KEISHA
"Sige, dadaanan na lang kita sa room mamaya 'pag maaga kong natapos 'yong iniwan na gawain ni Kamatayan," paalam ko kay Venus. Papasok na kasi sila sa room, and buti naman magka-section kami nitong bruhang 'to, though hindi na rin ako pumapasok gaya no'ng dalawang buang, at least hindi ako kakabahan dahil kung level of kabaliwan lang naman ang pag-uusapan, 'yong section namin 'yong medyo matino. Salamat sa effort ni Heart, hehehehehe.
"Okay, Beshy, sama mo na rin si ehem, si Finn huh?" pabebeng sagot nito. P*ta, kailan pa natutong lumandi ang bruhang 'to? "Bwesit ka lumayas ka na't baka mahuli ka!" pagtataboy ko. Dumila ito bago tumakbo palayo. Aba! Pangahas ang bwesit! Gigil na ikinuyom ko ang aking kamao habang hinahatid ko siya gamit ang aking tingin. Habang naglalakad patungo sa opisina ni Kamatayan, biglang sumagi sa isip ko 'yong tungkol sa girlfriend ni Vince. Hanep 'yon, hindi niya man lang sa akin ibinulong dati pa na may jowa na pala siya! At ang malala eh saksakan pa ng ganda. Jackpot ang mokong.
Naputol ang aking pagmumuni noong maagaw ang atensyon ko dahil may kumpulan ng mga stupidents akong nakita. Dahil ako ay sismosa, dali-dali akong nagtungo doon and to my f*ckng surprise, nakita ko 'yong ex classmate ko na nakahalik sa lupa.
"Heh—ganito ba ang mga tao dito? Booooring! Nasaan ang amo niyo? Naduwag na ba at hindi man lang kami sinalubong? Napaka walangkwenta. Buhay ka pa ba? Kumusta ang amoy ng lupa?" mayabang na ani no'ng kung sino mang nilalang. Hindi ko siya namumukhaan, at base sa uniporme nito, mukhang isa siya sa mga kasama nina Venus. Dali-dali akong lumapit do'n sa mokong at walang ano-anong pinakitim ng isang lumilipad na suntok na tumama sa dibdib nito. Hindi ko abot 'yong mukha niya dahil masyadong matangkad. Pero solid naman 'yong resulta dahil napaatras ito kasama no'ng kamukha niya.
"What the f*ck are you doing?" malditang tanong ko. Tinulungan kong makatayo 'yong kaklase ko na si Howard tapos binigyan ito ng malupit na utos. "Run for your life B*tch, tapos pumunta ka kay Vince o kaya kay Finn, sabihin mo pumunta sila dito at magmadali sila dahil kung hindi mababawasan kaagad 'yong mga bisita," mahabang lintana ko. Tumango naman si Howard at agad na tumakbo. Sinamaan ko ng tingin 'yong walang bayag na nilalang. Tsk, akala niya ata matapang na siya dahil nagawa niya 'yon kay Howard. "Ikaw babae, alam mo ba kung nasa'n si Kamatayan? Papalagpasin ko ang ginawa mo kung luluhod ka sa harap ko't sasabihin kung nasa'n 'yong walangkwentang duwag na---" Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya dahil pinatikom ng sampal ko 'yong kaniyang matabil na bunganga.
'Awwww, solid---- shet mamamaga ata ang palad ko after nito,'
Pakatapos makabawi, kaagad itomg lumapit tapos kinuwelyuhan ako. "Alam mo, nagtimpi ako kanina dahil babae ka. Pero dahil nanghas kang muli, alam mo na siguro kung ano ang mangyayari sa aiyo, hindi ba?" pananakot niya. Hindi ko napigilan ang aking ngisi dahil bobo, hindi ako matatakot sa pagano'n-gano'n niya. Kung si Kamatayan pa ang gumawa baka gumapang kaagad ang takot sa katawan ko, pero dito sa mayabang na 'to? Tsk, wala man lang akong naramdaman.
"Alam mo, daig mo pa ang babae, ang daming pinuputak. Baka nakakalimutan mo ah, hindi mo teritoryo 'tong lupang tinatapakan mo ngayon, kaya ilugar mo ang kayabangan ng bayag mo. Sumobra 'yang hangin ng utak mo, pati tuloy dila mo nahawaan," asik ko. Tumawa ang buang tapos tinapunan ng tingin 'yong kakambal niya. Sinenyasan niya itong wag mangingialam sa kung ano man ang kaniyang gagawin. "Ang lakas ng loob mong pagsabihan ako ng ganiyan. Anong magagawa mo laban sa'kin? Isa ka lang hamak na babae. Pero dahil mukhang pwede namang pakinabangan 'yang mukha mo, bakit hindi ka na lang maging is---" Pinutol ko ang sasabihin niya't dinuran siya sa mukha. Ang dulas talaga ng dila, daming sinasabi eh.
"Tang*na ka ba? Anong akala mo? Porket medyo maayos 'yang mukha mo, lahat ng babae bubukaka sa harap mo? Haha, mangarap ka ulol! Bawasan mo 'yang hangin sa utak mo dahil ako na ang nahihiya sa iyo. Kung ikukumpara ka kay Kamatayan, mas maganda pa ang kuko ni Kamatayan kesa sa mukha mo!" pang-iinsulto ko.
