CHAPTER 17: CAN YOU SURVIVE WITHOUT ME?

1308 Words
KEISHA Mataas na ang araw at hindi pa rin ako nakakapananghalian. Kumakalam na ang sikmura ko, pero mas nananaig sa'kin ang makita ang lagay ni Zandra. Kasalukuyang hinihintay namin sina Vince at Finn na makalabas sa kulungan. Isang minuto na ang nakalipas pero kahit anino nila hindi namin maaninag. "P*ta, bigat na bigat ba 'yong dalawa kay Zandra? O baka naman nag-iisip na 'yong dalawa do'n sa loob kung paano dispatsyahin si Zandra? Tinuluyan mo ba 'yong babaitang 'yon Kamatayan?" naiinip na tanong ko. As usual, walang reply ang demonyo. Bakit ko nga ba 'to kinakausap? Dapat hindi ko 'to papansinin eh! Tang*nang Vince kasi na 'yon, iniwan ako kasama ang hunghang na ito! At salamat naman dahil after three f*ckng minutes nakalabas na rin sa lungga ang mga peste. Gaya ng aking inaasahan, lumabas silang kinakaladkad ang bangkay—este ang katawan ni Zandra. "Buhay pa ba?" tanong ko do'n sa dalawa. Isang thumbs up mula kay Vince ang natanggap ko tapos sinabayan na sila sa paglalakad. 'Sayang,' bulong ko. Charot lang mga mare, sa'king mga kamay babawian ng buhay 'tong pangahas na 'to. Anong kaibi-kaibigan? Gunggong ba kayo? Pinagtangkaan niya ang buhay ko tapos maaabswelto siya dahil lang sa naging kaibigan ko siya noon? Utot! Habang kinakaladkad no'ng dalawa ang katawan ni Zandra, hindi ko napigilan na siyasatin ang katawan nito. For your information, 'yong design ng uniform dito ay mala-Japan ang style. Above the knee ang skirt tapos naka long sleeves. Kaya naman litaw na litaw 'yong mga namuong dugo sa hita niya. Actually 'yon talaga unang napansin ko no'ng makita ko si Zandra. "Oww f*ck! Sino may gawa nito? Ano 'to? Hiwa? Ang galing ahh. Magpapa-seminar nga ako sa taong gumawa nito para naman kapag may lalatayan ako eh may arts pa rin. Ganda, solid naman ng mga lines," bulalas ko, habang hinahangaan ang mga sugat ni Zandra. "Sa totoo lang Miss Yu, pinapunta pa ni Kamatayan 'yong Family Chef nila kagabi para lang gawin 'yan kay Zandra. At alam mo rin bang naka blindhold ang taong 'yon habang naghihiwa ng laman?" taas noong sagot ni Finn. Hutek! Hindi ako makapaniwala na nangdistorbo pa ng tao 'tong demonyong 'to para lang kay Zandra. Hindi niya na lang ako tinawag? Tssk. Willing naman akong maghiwa rin ng laman kesa mag-ayos alphabetically ng mga pangalan ng mga nakalaban niya dati. "Ehh, taray mo naman Kamatayan. Sosyal ka? Pero seryoso, balak mo ba talagang patayin si Zandra? Or sumagi man lang ba sa isip mo? Kasi biruin mo, ilang hiwa meron 'to? One, two, three, four, sh*t meron pa sa mga braso niya, and hahahahaha! Pati mukha hindi mo pinalagpas! G*go! Pano na haharap sa madla 'to? Magpepeklat ba ang mga 'yan?" masayang tanong ko. Pinaningkitan ako ni Finn dahil medyo napapalakas ang boses ko. Bawal kaming pagpyestahan ng mga stupidents, dahil mahirap na. Alam niyo namang maraming chismosang palaka dito sa SAA. Baka magkaro'n ng unexpected m******e kapag nainis ang Hari. "Kakaiba kang bwesit ka!" malakas na bulong ko sabay sapok sa balikat ni Kamatayan. Napangiwi ito dahil sa ginawa ko pero walang lumabas na boses sa bibig niya. 'Luh? Mahina nga lang 'yon,' bulong ko sa'king isipan. Ni hindi man lang siya gumawa ng kahit ano para makaganti. Badtrip ba 'tong kupal na 'to? Parang ano eh, wala lang umaray lang siya sa loob pero dedma lang sa labas. Tumigil bigla sa paglalakad si Kamatayan kaya kaming tatlo, tumigil na rin. Tumingin ito sa kan'yang relo, tapos nagpakawala ng isang mabigat na buntonghininga. "Vixel, Finn, mauna na kayo sa office, may meeting akong a-attendan kasama ang mga Teacher," walang buhay na sabi ni Kamatayan. Tumango 'yong dalawa pero ako nakatunganga lang. Hinintay kong tapunan man lang niya ako ng tingin, kahit 'yong matalim na titig lang, pero wala. Kaagad itong umalis at umaktong parang hindi niya ako kasama. "G*go ang isang 'yon," bulong ko. Wala naman kaming nagawa kung hindi ang magpatuloy sa paglalakad. Tsk, problema ng isang 'yon? Kahapon pa iba ang kinikilos niya. Eh, to be honest goods naman sa side ko 'yong ugali niya ngayon, pero ewan. Parang kulang kapag hindi ako binu-bwesit ng hunghang na 'yon. Nahihibang na siguro ako. Walang umimik sa'ming tatlo hanggang sa makarating kami sa office ni Kamatayan. Pakababa kay Zandra sa sahig, pagod na humilata si Vince sa sofa. "Napapansin niyo rin ba 'yong napapansin ko?" tanong ko sa dalawa. Halos magdikit na ang dalawang kilay ni Vince, samantalang si Finn, tamang ngisi na lang sa gilid. "Anong meron? Anong napapansin mo Keisha?" walang kaalam-alam na tanong ni Kumag. Napakamot muna ako sa noo bago sumagot. "Kako, wala ba kayong napapansin do'n sa amo niyo? Ang weird niya kaya simula pa kahapon. May problema ba 'yon? Hindi naman sa hindi ko nagugustuhan ang pananahimik niya, ang sa'kin lang eh, hindi ako sanay na hindi niya ako pinepeste," nag-aalangang sagot ko. Medyo alanganin talaga mga mare kasi, natakot ako na baka iba ang isipin ng dalawang kumag na 'to na hindi naman ako nagkamali, dahil itong si Vince eh kung makatingin akala mo'y nagwagi sa lotto. Alam ko 'yong mga tingininan niyang ganyan eh, alam kong mali pagkakaintindi niya sa sinabi ko. "Ahhh, you mean, nami-miss mo 'yong paghahabol niya sa'yo?" wala sa hulog na sagot niya. Napatayo ako bigla para depensahan ang sarili ko. "B0bo! Hindi! Ewan ko sayo, ang pangit mo kausap! Finn ikaw na lang nga ang sumagot, maloloka ako dito kay Vince," iritableng sagot ko. Umaktong gulat na gulat si Finn tapos tiningnan niya pa ako na nagtatanong bakit nadamay na naman siya. "Ano kasi, ayaw ko sanang magsalita dahil ayaw ding ipaalam ni Kamatayan pero, mas mainam na sigurong malaman mo at malaman mo na rin Vixel, dahil puro ka kasi love life! Tamo pag tayo talaga pinag-report ni Tito Carlo, bahala ka. Wala kang kaalam-alam sa nangyayari kay Kamatayan," ani Finn. "Luh? Anong love life? Eh ikaw 'tong lagi niyang kasama eh, malamang mas marami kang alam. Ako laging pinaparonda no'n kaya natural lang na mas lamang ka kesa sa'kin," agad namang sagot ni Vince. "Tss, bahala ka d'yan. Gan'to kasi 'yon Miss Yu. Si Kamatayan, aalis 'yan bukas, syempre hindi mo alam kasi nga ayaw niyang malaman mo," panimula ni Finn. Nalaglag ang panga ko nang marinig iyon. "Bakit? Sa'n punta ng demonyo? At anong connect no'n sa tinatanong ko sa'yo?" maldita kong tanong. Umubo muna si Finn bago magsalita. ''Yong seryoso, may sakit ba 'to sa baga at panay ang ubo ng taong palikpik na 'to?' "Ano kasi, kaya 'yon tahimik simula pa kahapon, gawa nang isang linggo siyang mawawala. Target nila ngayon ay 'yong drug lord ng Marikina, si Wang Xiu Zhang, 'di na sayo bago 'yon 'di ba Vixel? Nakita na natin 'yong butanding na 'yon dati," sabi ni Finn habang nakaharap kay Vince. "Ahhh oo! G*go! Ang higpit ng mga bantay ng kumag na 'yon hahahaha! Kala mo eh Presidente ng Pilipinas. Tanda mo muntik ko nang mabangga 'yon, tapos akala mo eh, germs ako! Hindi talaga hinayaan no'ng mga bantay niya na madikitan ko 'yong hay0p na 'yon! Laughtrip talaga g*go! Hinayaan nila akong masubsob sa lupa imbes na lumanding ako sa butanding," natatawang sagot ni Vince with matching pailing-iling pa. Tsk, sila na lang talaga 'yong nag-uusap. " Buti na lang talaga naisip nang todasin ni Tito Carlo ang ungas na 'yon. Kaya ayo'n Miss Yu, at saka nga pala, sinabi sa akin ng Tito ko na nagta-trabaho sa H&S na darating daw 'yong mga representative ng limang Society, kaya siguro balisa si Kamatayan. Simula bukas, dito na sila mag-aaral. May pa-welcome party pa nga si Tito Carlo eh. 'Yon pala 'yong sasabihin ko sa'yo Vixel, g*go ka! Kailangan nating mag-behave 'kuno' at alam mo na, wag papatulan 'yong mga loko-lokong darating kung may siraulo mang papasok," hyper na hyper na sabi ni Finn.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD