan Keish?" tanong ni Vixel, tapos kumuha ng isang papel mula do'n sa pinapaayos ko kay Keisha.
"Hahaha! G*g---" Bago pa man maituloy ni Vixel ang kan'yang sasabihin, kaagad na pinandilatan siya ni Finn.
Pangahas talaga ang isang 'to kahit kailan.
"Sorry po Kamatayan, hahaha pero bakit ito ang pinapatrabaho mo kay Keisha? Eh mga record ng nakalaban mo 'to 'di ba? Tanda ko 'to si Alfred eh, galing 'tong Gorgons Socie 'di ba, Finn? Tang*na, naalala ko tuloy 'yong laban niyo nito. Napakaastig mo talaga do'n, Kamatayan! 'Di ba Finn? Si Alfred 'yong lumuwa 'yong mata?" maligalig na kwento ni Vixel.
"Oo, umabot lang ng limang minuto ang laban nila," mabilis na sagot ni Finn na pumalag naman. Si Keisha, wala pa ring imik, patuloy lang niyang inaayos 'yong mga papel.
"Tama, mabilis nga lang 'yong laban nila. Hahahaha! Astig no'n no? Pero 'di ba, kaya natapos agad 'yong laban, kasi pinull-out agad 'yon no'ng tatay niya? Hahaha! Takot mawalan ng anak si President Alarcon, kinuha agad 'yong anak niya eh, hahahahah!" patuloy pa ring kuda ni Vixel.
Nang walang mag-react sa sinabi nito, natauhan na siya't nanahimik na lang. Ibinalik niya na kay Keisha 'yong papel tapos umupo sa sofa katabi ni Finn.
"Masyado naman kayong seryoso. Wala bang Battle of the Heir ngayon Kamatayan? Para naman makapunta kami sa H&S," tanong ni Vixel. Isang buntonghininga muna ang pinakawalan ko bago sumagot. "Pinag-uusapan pa ng UGSO kung magkakaroon ngayong taon. Kung meron man, paniguradong si Kate ang magre-represent ng H&S," ani ko. Nagbago ang ekspresyon ni Vixel at nangiwi sa narinig. "Yuck! 'Yon ang isasabak ni Tito Carlo? Paniguradong mananalo siya laban sa lower two, pero pustahan, wala siyang binatbat sa pambato ng BM, ay sino nga bang panlaban nila? Si Ate Sophia pa rin ba, Keish?" tanong nito.
"Malay ko, matanda na ang bruhang 'yon, kaya malabo. At saka nanalo na siya sa Battle of the Heir, 'di ba? Hindi na papayagan pa 'yon na sumabak. Si Venus ata ang magre-represent ng BM, o baka ako, kung gugustuhin ko," tugon nito, ni hindi man lang tinanggal ang paningin sa papel na hawak niya.
Natigilan kaming lahat sa kan'yang tinuran. Kaagad akong tumayo para hablutin lahat ng papel na nasa mesa nito, kaya kaagad na tumaas ang kilay niya, waring nagtatanong kung bakit ko ginawa iyon. "Hindi ka sasali. May trabaho ka dito sa SAA," mariing utos. Tumayo rin siya tapos nakipagsukatan ng titig.
"And so? Kung gusto kong sumali, wala kang magagawa, naiintindihan mo ba? 'Tsaka may atraso sa'kin ang Kate na 'yon. Kung siya ang magre-represent ng Society niyo, dudurugin ko siya," taas noong sagot nito.
Nanatili kaming tahimik pagkatapos no'n, walang gustong sumuko sa'min sa pakikipagtitigan. "Ehem, ilalabas ko na si Zandra sa punishment room number one, at gaya ng pangako mo Kamatayan, kailangan kong isama si Ms. Yu, para makita niya rin ang kalagayan ni Zandra," sabat ni Finn.
Pagkasabi no'n ni Finn, doon lang naputol ang pagtititigan naming dalawa. Umubo si Vixel no'ng makita niyang hinabol ko ng tingin si Keisha habang naglalakad papunta kay Finn. Lumapit ako sa kan'ya, tapos isang mahinang suntok ang ibinato ko kapalit ng kan'yang kapangahasan.
"F*ck you," bulong ko. "I love you too, Kamataya--n," nakangiting sagot niya tapos umakto pa na hahalikan ako sa pisngi. Bago niya pa man magawa iyon, iniharang na ni Finn ang kamay niya.
"Vixel, parang-awa mo na, kung ayaw mong pumalit agad kay Zandra sa punishment room number one, tigilan mo 'yang kabastusan mo. Ako na ang nakikiusap sa'yo," pagsusumamo ni Finn, habang dinidik-dik sa matalim na titig si Vixel.
"Tsk, ano na? Finn, Vince hali na kayo!" iritableng tawag ni Keisha. Bakit hindi niya tinawag ang pangalan ko? Hindi niya ako isasama? Ako na nga ang gumawa ng hakbang para makaganti siya ng hindi nadudumihan ang kan'yang kamay, tapos ganito ang isusukli niya sa'kin?
What the f*ck!
"Sige kayo muna. Mamaya ko na bibisitahin si Zandra. Besides, ang unang tungkulin namin ay bantayan si Kamatayan 24/7, kaya ako na muna ang maiiwan dito," sabi ni Vixel. Umaktong nandiri si Keisha habang patuloy na nakataas ang isang kilay. "Sows, malaki na 'yang damulag na 'yan para bantayan pa. Ang lakas nga ng loob makipag-away tapos babantayan mo pa? Like what the f*ck," malditang sagot nito. "Edi para walang away, sumama na lang tayong lahat, ano Kamatayan?" suhestyon ni Vixel.
Isang irap ang ibinato ni Keisha sa direksyon ko para sabihing hindi siya sumasang-ayon sa sinabi ng kan'yang kaibigan. Huh? What did I do wrong? Hindi na nga ako nagsasalita dito, tapos ginaganyan niya pa rin ako?
I don't get her, she's f*ckng complicated.
"Hayyysss bilisan niyo na! Pabebe kasi 'yang isa d'yan! Putol ata ang dila niyan at ultimo pagde-decide ay hindi niya magawa," bulyaw nito. Okay, I get it, may sama siya ng loob sa akin. Pero bakit idinadaan niya sa pagpaparinig ang pagganti? Nakakatawa, hindi ko inaasahan na may pagka-childish din pala ang babaeng 'to.
Hinatak ni Keisha ang braso ni Finn at gano'n din ang ginawa ni Vixel sa'kin. Hindi na ako pumalag dahil wala ako sa mood para magsalita.
Kung tutuusin, ang original plan ay dadalhin ni Finn sa office si Zandra at doon siya kakausapin nina Keisha at Vixel, since naging kaibigan nila ito. Ang kaso, sinira ni Finn ang plano at ipinaalala ang pangako ko kahapon kay Keisha na bibigyan ko siya ng panahon para kausapin si Zandra.
Habang binabagtas namin ang daan patungo sa kulungan, natigilan ako saglit nang biglang mag ring ang aking cellphone. Kaagad kong kinuha ito at sinagot. "Dwight, may darating na mga bagong student sa SAA, napagpasyahan kanina ng UGSO na magpadala ng isang representative kada Society d'yan para ihanda sa nalalapit na Battle of the Heir. Siguraduhin mong masasabihan mo nang maayos ang dalawang aso mo. Ayaw ko na may makakarating sa'kin na hindi maganda, naiintindihan mo ba?" ani dad sa kabilang linya.
Kaagad nitong ibinaba ang tawag and the moment na bumaling 'yong tingin ko kina Keisha na nakatitig sa akin, sinaway ko sila na mauna na. Habang pinagpapatuloy namin ang paglalakad, hindi ko mapigilang hindi mainis dahil sa natanggap na balita.
'F*ck! Ang daming pakulo ng UGSO!'