CHAPTER 17.5

1846 Words
Ngayon, may idea na ako kung bakit mukhang problemado 'yong demonyo. Nag wo-worry ba siya na baka hindi kayang i-handle nitong dalawa niyang alalay 'yong limang baguhan? "Kilala mo ba kung sino-sino 'yong mga papasok, Finn? Basta ahhh, kapag kailangan niyo ng resbak sa bardagulan, I'm just one call away," mayabang na ani ko. Napangiwi si Vince with matching pa ekis-ekis pa ng kamay. "Bawal. Kung magkakabardagulan man, itatago kita sa punishment room para walang manakit sa'yo. Mas okay nang bugbugin mo ako, kesa sa mabugbog ni Kamatayan, ano Finn?" ani ya, hinihintay ang pagsang-ayon ni taong palikpik. "Tama! Ayaw ko rin makatikim ng sampol mula kay Kamatayan, hahahaha!" sagot ni Finntapos nag-apir ang dalawang buang. Tang*nang mga duwag na 'to. "Utot niyo! Basta kapag may sapakang mangyari, maghabulan na lang tayo, dahil hindi ako magpapahuli sa inyo hangga't wala akong nasasapak, hahahaha!" bawi ko habang tumatawa. "Edi, maghahabulan. Baka nakakalimutan mo, ako si The Flash ng SAA," mayabang na ani Vince. "Baka The flush kamo! Pero, g*go ka Vixel, tinatapakan mo na 'yong kamay ni Zandra, walanghiya ka!" bulalas ni Finn. Muntik nang lumabas ang kaluluwa ko sa kakatawa dahil tama nga ang sinabi nito. Hanep na Vince 'yan, hindi man lang niya napansin 'yon? Manhid na ata ang paa para hindi mapansin na nakatapak siya ng basura, pffft. Agad namang inilayo ni Vince 'yong kaniyang paa na animo'y nandidiri. Ang matindi pa, nagawa niya pang humingi ng sorry sa kamay ni Zandra. "Hahaha! Takte! Ngayon ko lang napansin, may pagkakahawig si Zandra kay Kate, hindi ba?" ani Vince. Inilapit ni Finn ang mukha niya at siniyasat upang tingnan kung totoo nga ang sinasabi no'ng kumag. Natawa ito no'ng mapagtantong totoo nga na maypagkakahawig sila. Like, duh? Noon ko pa iyon napansin pero isinantabi ko na lang. Sa sobrang tuwa ni Finn, hindi niya napigilan ang kan'yang sarili na hindi hambalusin ang inosenteng balikat ni Vince. "Aray g*go! 'Yong balikat ko! Ay p*ta, speaking of balikat, okay na ba 'yong balikat no'n ni Kamatayan? Alam ba ni Tito Carlo 'yon?" bulalas ni Vince. Realquick ah! Umaaray pa lang siya tapos biglang liko. Ibang klase. Pero, anong sabi ni Vince? Tila nag-loading ako dahil as far as I know, maayos si Kamatayan, maayos naman si Kamatayan. "Bakit? Anong meron sa balikat ni Kamatayan? Nga pala, kanina eh ngumiwi 'yon no'ng tinamaan ko ang balikat niya," sabi ko. Gulat na binalingan ako ni Vince na para bang disappointed siya kasi huli ako sa balita, gano'ng tinginan. "Eh? Hindi niya rin sinabi 'yon sa iyo? Kung sabagay hindi nga pala nagpakita sa iyo si Kamatayan ng tatlong araw," panimula ni Vince. Tumango ako because he's right. Remember? No'ng acquiantance ko lang ulit siya nakita after no'ng panghihimasok ni Kate. Tatlong araw akong nasa clinic, nagpapagaling at ni anino niya, hindi ko nakita. Well, at first, nagtampo ako, 'yon ba 'yong tamang word do'n? Ah, basta, gano'n parang sumama ang loob ko, kasi, hello? Siya ang dahilan kung bakit ako nakaratay sa clinic at nagpapakabulok, samantalang siya ay nagpapakasaya sa labas. "Ganito kasi, Keisha ah. Alam ko na 'yang mga tingin mo na gan'yan eh. Bago ka pa man magalit kay Kamatayan, pakinggan mo ang aking sasabihin. No'ng sinugod ka ni Kamatayan sa clinic, naka-engkwentro niya sina Kate at ang alipores nito. Wala naman siyang tinamong malalamng sugat maliban sa tama niya sa balikat. Pero wag kang mag-alala dahil mga ilang araw lang din naman ay gagaling na rin iyon. ALam mo naman si Kamatayan, pagdating sa iyo ay masyado siyang mapaglihim," mabilis na sagot ni Vince. Isang sapok ang ibinigay ni Finn kay Vince dahilan upang matauhan ito na marami na naman siyang nasabi. Ayan, kain pa ng floorwax. "Loko-loko ka! Hindi ba kabilin-bilinan ni Kamatayan na wag sasabihin kay Keisha? Paano kapag nalaman ni Kamatayan? Ano? Damay ako? G*go, bahala ka d'yan! Kapag nakarating kay Kamatayan 'yan, sasabihin ko, ikaw ang nagsabi," pananakot ni Finn. Kaagad na lumapit si Vince sa'kin upang magmakaawang wag na wag sasabihin kay Kamatayan 'yong sinabi niya. Tumango na lang ako dahil kawawa naman 'tong kumag. Baka anong gawin sa kan'ya ni Kamatayan. "Keish ah! Baka madulas ka, hindi mo na ako makikita bukas ng buhay," ani 'ya. Tumawa ako nang mahina dahil ako pa sinabihan niya na wag madulas. Nahiya ako sa dila niya."Oo! Hindi ko sasabihin," bagot kong sagot. Umakto ito na tila natanggalan ng tinik sa baga tapos pasalampak na umupo sa sofa. Ako naman, since nakuha ko naman na ang sagot sa aking mga tanong at may bonus pang impormasyon, wala ng rason para magpigil pa ng gutom. Tutal naman tapos ko na ang pinapagawa no'ng demonyo. "Kain muna ako ahil mag-aalauna na pala. Kawawa ang tyan ko eh, puro hangin na ang laman dahil sa kakatawa. Kayo muna ang bahala d'yan kay Zandra," paalam ko. Tumango 'yong dalawa tapos bumalik na sila sa sarili nilang mundo kung saan, walang tigil nilang bina-bash 'yong Wang Xang ewan basta 'yong butanding daw. Hindi ko man kilala 'yong taong 'yon, kung nababalisa si Kamatayan simula pa kahapon dahil lang sa upcoming mission niya, edi mukhang malakas nga 'yong sinasabi nilang butanding. Ehhhh, ano naman sa akin? Pshhh, dapat nga matuwa ako dahil nahihirapan 'yong demonyo. Naku, talaga! Siguro dala ng gutom kaya medyo tumatagilid ang utak ko ngayon. Baka isipin niyo nag-aalala ako kay Kamatayan, sows, gutom lang po ako, 'yon lang, period. Pagkalabas ko sa pinto, walang masydong estudyante akong nadatnan sa labas. Magta-time na rin kasi, paniguradong nagsipasukan na 'yong mga stupidents. Maaliwalas ang panahon ngayon. Mainit pero may hangin pa ring dumuduyan sa kahariang nagngangalang SAA. Hindi pa man ako nangangalahati sa aking lalakarin, natanaw ko na ang anino ni Kamatayan. Charot! 'Yong mukha niyang walang ekspresyon. ' Lalayo ba ako? Liliko ba? P*ta, ayaw kong makasalubong ang g*go! Ay bahala na nga si Batman,' bulong ko sa aking sarili. Para akong buang na hindi mapakali habang papalapit nang papalapit kami sa isa't-isa. "Miss Yu," tawag ni Kamatayan noong magtapat kami. Hindi ako nag-react at nagdire-diretso lang sa paglalakad. Manigas kang demonyo ka! Kanina hindi ka namamansin, it's my turn naman. "Miss Yu," tawag ulit nito. "Bibilang ako ng tatlo, mahal mo pa ba ang buhay mo?" pananakot ng kumag. Tsss! May panahon pa siya para manakot ah? "Isa," pagsisimula nito. Nagpatuloy ako sa paglalakad at walang takot na humakbang palayo. But, the moment na sinabi niya na 'yong sunod na number, parang may kung anong maitim na espiritong pumigil sa'king katawan para tumigil. 'Yong seryoso, Otor? Mesa maligno ba 'tong si kamatayan? O baka naman talaga legit na demonyo? A/N: Aba nabuang ka na ba nang tuluyan, Keisha? Dala lang 'yan ng gutom mo. Napaka-gwapo ni Kamatayan, aakusahan mo ng demonyo? Tapos ngayon, maligno naman? Hmp! Para kasing hindi siya normal na tao eh. Ah basta! So ayon na nga, kinukwestyon ko ang sarili ko ngayon kung lilingon ba ako o magbibingihan at magpapatuloy sa paglalakad. Pero bijj, bakit pa ba ako nagtanong eh alam ko naman na ang sagot? I can't ignore his words. Teka lang ah, lilinawin ko. Susunod ako sa utaos niya hindi dahil natakot ako o ano pa man, pero kasi 'di ba, may sugat siya sa balikat niya? Uhmmm ayon, I somewhat felt guilty, hehehehe. Isang buntonghininga ang pinakawalan ko bago ko siya lingunin and then I display my sweetest smile. "Owww, nand'yan ka pala. Akala ko kasi hangin lang ako at hindi mo ako nakikita," pamimilosopo ko. Kumunot ang noo niya at waring naghihintay pa ng kasunod, pero tinaasan ko lang siya ng kilay. That's the end of it, bijj. "Where are you going?" kaswal na tanong nito. D*mn, balak niyang ilihis 'yong sinimulan kong topic? How dare him! Kay galing talaga! "Kakain po ako Kamatayan kasi po 'di ba, ni hindi mo man lang po ako pinag-recess man lang kaninang alas dyes. Tapos po heto ala-una na po, kakain pa lang ako ng tanghalian. Buti ka pa po, busog na. Kaya kung pwede, wag mo kong subukan ngayon dahil baka magdilim ang paningin ko't maisip ko na isa kang fried chicken at makagat kita ng wala sa oras," ani ko with emphasis on every word. Natawa ito sa sinabi ko pero mabilis lang 'yon dahil ibinalandra niya agad 'yong blangko niyang mukha. "Samahan na kita, may sasabihin din ako sa'yo," ani 'ya. Hindi niya na hinintay pa ang sagot ko dahil hinablot na nito agad ang aking braso't kinaladkad ako ng demonyo. At eto pa ah. Hindi pa siya nakuntento dahil tumakbo ang buang! Akala niya ata full pa ang energy ko ngayon. FYI, swerte ko na nga lang na nakakapaglakad pa ako eh, pero 'yong takbo, tang*na talaga! "Bwesit ka Kamatayan! Respeto sa gutom oh!!! Respeto!!!" sigaw ko pero hindi niya ako pinakinggan at patuloy kaming tumatakbo. P*ta, 'pag ako talaga nadapa rito dahil malaki ang tyansa na bibigay ang aking tuhod, masasapak ko 'tong buang na 'to. "Keisha, may babalikan pa ako 'di ba?" tanong niya out of nowhere. Medyo mabilis 'yong takbo namin tapos sabayan mo pa na salungat kami sa hangin kaya hindi ko masyadong narinig kung ano man ang tinuran nito. "Ano? G*go ka kasi! Kung tumitigil muna kasi tayo!" pagrereklamo ko. Pero syempre, siya ay isang demonyo, hindi niya ako pinakinggan. "Ang sabi ko, can you survive without me? Buhay pa kaya kitang makikita sa SAA pagbalik ko?" tanong niya. This time, nilakasan niya na ang boses niya. Taray, daming energy sa katawan. Kakainggit, hmfp! Inipon ko ang natitira kong enerhiya at buong lakas na hinila ang kamay nito para tumigil kami sa pagtakbo. Nakaka-proud. Nagawa kong patigilin ang damulag, huhuhuhuhu, kahit ang kapalit no'n ay pagkalumpo. Tiningnan ko siya sa mata, kahit napaluhod na ako sa lupa dahil wala na talagang natitira sa akin hindi ko pa rin inalis ang aking titig. Lumuhod ito para pantayan ako, hindi rin siya nagpatalo at nakipagsukatan din ng tingin. "Anong klaseng tanong 'yon? Ako pa ba? Hindi ako mamamatay hangga't hindi ako nakakaganti sa pang-aapi mo sa'kin, tandaan mo 'yan," hingal kong sagot. Ngumiti ito. Tang*na, kumabog 'yong dibdib ko mga mare! Ooopsss! Lilinawin ko lang ahhh, sapakin ko kayo! Kumalabog 'yong dibdib ko hindi dahil sa kilig, g*ga kayo! Nagulat lang ako, 'yon lang 'yon. Kasi naman, first time kong makita na ngumiti siya, 'yong hindi pilit. 'Yong alam mong masaya talaga siya. P*ta, napakagwapong demonyo ng kumag kahit napaka sama ng ugali! Pero, no. Hindi tayo magpapadaig sa ngiti niya. Mahigpit kong hahawakan ang aking salawal, okay? Aja!!! "That's a promise, okay?" nakangiti pa ring tanong ni Kamatayan. At dahil napaka-unfair ng laban, dahil ginagamitan niya ako ng magic, ang magic smile, ay napa oo na lang ako nang wala sa oras, nang hindi ko alam. "I won't forgive you kapag namatay ka," pahabol pa nito tapos inakay niya ako upang tumayo. Akala ko bubuhatin niya ako dahil, duh? Wala na talaga akong natitirang lakas pa, pero asa. Hindi iyon mangyayari. Pero kahit napilitan mang tumakbo ay hindi ako umimik at nagpadala na lang sa panghihila niya. 'I won't die before you... never.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD