Baliw ang babaeng 'to, nakita ko ang isang short leaked video kung saan nakaupo siya sa mga bangkay habang lumalaklak ng dugo ng biktima niya hanggang sa mapawi ang kaniyang uhaw. No'ng pinapanood ko 'yon, halos bumaligtad lahat ng lamang-loob ko sa pandidiri. Kaya naman sabi ko sa sarili ko. Sa apat na taong makakasama ko sa SAA, sa kan'ya ako mag-iingat nang todo.
Next in the list ang Black Mamba, ang Society kung saan ako kasapi. Chill lang naman kami, pero hindi kami 'yong pipitsuging second placer lang. Kung tutuuusin ako lang ang mabait na myembro ng BM, hehehehe. Masyado silang busy sa pakikipag kumpitensya sa achievements na natatamo ng H&S lalo na 'yong Boss namin. Kaya lang naman kami naungusan nang todo-todo ng H&S, eh dahil wala kaming bagong recruit. Si Ate Sophia kasi, ayaw niyang pasalihin si Keisha sa BM o sa kahit anong Society dahil nga 'di ba napakaingat niya pagdating dito.
Kahit lumuhod pa si Boss sa kan'ya kapag ayaw ni Ate Sophia, ayaw niya. Dati naman talaga kami ang nangunguna sa ranking. Kaso, simula no'ng mawala ang dalawang ACE ng Society na sina Ate Naomi at Clifford ba 'yon? Basta isa sa pinaka-batang assassin ng BM, bumaba na ang mga request sa'min.
Ang pangatlo naman ay ang Raven' Soc. Ang representative nila ay ang kambal na Saraspe, sina Daniel at Dylan. Wala ring masyadong record na nakalagay sa web ng Raven tungkol sa kambal, kaya ine-expect ko na hindi rin sila opisyal pang miyembro. Sa kanila galing 'yong mga members na sobrang aggressive at mga mainitin ang ulo. Hahahaha! To be honest nga, kapag magre-recruit talaga sila ng bagong member, isa sa mga hinahanap nilang requirements, eh kung gaano kaikli ang pasensya ng mga nag a-apply. Kung sinong pinakamaikli, siya ang pasok, hahahahah! Ang weird no? Isa sa kilalang asset 'yon na tinataglay ng mga member ng Raven sabi ni President Caraig. Kapag nga naman nasa isa kang misyon, wala na dapat patumpik-tumpik pa.
'Kung ayaw magsalita, patayin agad,' that's their motto.
Second to the last, The Gorgons. Himala, lalaki ngayon ang representative nila. Familiar sa akin 'tong representative ng Gorgons na si Tyler Faigmani. Hindi ko lang talaga matandaan kung saan ko siya nakita. Pero in fairness, sa tatlong taon kong pagta-trabaho sa BM, ngayon ko lang nabalitaan na may ipapadala silang lalaki. Kung hindi ako nagkakamali, 70% ng population ng The Gorgons ay mga babae. Bakit bihira silang kumuha ng lalaki? Dahil, kilalang man-hater si President Mathilda. Though, buti nga ngayon, mukhang naisip niya na rin na mas okay na kumuha talaga sila ng mga lalaki dahil kung hindi, mawawalan sila ng request, lalo na kung ang hanap sa misyon ay mga lalaki.
The last but not the least ay ang Zodiac Society. Ang pinaka-mabait na Society sa lahat. Napakatahimik at halos wala kang mahahanap na issue nila. Pa'no ba naman, ang humahawak sa kanila ay ang dating UGSO head. Na malamang sa malamang ay tiningala rin dati ng lahat ng President ng apat na Society. Babae ang representative nila, ito nga 'yong katabi ko sa upuan, si Shane Anabelle Samillano. Hindi lang ata mababait ang mga member nila kun'di mga magaganda rin! Pak na pak sa beauty itong si Ate, pero hindi pa rin matatalo si Keisha, tandaan niyo yan! Pero aaminin ko, nakaka-adik ang kagandahan nito, mukhang mabango rin ang ugali niya.
"Here, may katinka ako dito, baka sakaling mawala ang pagkahilo mo," alok ko do'n kay Shane. Mahirap na, ayaw kong ma-attract ang atensyon no'ng apat na monsters. Kaagad niya itong kinuha tapos ginamit. Buti naman at medyo bumabalik na sa normal 'yong kulay ng kaniyang mukha. Natakot ako baka bawian ng malay 'to anytime eh.
"We're here," sabi no'ng driver, dahilan para kumalabog nang todo ang puso ko. Mabilis na nagsibabaan 'yong apat, ako naman maingat na inilalayan si Shane dahil baka matumba.
"Pasensya ka na ah, hindi lang talaga ako sanay sumakay sa sasakyan na may aircon, nahihilo talaga ako," sabi niya. "Ehh? Ano ka ba, okay lang. May mga tao talagang gan'yan. By the way, ilang taon ka na ba?" tanong ko, wala lang kahit alam ko naman kung ilang taon na siya tanungin pa rin natin, to start the conversation ano ba kayo. "I'm 17, turning 18 next month," sagot niya. Waaaah! Sana all may angelic voice, huhuhuuhuhu! Gusto ko rin.
"So this is what SAA looks like? Pfft, boring," mayabang na asik ni Dylan. Agad na sinamaan ng tingin ni Kate 'yong isa sa kambal. "Shut up Dylan, hindi pa nga tayo nakakapasok," saway naman no'ng kakambal niya. Well, kahit sino naman talaga matatakot kapag pinanlisikan ka ng mata nito ni Kate. Hindi na nga siya kagandahan, nakakatakot pa ang ugali nito.
Ay charot! Baka isipin niyo masyado akong judgmental. Nagsasabi lang naman ako ng totoo, hehehehe.
"Kaya mo bang maglakad?" tanong ko kay Shane no'ng magsimula nang magsipasukan 'yong mga monsters. Tumango naman ito kaya dahan-dahan kaming naglakad papasok. Time check nga pala, alas-otso na at oras na 'yon ng klase. Gusto ko pa namang makita agad si Beshy para man lang kumalma itong takot na nadarama ko. 'Asan na 'yong apat? Ang bilis naman nilang nawala,' bulong ko habang hinahanap kung nasa'n na 'yong mga kasama namin.
Natigilan lang ako sa paghahanap nang biglang may yumakap na lalaki dito kay Shane. "Ehh sandali, ano nahihilo kasi—" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil nagsimulang magyakapan 'yong mga labi nila.
Ay, sandali naman nandito pa ako, oh!
"Venus!!" naputol 'yong paglalaway ko dito sa dalawang 'to no'ng marinig ko ang boses ni Keisha. Tumakbo ako papunta sa kan'ya at agad na niyakap ito. "Sandali nga asan si Vince?" tanong ni Beshy, hindi ko nasagot 'yong tanong niya dahil lumuwa ang mata ko sa sobrang gulat, hiya, saya ayyyy ewan naghalo-halo na dahil nakita ko 'yong Prince Charming ko!!!! Kapag sinu-swerte nga naman ano!
"Hoy, anong nangyari sa'yong bruha ka? Hoy Venus!" tawag ni beshy pero literal na nakatulala lang ako dito sa kasama niyang lalaki. "Teka nga, don't tell me magkakilala na kayong dalawa? Venus?" naiinis niyang tawag muli. No'ng hindi pa rin kami kumikibo at tanging ninanamnam lang ang pagtititigan, isang sapok sa ulo ang natamo naming pareho.
"G*go ba kayo? Nagtatanong ako nang maayos, tapos magtititigan lang kayo?" galit na sabi ni Beshy, hahahaha! Hinagkan ko muli ito para kumalma, tapos pasimpleng kinindatan ang aking Prince Charming na nasa likod.
Ahe, napaka-gwapo!!
"So, Venus pala ang name mo," swabeng sabi ni bebe. "Uhhh, yeah. But my real name is Vianca Sacramento," pa-cute kong sagot. "Sows, napakalandi ah! Hoy Finn, sa'n mo naman nakilala 'tong bruhang 'to?" curious na tanong ni Beshy. Bago sumagot, tiningnan muna ulit ako ni Finn.
"I saw her no'ng acquaintance. Nakita ko kasi siya na naliligaw kaya tinulungan ko siyang pumunta sa room mo," sagot ni Finn. "Ahhhh, siya 'yong Prince Charming na sinasabi mo!" bulalas ni Beshy. Aguy!!! Napasapo na lang ako sa noo, dahil buking na ako. Pa'no na 'yan! Baka kung anong isipin ni Finn huhuhuhu!
Tingnan niyo tawang-tawa siya ngayon, siguro iniisip niya na isa akong weirdo. "Ay yow!" napalingon kaming tatlo no'ng makita sina Shane tapos 'yong lalaking humalik sa kan'ya nang bigla-bigla.
"Who's that freaking girl, Vince?" malditang tanong ni Beshy. "This is my girlfriend, Shane. By the way, they're my friends except d'yan sa matangkad na babae," bastos na sagot no'ng Vince kuno. "Hoy, tinulungan ako ni Venus kanina habang nasa byahe kami, wag kang bad d'yan," saway ni Shane habang pinagpapalo 'yong boyfriend niya.
"Wow ah, buti naman may pumatol sa'yo Vince. Alam mo bang tarantado 'yang boyfriend mo Shane? Baka napipilitan ka lang, sabihin mo na ngayon, akong bahala sa bakulaw na 'yan pag tinakot ka," ani Beshy. Tumawa lang si Shane tapos umiling.
"Grabe ka naman sa'kin Keish. Wala namang ganyanan baka maniwala si Shane, mawawalan na ako ng anghel sa buhay," banat ni Vince. Patuloy na nagbangayan sina Beshy tapos 'yong boyfriend ni Shane. Naglakad na sila, sa katunayan nga nauuna sila sa'min ni Finn. Ang awkward, kinikilig ako takte! Anong gagawin ko? Hindi naman nakatingin si Keisha eh uhm, ano ba...
'Help me, baka sumabog ang puso ko! Sobrang lapit lang kasi ni Finn sa'kin at hindi ako makahinga!!!'
"Naiinggit ka ba sa kanila?" tanong ni Finn out of nowhere. Shet, kumalabog ng super high ang puso ko. Teka, anong sasabihin ko? Baka pumiyok ako sa sobrang kaba, my gosh!
"Huh? Ehe, sakto lang," pakipot kong sagot. Ako ay isang Maria Clara. Kailangan kong magpigil ng nararamdaman. Hindi ko kaagad isusuko ang bata—ang puso kong nag-iisa lang!
"Hahahaha, I know you're nervous," ani ya. Hindi na ako nakasagot at napakagat na lang sa labi dahil hindi ko ine-expect na aggressive type pala itong si Finn at hinakawan na lang nang walang pasabi ang kamay ko!!! 'Yong puso ko tuloy tila naging pingpong ball na nagwawala sa loob.
Oh my, namamasa kaya ang palad ko? Sana naman hindi!!! Nakapag alcohol kaya ako? Baka sensitive si bebe Finn. Shet, nanginginig 'yong mga daliri ko habang nakadampi sa balat niya!!!!
'Ahhhhh!!'