Isang mabigat na sampal ang iginanti niya na nagresulta para pumutok ang gilid ng aking labi. Akmang lalapitan kami ng kaniyang kapatid, pero hindi na natuloy pa dahil pinaningkitan niya iyon. "Bawiin mo 'yong sinabi mo," mahina at halos pabulong na sabi nito. Tinaasan ko siya ng kilay dahil, duhhh? Ba't ko babawiin 'yon? Eh totoo naman?
"Alin? 'Yong mas lamang pa 'yong kuko ni Kamatayan kesa sa mukha mo? Ha? Asa! I'm just stating the truth," sagot ko. "Babawiin mo 'yong sinabi mo? Or I'll f*ckng end your life, right here, right now," may diing pananakot no'ng hunghang. "Edi good! Magpatayan tayo! Kung mamatay man ako, at least may naiambag ako sa buhay mo na hinding-hindi mo makakalimutan. Magpasalamat ka na lang dahil sinabi ko sa iyo ang katotohanang wala ka sa kalingkingan ni Kamatayan! At saka, sino ka para sabihing walangkwenta si Kamatayan? Hoy, for your information, 'yong demonyong 'yon marami nang nagawa, eh ikaw? Baka sa kama ka lang may napapatunayan," patuloy kong pang-iinsulto.
Kita na sa mukha no'ng hunghang ang panggigigil. Mukha siyang kamatis na puro hangin ang loob. "I said, bawiin mo 'yon!!!" sigaw niya at akmang susuntukin ako sa mukha. Hindi tuluyang humalik sa mukha ko 'yong kaniyang kamao dahil dumating sina Finn para awatin ito. "F*ck off Daniel! Bitawan mo ako! I'm gonna rip that f*ckng mouth of yours!" bulyaw no'ng hunghang habang pinipigilan ng kaniyang kapatid.
Heh, mukha siyang baboy na nagpupumiglas makawala. "The f*ck Keisha! What happened to your lips? " tarantang tanong ni Vince. Kinakausap ngayon ni Finn 'yong walang bayag habang ako naman? Nakadila sa direksyon niya. "I said f*ck off!" buong lakas na sigaw nito. Nang makawala siya sa pagkakahawak ng kambal niya, kaagad na tumakbo ito papalapit sa'kin. Nakangiti kong hinihintay ang kamao nito na lumanding, iyon ay kung magtatagumpay siya.
"Bro, kalma," awat ni Vince, pilit na tinutulak palayo sa'kin 'yong walang bayag na nilalang. "Hahaha! Bakit ayaw niyo kasing bitawan? Hayaan niyo, nang magkasubukan kaming dalawa. Mayabang lang naman 'yang kupal na 'yan, pero wala namang maibubuga. Biruin niyo guys, 'yong pinuntirya niya kanina eh bakla pa? Tapos akala mo kung sinong magaling. Ipagmamayabang pa sa mukha ko na kaya niya ako dahil babae ako? Hah! Nagkamali siya! " gigil kong ani habang humahalakhak.
"Keish, tama na. Hindi ba sabi namin bawal kang makipag-away?" saway ni Vince. Inirapan ko ito nang bonggang-bongga, as if naman makikinig ako sa kan'ya. "Pre, pasensya na, masama talaga ang timpla ni Keisha t'wing umaga," sabi ni Vince. Inirapan ko ito tapos hinigit ang kaniyang braso. "Bakit ka naman magso-sorry d'yan? Eh inapi-api niya 'yong taong walang kalaban-laban," pagrereklamo ko.
"No f*ckng way! Hindi ko pakakawalan ang babaeng 'yan. Masyadong pangahas! Matatahimik lang ako kapag nakaganti na ako sa kan'ya," kuda ni walang bayag. Sinenyasan ni Vince si Finn na kaladkarin ako palayo. Nagpupumiglas ako pero kinarga na ako ng kupal na akala mo'y isa akong sako." Ako na lang ang kalabanin mo, tutal naman iniwan sa'kin ni Kamatayan si Keisha. Kung gusto mo ng matira matibay, papatulan ko," ani Vince.
'Yon na lang ang huling salitang narinig ko. Dahil ang sumunod no'n ay nagsuntukan na 'yong dalawa. P*ta, inagawan na naman ako ni Vince ng pagkakataon!!!! Ako dapat ang nakikipaglaban don' sa buang na 'yon!
"Ibaba mo ako Finn ano ba!!!! Hindi kaya ni Vince 'yong kumag na 'yon!" sigaw ko. "Kalma ka lang Miss Yu, kayang-kaya 'yon ni Vixel. Isa pa, ginawa niya lang palusot 'yong pagkalaban d'yan kay Dylan, para maipakita kay Kamatayan, na kunwari ay ipinagtanggol ka niya, hahaha! Pustahan, hahayaan niya lang magkaroon siya ng mga pasa para may proof siyang maipakita," natatawang ani Finn na medyo naiiyak.
"Oh, an'yare? Ba't ka naman naiiyak?!" tarantang tanong ko. "Ako, hindi ko alam ang sasabihin ko kay Kamatayan mamaya. Si Vixel, may pasang maipapakita, eh ako, wala. Paniguradong malalagot ako 'pag bumalik 'yon," ani ya. Hanep akala ko naman kung ano, susmiyo marimar! "Edi ako ang kakausap sa demonyong 'yon, tsk. Wag ka ng kabahan d'yan," sabi ko. Simula no'n hanggang sa makarating kami sa office ni Kamatayan, abot-abot ang pasasalamat nito. Inirapan ko siya dahil patuloy siya sa pagsabi ng thank you. Kung hindi ko pa sinapok sa bumbunan, hindi pa titigil.