CHAPTER 18: THE FIVE SOCIETIES

1756 Words
KEISHA It's only 3 in the morning no'ng maalimpungatan ako dahil sa pang-iistorbo ng kung sino mang walang kaluluwang nilalang na kumakatok sa bintana. Haba, shuta! Hahahaha! Muntik na akong kapusin ng hininga. Walanjo naman talaga, kay aga-aga naman! Hindi ba pwedeng mamayang ala-sais na lang para instant alarm clock? Nakapikit pa ang isang mata ko habang tamad na tamad na nagtungo sa may bintana. Hindi naman ako takot kung multo o anong klaseng lamang lupa ang makikita ko sa kabilang dako, baka nga masampal ko pa sa sobrang inis. Ayon na nga, binuksan ko na mga mare. Akala ko talaga wakwak 'yong bubungad sa'kin dahil mga mars! Hinagkan agad ako ng pesteng nilalang! Hinihintay ko na lang nga na lumipad kami sa ere eh, hahahaha! 'Ahhh si Kamatayan lang pala,' bulong ko no'ng makilala ko ang amoy ng pabango nito. Nang mahimasmasan ako't napagtantong nakayakap pa rin sa akin ang demonyo, agad-agad ko itong itinulak. "P*ta! Hindi naman ako na-informed na manyak ka na rin pala? Aba kinakarir mo na lahat ano?" inis kong bulalas. Hindi ito sumagot at wala siyang paki sa aking tinuran. Feel at home siyang pumasok sa loob, at hindi na niya talaga hinintay na alukin ko siya. Ibang klase dtalaga ang confidence sa katawan nito ni Kamatayan! Bilib na bilib talaga ako sa kapal ng kalyo niya sa mukha. At dahil mababa lang ang bintana ko, and guess what, sa lahat ng room na meron dito sa Girl's dormitory, ako lang ang tanging nilalang na may bintana na nakaharap mismo sa Boy's dorm. Hindi halatang pinasadya ng kumag para talaga kapag gusto niyang bulabugin ang buhay ko, kesyo anong araw o oras man 'yan, magagawa niya. Grabe, nag-invest talaga siya para lang masira ang buhay ko, ako na ang nahiya "Nagulat lang ako kaya ko nagawa 'yon, masyadong marumi ang utak mo," pa-cool na sagot ng kumag. Wow naman, ako pa ang marumi ang utak? Ako na nga 'tong na-violate tapos parang kasalanan ko pa? "Bwesit ka! Entry mo sa palusot.com 'yang sinabi mo baka bumenta. Bakit ka ba nandito?" inis na tanong ko. Nagkibit balikat lang ito tapos full of confidence na naupo sa aking magandang kama pa. HNGG!!! Sarap bangasan! Kaunti na lang talaga at isasako ko na 'to! "Alam mo Kamatayan, kung wala kang maihaharap na magandang dahilan sa'kin, sa ayaw at sa gusto mo kakaladkarin kita palabas d'yan sa bintana!" pananakot ko. Hindi ito kumibo, ni wala man lang parte sa katawan niya ang gumalaw. Naghintay ako ng limang segundo, nagbilang talaga ako sa isip ko. Nang hindi talaga siya nagsalita at nakipagtitigan lang sa'kin, wala na, napigtas na ang lubid ng aking gintong pasensya. "Alright!" matipid at mariin kong bulalas tapos lumapit ako sa kan'ya at buong lakas na kinuha ang kamay nito para hatakin palabas. Hindi naman siya pumalag, instead mukhang nagugustuhan niya pa ang paghila ko. Tang*na talaga! "Kaya mo na ako?" walang buhay niyang tanong. Kumunot ang noo ko at binigyan siya ng 'Huh? Pinagsasasabi mong buang ka?' look. "Kaya mo na bang wala ako? Hindi mo ako mami-miss?" pahabaol niya. Umakyat talaga mga mare hangang lalamunan 'yong acid galing sa tyan ko dahiil sa pinagsasasabi ng demonyong 'to. "P*ta, wag ako Kamatayan, akala mo uubra sa'kin 'yang banat mo? Manigas ka! Itapon kita rito sa bintana tamo! Malamang kaya kong wala ka! Hinihiling ko nga gabi-gabi na sana paggising ko tegi ka na, kaso naalala ko masamang-masamang damo ka kaya 'di na. 'Di na ako nag-aaksayang manalangin. At saka, ako? Ma-miss ka? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? In your dreams kumag!" nanggigigil na bulyaw ko. Binalandrahan niya ako ng mapang-insultong ngisi. Bijj, I swear to God, I'm going to rip this freaking man's heart into pieces! "Tss, really? Pero nagwo-worry ka kanina kung bakit 'di kita pinapansin?" taas noong ani ya na mas lalong nagpakulo ng dugo ko. "Aba ta—" Hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin no'ng bigla itong kumalas sa pagkakahawak ko at tumalon sa bintana. G*go, may sahig naman 'yon, kala niyo nagpakamatay na ang mokong? Sana nga lang. "It's time for me to go. Don't forget your promise. Huhukayin ko talaga ang pinaglibingan mo kapag nalagas ka habang wala ako," pahabol niya pa. "Hindi ako malalagas! Baka ikaw ang malagas ni butanding!" ganti ko. No'ng marinig niya 'yon, nagpakawala ng mahinang tawa ang demonyo. "Asa," tipid niyang sagot tapos tumalikod na. Akala ko naman ay lulubayan na ako ni Kamatayan kaya naman isinara ko nang muli ang bintana, ang kaso. Ang kaso talaga mga mare, biglang humarap muli ito tapos inangkin niya ang aking katawan at ikinulong sa yakap. Syempre, ako namang si sabog dahil naistorbo 'yong tulog ko, abot-abot ang aking gulat. Bago pa man ako magprotesta, mabilis itong tumakbo palayo and ayon siya talaga 'yong 'The Flash ng SAA'. Sayang, hindi man lang natin na suntok. "G*go ka talaga Dwight Ellise Alexander Teoxon Hernandez!! Wag na wag ka na sanang babalik!!" malakas na sigaw ko dahil sa inis. Alam ko naman na narinig niya pa rin iyon, kahit si 'The Flash' pa siya. Sana naman itatak niya sa kokote niya ang pabaon kong sumpa. At ngayong mag-isa na naman ako, nanggigil ako nang makitang ala-singko na pala! Kay bilis naman ng oras! Balak ko pa sanang bumalik at matulog pero mukhang sa office na lang ni Kamatayan ko 'yon ipagpapatuloy. Ay mali, wala pala si Kamatayan, so pwede na kaya akong bumalik sa room? Ayyy, bahala na nga. VENUS "Opo, Ate Sophia, kinakabahan nga ako Ate, huhuhu. Pa'no kapag na-end agad ang life ko unang pasok ko pa lang sa SAA? Ay hindi pala, Malabo kasi hahanapin ko 'yong Prince Charming ko do'n tapos gagawin ko siyang kakampi bukod kay Beshy," kwento ko kay Ate Sophia, na nasa kabilang linya. "Anong kampi-kampi? Wag mong idamay ang kapatid ko, baka mapauwi ako nang maaga para bangasan ka d'yan! Basta ahhh, 'yong pinag-usapan natin, 'yon lagi ang isipin mo," ani ya. "Opo, wag kang mag-alala. I'll watch, and protect Keisha," pangako ko. Nagpasalamat si Ate Sophia and then she ended the call. Aalis na daw kasi sila and hindi niya afford makinig sa kadaldalan ko. Sanay naman na ako sa magkapatid na 'yon, sadyang mahal nila ako kaya gano'n lang sila magsalita. Chineck ko sa huling pagkakataon ang dala kong gamit at hinihintay na lang na dumating ang sasakyan na maghahatid sa'min papunta sa impyerno. Ipanalangin niyong umabot ako hanggang sa dulo ng kwentong 'to dahil ayaw ko pang mabura! Charot-charot lang, syempre hindi ako agad mamamatay. Sayang naman 'yong training na pinagdaanan ko kung hindi ko bibigyan ng magandang palabas kung sino man ang kakalaban sa'kin, ano? Isang malakas na busina ang nagpatigil ng aking mundo ko. The moment na nanuot sa tenga ko 'yong malakas na busina, bumalik ako sa reyalidad na simula ngayon, hindi na ako 'yong carefree na Venus. Ngayong araw, mapuputol 'yong pagiging bubbly, madaldal, at mahinang Venus na ipinakita ko sa inyo. Charot, syempre hindi mawawala 'yong kadaldalan at pagiging maligalig ko, nakakabit na sa katawan ko 'yon. Pero kailangan kong maging maingat, dahil the moment na makapasok na ako sa sasakyan, sa SAA, walang segundo dapat ang lumipas na hindi nakataas ang defensive mode ko. Hindi ko alam kung kailan sila aatake. I mean 'yong ibang kasama ko na papasok sa SAA. I don't know them, pero isa lang ang masasabi ko. Hindi ko sila kakampi, mapaloob o labas man ng SAA. Naririto rin sila, kasabay kong papasok dahil may misyon na ipinabaon ang kanilang mga boss. Isa na ring way ito para magkaalaman kung sino ang kailangan naming paghandaan sa darating na Battle of the Heir(BOTH) na gaganapin bago matapos ang taon. Ayaw ko sana talagang maging representative para sa Black Mamba, pero ako na lang ang natitirang teen na nagta-trabaho kay Tanda. Si Keisha kasi ayaw payagan ni Ate Sophia kaya 'yon, wala akong magagawa. Pagpasok ko pa lang sa loob ng van, halos kapusin ako ng hangin sa sobrang bigat ng aura. Buti nakakahinga pa sila. Hindi man lang nila ako nilingon o ano pa man , maliban do'n sa isang babae na namumutla. Dahil siya lang ang tumingin sa gawi ko no'ng binuksan ko ang pinto, sa tabi niya na lang ako umupo. "Hi," bati ko do'n sa magandang dilag. "Hello," hinihingal na sagot nito. Kunot noo kong tinanong kung may problema ba siya at sinabi niyang nahihilo lang daw siya nang kaunti dahil sa amoy ng sasakyan. Hindi siguro sanay 'to sa mga byahe-byahe. Base sa unipormeng suot niya, nagmula siya sa The Zodiacs, ika-lima sa Societies. Hindi naman sa mahina sila dahil sila ang nasa hulihan, masyado lang talaga silang low-key kung magtrabaho. Hindi kadalasan nabibigyan ng merit ang mga achievements na nakukuha nila dahil nasasapawan iyon ng H&S o kaya namin, ng BM. Huhuhuh, pasensya na, bida-bida kasi ang Boss namin. Gusto niya, siya lagi ang napupuri ng head ng UGSO. Ayon, since nasiyasat ko na 'yong mga representative na ipapasok sa SAA, ipapakilala ko sa inyo ang limang Society na under ng Underground Society Organization o mas kilala sa tawag na UGSO. By the way, ano nga pala itong UGSO? Ito 'yong isa sa tatlong branches ng Hidden Marks (Upper ground, Middle ground, and Underground) na pinamamahalaan ng gobyerno at samahan ng mga tinatawag na batikang hidden weapons. Sa salitang jologs, mga mamamatay–tao pero sosyal. Itinatago ng gobyerno itong samahan na ito sa publiko dahil ang tanging may access lang para humingi ng request sa'min ay 'yong mga Elites, Government officials, at minsan may tinatawag kaming special request kung saan, 'yong family member ng mga nagta-trabaho sa UGSO ang nag-file ng request. Nangunguna sa ranking ang Hide & Seek na pinamumunuan ni President Hernandez, tatay ni Kamatayan. Nakilala ang Society nila dahil sa pulido nilang pagsasagawa ng VIP mission, na pag- assassinate sa Bise-Presidente ng Pilipinas. Base sa paghahalungkat ko, tatlong tao lang ang nasa misyon na 'yon at ang nanguna ay walang iba kun'di si Kamatayan. After na mangyari 'yon, hiniling mismo ng head ng UGSO na ipasok na sa H&S ang anak ni President Hernandez na dapat ay magde-debut pa lang sa Battle of the Heir na gagawin bago matapos ang taon. To make the story short, napaaga ang pagluwal sa kan'ya dito sa Underground. Dahil nasa SAA si Kamatayan at busy sa pagpapalaganap ng lagim, ang pangalawang alas ng H&S ang naging representative, si Kate Mier Salcedo, kilala bilang 'Vampire' dahil ang puntirya niya sa mga taong napapatay niya ay ang kanilang dugo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD