"Sure 'yan Miss Yu ah! Kapag tumawag mamayang alas nuebe si Kamatayan, isasama kita sa zoom meeting namin ah," ani Finn. Kahit naririndi dahil pang-limang beses na niyang sinabi iyon, pinilit ko pa ring tumango. Jiba naman talaga si Kamatayan, daming pakulo.
Nang makarating na kami sa tapat ng opisina ni Kamatayan ibinaba na ako ng kumag. Pinihit na nito ang seradura ng pinto and to our surprise, may naghihintay pala sa aming sumpa sa loob. Tumambad sa'min ang feeling demonyitang si Kate na feel na feel ang pagkakaupo sa trono ni Kamatayan.
Kapal talaga ng mukha, grabe!
Nag-init ulit ang dugo ko nang maalala ko ang ginawa niya kasama ang mga alipores nito. Parang may sariling buhay na tumakbo ang mga paa ko at buong lakas na hinablot ang kaniyang mahabang buhok.
"Ang tigas naman talaga ng pagmumukha mo, ano?! Wala na ba talagang natitirang hiya d'yan sa katawan mo at naisipan mo pang magpakita sa akin?!" nanggigigil kong sigaw habang walang-awang kinakaladkad siya palayo sa trono ni Kamatayan. Habang ginagawa ko iyon, sinabayan ko iyon ng panalangin na sana sa paghila ko sa kaniyang buhok, mahila ko na rin ang masamang espiritung nananalagi sa katawan niya. "Miss Yu, tama na," saway ni Finn pero hindi ako nagpaawat.
"Ouch!!! Ano ba!!!! Wala akong ginagawa sa'yo!" pabebeng sagot no'ng bruha. "Ano? Bakit hindi ka lumalaban ngayon, ah! Natakot ka na ba? Wag mo kong artehan at gumanti ka! Magaling ka lang lumaban patalikod, bobo! Ngayon mo ko angasan, ano! Ano? Buhok pa lang ang hinahablot ko sa'yo, nadamay na pati pandinig mo? Matapang ka 'di ba? Mayabang ka 'di ba? Ba't natatameme ka ngayon? Lumaban ka p*tang*na mo! Wag mo kong balandrahan ng ganiyan ah! Hindi uubra sa akin ang pagpapa-kyut mo! P*kyu!" galit kong sigaw.
Sa dinami-rami ng sinabi ko, hindi pa rin siya sumagot kaya mas lalo akong nainis. Binitawan ko ang buhok nito at nagtungo sa kaniyang nakakasulasok na mukha. Mariin kong ibinaon ang aking mga daliri at hinayaan ang ilan kong kuko na sugatan ang kaniyang mukha. Ngumiwi ang bruha ngunit hindi pa rin ito gumanti o nagsalita. Ilang segundo akong nakipagtitigan dito ng bago ako sumoko't hinampas ang kaniyang mukha sa mesa. Isang malakas na sigaw ang umalingawngaw dahil tumama sa dulong bahagi ang kilay nito, dahilan para labis itong magdugo. Hindi pa ako nakuntento, at hinding-hindi ako makukuntento dahil kulang na kulang 'to sa ginawa niya sa'kin. Hinablot kong muli ang kan'yang buhok para makita ko nang maayos ang kaniyang mukha. "Tsss, talagang napakapangit mo!" nanggigigil kong ani bago pinaulanan ng maraming sampal ang pisngi nito hanggang sa mamanhid ang aking palad.
Wala akong paki kung hinihila ako ni Finn palayo dahil babalik at babalik ako para sampalin siya. "Lumaban ka! Ipakita mo sa'kin 'yong angas mong hilaw! Tang*na mo! Wala ka naman palang binatbat! Naturingan kang galing sa H&S, tapos puro yabang lang ambag mo? Bobo! Pangit! Mukha kang malaking pimpol na may nana!" sigaw ko. Pero wala mga mare! Hinahayaan lang niya na sampalin ko siya paulit-ulit.
"Are you not satisfied yet, Keisha?" natigilan kaming dalawa ni Finn nang marinig namin ang boses ni Kamatayan.
Holy cow!!! Nasaan 'yong demonyo?
Inilibot namin ang aming mata pero wala kaming nakitang Kamatayan. Pagbalik namin ng tingin do'n sa bruhang si Kate, nakangiti na ito habang hawak-hawak ang cellphone niya na katawagan si Kamatayan. "See? Ito ba ang ipagmamalaki mo kina Tita and Tito, baling-araw?" natatawang bulalas ni Kate.
Tang*na, may gana pa siyang magsalita after ng natamo niya? Iba rin. "Shut up, B*tch," matipid na sagot ni Kamatayan at namatay na ang tawag. Tumayo si Kate after no'n at naglakad papalapit sa'min.
"Now, Keisha? Did it calm your f*ckng soul? Hahahahahaha! Sabihin man nating pinoprotektahan ka ngayon ni Kamatayan, akala mo ba magtatagal 'yon? Pffft, in your dreams. Sorry kung babasagin ko ang pag-asa mo pero ngayon lang 'yang interes sa'yo ni Kamatayan. Kapag nagsawa na siya sa'yo at napagtantong, wala naman talagang espesyal sa'yo, itatapon ka rin niya. But don't worry dear, kapag nangyari 'yon, nandito ako para ipamukha sa'yo na ang isang katulad mo ay hindi nababagay kay Kamatayan. Kaya kung ako sa'yo, sulit-sulitin mo na ang mga araw na ikaw pa ang laruan niya. Dahil nag-aabang ako, tandaan mo 'yan," bulong ng bruha bago umalis. Napakagat ako sa labi nang marinig iyon. Ako? Tinatawag niyang laruan? Bwesit ka! Ipapakita ko sa iyo kung sino ang laruan!
Hindi ko hinayaang makalabas ng pinto si Kate. This time hindi buhok ang hinablot ko kundi ang kan'yang kaliwang binti. " Masarap ba ah? Anong lasa ng sahig?" mapang-insulto kong tanong habang nagpupumiglas ito. "Layuan mo ako!!!" buong lakas niyang sigaw. Aba, aba! Mukhang lalaban na ang bruha! Dali-dali ko namang sinunod ang sinabi niya at hindi nga ako nagkamali dahil sinugod ako nito't sinabunutan. Syempre hindi tayo magpapatalo, hindi ngayon, hindi kailanman. Naghilahan kami ng buhok, kahit si Finn ay hindi na kami maawat kaya wala siyang nagawa kundi ang lumabas para sunduin si Vince.
"Napakataas ng kumpyansa mo, eh isa ka lang namang pampalipas-oras ni Kamatayan!" sigaw niya. Sinipa ko ang sikmura nito dahilan para mabitiwan niya ang aking buhok. "Sabihin mo kung anong gusto mong sabihin. Kahit anong lumabas sa bibig mo, hindi no'n matatakpan ang katotohanang wala kang binatbat sa'kin!" tugon ko sa sinabi niya. Mabilis itong lumapit sa'kin na may galit sa mukha. Hahahahha! Hindi niya ba matanggap ang katotohanan? Masyado bang bumaon sa puso niya?
Hindi ko hinayaang makalapit ang bruha dahil isang lumilipad na sipa ang dumurog sa panga nito. Charot lang hahahaha, nawalan ng malay si Kate after niyang matikman ang aking flying kick. Sakto naman no'n dahil dumating nang muli si Finn. "Pakilabas ng kalat Finn, baka bumaho sa loob," utos ko. Kaagad niya namang sinunod iyon kahit hindi pa nakakabawi sa gulat dahil sa nadatnan. Pagkabalik, nahimasmasan na ata ito dahil maayos na ang kaniyang kompleksyon.
"Miss Yu, wag mo na lang intindihin ang sinabi ni Kate, matagal na talaga 'yong naghahabol kay Kamatayan kaya kahit sinong mapalapit na babae ay talagang inaaway niya," ani Finn. Psh, bakit niya pa sinabi 'yan sa'kin? Wa epek naman sa'kin 'yong sinabi no'ng buang na 'yon.
Kinuha ni Finn ang first aid kit sa cupboard malapit sa may pinto tapos sinimulan ang paggamot sa sugat ko. "Alam mo Miss Yu, kung pwede lang, sana patuloy ka pa ring maging kaibigan ni Kamatayan," ani 'ya. Isang malaking question mark ang sumampal sa mukha ko.
"Huh? Anong pinagsasasabi mo d'yan? Kailan ko naging kaibigan 'yong boss mo ah? At kailan niya ako naging kaibigan?" pagrereklamo ko. Natawa ito nang marinig iyon. Natameme ako nang biglang manahimik si Finn, siguro mga sampung segundo. "Gano'n lang talaga si Kamatayan kapag mahalaga sa kan'ya ang isang tao. Aawayin ka niya, iinisin, pero alam kong alam mo na sa kabila ng lahat ng 'yon, may malasakit siya sa'yo, dahil 'yon din ang nararamdaman namin ni Vixel kapag kasama namin si Kamatayan," seryosong turan nito.
Hindi ako sumagot, hinayaan ko lang siyang magsalita. "Simula ng iwan siya no'ng first love niya, nahirapan akong i-build ang tiwala niya. Masyado siyang mailap at noon talaga hindi niya ako pinpansin kahit anong gawin ko. Pero tingnan mo ngayon? Hindi lang ako ang kaibigan niya, kun'di si Vixel at ikaw. Akala ko nga, walang pag-asang magkaroon siya ng kaibigang babae dahil sa sinapit niya. Pero dumating ka at unti-unti siyang binago. Salamat Miss Yu, dahil hindi na kami napapagalitan ni Kamatayan lagi, hindi niya na kami nabibigyan ng mabigat na parusa, hahahahah!"
"G*go! Ibuhos ko 'tong alcohol sa bunganga mo, bwesit ka!" inis kong tugon.
"Joke lang, pero ito talaga seryoso 'to. Nagpapasalamat talaga ako sa'yo, Miss Yu," ani Finn. Teka, anong sasabihin ko? Masyadong napakalma ni Finn 'yong dugo ko kaya wala akong maisip na sagot. Nanahimik muna kami for like 10 seconds bago ako nakapag-compose ng sasabihin. "Wala 'yon. Pero hindi ko siya kaibigan tandaan mo 'yan, he's my mortal enemy!!!" bulalas ko. Alam kong lame 'yong naging tugon ko pero wala talaga akong maisip. Masyado akong nagulat no'ng malamang minsan na palang iniwan ng babae si Kamatayan.
Tsss. Kung ako 'yon, 'yon din ang gagawin ko. Sino ba naman kasi ang makakatagal sa ugali ni Kamatayan?
Pero, ngayong may panibago na naman akong nalaman tungkol sa demonyo, nakaramdam ako ng kakaibang saya.
'Eh?'
EHHHHHHHH??!!!!