CHAPTER 20: DONDE ESTA SHANE?

1625 Words
VINCE "Kamatayan, oh eto ang patunay oh! Hindi nga ako nagbibiro eh, madami talaga akong pasang sinalo. Meron pa nga sa hita eh, alangan namang maghubad ako para lang ipakita sa'yo? Respeto naman sa dignidad ko," ani ko. Sa haba-haba ng pinagsasasabi ko, hindi pa rin nawawala ang kunot sa noo ni Kamatayan, at ang akala niya eh, gawa-gawa ko lang 'tong mga pasa sa katawan ko. Sino namang bobo ang magpapakahirap na gawin iyon, hindi ba? I earned these bruises para hindi niya ako pagalitan tapos hindi rin pala uubra. Though, tinanong niya rin naman ako kung ayos lang ba ang pakiramdam ko at kung kaya ko raw bang magbantay bukas ng gabi sa party, at saka kung natamaan ko man lang daw ba kahit isa 'yong kumalaban kay Keisha. Wala lang, parang tinanong niya lang 'yon para hindi puro sermon 'yong maalala ko mamaya. "Oo naman! Kamatayan, ako pa ba? Malakas 'to! Baka nakakalimutan mong si Vixel 'to! At saka ikalma mo 'yang puso mo dahil napuruhan ko rin 'yong mayabang na Dylan na 'yon. Kahit itanong mo pa sa mga mag-aaral na tumambay kanina sa laban namin, saksi sila kung gaano ako kalupet! Naipaghiganti ko nang maayos si Keisha kaya wag ka nang magalit," ani ko. Mukha atang wa epek pa rin kay Kamatayan 'yong mahaba kong tinuran kaya no choice, proceed to plan B. "Ohhh, bago ka pa magsalita, ipapasa ko na itong mic kay Finn, ah? Kanina pa tumatawa sa gedli eh, parang gusto na niyang makatikim ng matamis mong sermon, Kamatayan," dugtong ko sabay bigay no'ng earphones kay Finn. Pinandilatan ko ito ng mata nang ayaw niyang tanggapin. "Luh? Kamatayan, oh! Ayaw ni Finn. Kunin mo na! Hoy! Kung tutuusin nga, ikaw ang may kasalanan kung bakit napa-rambol si Keisha tapos pepetiks ka d'yan? Wag ako ngayon, Finn. Ako may pinakamalaking ambag ngayon kaya kunin mo na 'to," ani ko. "Ohh---aangal ka? Totoo naman, 'di ba? Inalok-alok mo akong silipin si Venus kanina kaya hindi agad natin napigilan si Keisha, " dugtong sumbong kay Kamatayan na ngayon ay umuusok na ang ilong sa sobrang inis. Hindi na nakapalag pa si Finn dahil baon na baon na siya. Gustuhin ko mang isalba siya ngayong gabi, hindi ko talaga kaya. Masyadong mainit si Kamatayan, hindi ko kayang saluhin 'yong nagbabaga niyang salita. Idagdag mo pa na, kanina niya pa kami sinesermunan. Ala-singko pa lang gingisa na niya ako, tapos ngayon ang oras ay ala-singko y media. Hanep! 30 minutes ko nang inaako lahat ng sermon ni Kamatayan! "Finn, ayusin mo. Pigilan mo muna ihi mo, ah! Good luck!" ani ko na may halong pang-iinsulto. Ngayong nakaligtas na ako, ako naman ang tumatawa sa gedli. Tanging pagkamot na lang sa ulo ang nagawa ni Finn habang niraratrat siya ni Kamatayan. "Hahahaha! Landi pa kasi!" pang-iinsulto ko. No'ng mapansin kong mahina ang boses nito, kaagad akong nagparinig. "Bubuyog ka? Anong binubulong-bulong mo? Hahahahah! Lakasan mo boses mo, hoy! Nako, pag 'yan na-badtrip lalo Finn, tamo uuwi talaga nang wala sa oras 'yan si Kamatayan," payo ko. Ilang minuto pang panggigisa ang lumipas at nabulabog kaming pareho ni Finn dahil sumigaw si Kamatayan nang malakas. Tang*na! Akala ko katapusan na namin dahil talagang abot sa akin 'yong impact. "G*go, anong nangyari do'n? Bakit sumigaw? May sinabi ka bang mali?" tarantang tanong ko. Takte, kinakabahan ako, kulang na lang maihi ako sa pantalon, eh. "Papatayin niya raw tayo 'pag nakauwi siya. Hanep ka kasi! Walang kwenta ka kasi magsumbong! Dapat ang sinabi mo, inatake bigla ni Dylan si Keisha para hindi lang sa'tin naka-focus 'yong galit niya. Bobo mo boi!" pangta-trashtalk ni Finn. "Ehh hindi ko na naisip 'yan pasensya ka na. Gago ka kasi, hindi mo sinabi sa akin kung ano ang sasabihin. Nakita mong parang bomba 'yong mukha 'non habang nagsasalita. Idagdag mo pa na talagang magkadikit 'yong kilay, eh, hindi na ako makapag-isip nang maayos na palusot. " Umiling-iling lang si Finn dahil sa disappointment. Iniisip niya siguro ngayon kung magpapaalam na siya sa mga magulang niya dahil malapit na siyang sumakabilang-buhay, hahahahaha! "Ano tapos na ba magsalita si Kamatayan? End na ba natin?" tanong ko. "Hindi pa, iinom lang daw siyang tubig dahil natuyo raw lalamunan niya sa kakasermon. Sumigaw-sigaw ba naman kasi. Pero babalik siya agad para ipagpatuloy ang nasimulan," malamyang sagot ni Finn. Napa buntonghininga na lang kami pareho habang hinihintay muli si Kamatayan na tumawag. Buti na lang naawa pa sa amin si Bathala dahil dumating na rin sa wakas si Keisha at may bonus pang anghel na kasama. "Wazzup, mga kupal," bungad na bati nito. Nagmamadali akong lumapit kay Shane at niyakap ito tapos nag-peace bomb kami ni Keish. "What's wrong?" maamong tanong ng aking magandang girlfriend. "Pinapagalitan kami ng boss namin," sumbong ko habang nakanguso pa. Nanlaki ang mata ni Keisha nang marinig iyon tapos kinuha sa kamay ni Finn 'yong laptop. Sakto naman dahil muli nang tumawag si Kamatayan. Binuksan ni Keisha ang camera pati na ang mic at wala ng intro-intro, mura agad ang ibinato ni Keisha. "Grabe ah?! Nagawa mo pa talagang pagalitan ang mga alagad mo na mag-isang kumakayod dito sa SAA? At saka kung makapagbilin ka naman ano ka? Tatay ko?" nanggigigil na asik ni Keisha. Halos kurutin ko na ang sarili ko para hindi matawa dahil 'yong ngiwi ni Keisha parang nakakain ng panis na ewan. "Hay naku, Kamatayan! Wag mo kong bigyan ng ganyang rason! Alam mo umamin ka na kasi na may gusto ka sa'kin, kasi halatang-halata ka na!" dugton nito na ikinagimbal namin. Ooohhh! Savage, man! Napa woooah na lang ako sa gilid sa sobrang gulat habang nakakandong kay Shane. Lakas talaga ni Keish, hahahaha! "What the f*ck are you talking about? Wala akong gusto sa'yo. Baka ikaw ang may gusto sa'kin," pagde-deny ni Kamatayan. Tinanggal kasi ni Finn 'yong earphones kaya talagang rinig na rinig sa apat na sulok nitong office 'yong galit na boses ni Kamatayan. "Wala akong gusto sa'yo at hinding-hindi ako magkakagusto sa'yo! Buti nang magkalinawan tayo, at saka nga pala, pwede ba? Kahit ngayon lang, wag mo naman na sanang bulabugin 'tong dalawa kasi ako na 'yong naaawa sa kanila. Hindi na nga nila alam kung ano ang una nilang gagawin, eh. May party silang aasikasuhin, tapos ang dami mo pang iniwang trabaho. May puso ka pa ba ah? Lugi sa'yo eh! Parang hindi kaibigan," panenermon ni Keisha. Hindi kumibo si Kamatayan tapos biglang nag-end call. "Aba bastos! Binabaan ako!!" inis na bulalas ni Keish. Nanahimik kami ni Finn for about 3 seconds habang nakatingin sa isa't-isa. Pagkatapos no'n, para kaming nabunutan ng tinik sa dibdib. "Bravo!! Salamat Keisha, napatahimik mo si Kamatayan!" masayang sigaw ni Finn habang maligalig na pinaglaruan ang kamay nito. Weird na binalingan ni Keisha si Finn ng tingin. Para bang hindi ito masaya sa compliment na sinabi nito. "Huh? Gago kayo! Hindi siya 'yong nag-end ng call kun'di 'yong lalaki na medyo matanda na. Katulong ba nila 'yon?" pambabasag ni Keish. 'Yong tuwa namin na super taas na biglang lumagapak. Nanlaki ang mga mata namin ni Finn dahil malamang sa malamang si Tito Carlo ang tinutukoy ni Keisha. "Patay—" mahina at halos pabulong na ani Finn. "What? Kilala niyo kung sino 'yong bastos na 'yon?" naguguluhang tanong ni Keisha habang nakangiti, pero 'yong ngiti niya parang nakakain siya ng Yakee. "Si Tito Carlo 'yon, tatay ni Kamatayan. Kilalang strikto 'yon lalo na sa anak niya, kaya malamang sa malamang, sinesermunan na siya ngayon no'n. Condolence na lang," sagot ni Finn. Walang kumibo sa'min after no'n. Buti na lang talaga nandito si Shane para i-comfort ako. Okay na ako kahit tumagos sa kaluluwa ko 'yong mga salita ni Kamatayan kanina. "B-babe, excuse me," biglang paalam ni Shane. Dali-dali nitong tinanggal ang aking kamay na nakayakap sa kanya tapos tumakbo palabas. Nataranta ako dahil parang may nararamdaman ito kaya hinabol ko siya at sinenyasan sina Keisha na wag nang sumunod at manatili na lang sa kanilang pwesto. "Babe? Babe what's wrong?" tanong ko. Nadatnan ko itong nakaupo na sa lupa kaya kaagad ko itong nilapitan. "Wala. Medyo kumakalam lang 'yong tyan ko tapos naduduwal ako. Pasensya ka na," mahinang sagot niya. Tinulungan ko siyang makatayo at hinawakan ang dalawang balikat nito para masahihin. "Gusto mo na bang magpahinga? Wag ka na kayang um-attend bukas at magpahinga na lang? Nag-presinta si Keish na sa kwarto ka na lang daw niya matulog para may katabi siya," sabi ko. Tumango lang ito habang patuloy na hinahagod ang kan'yang lalamunan. "Tell me kung may nararamdaman ka pang iba. Hindi mo ba trip 'yong kinain natin kanina? Sa tingin mo iyon ang dahilan kaya ka naduduwal?" sunod-sunod kong tanong. Umiling ito tapos mahigpit na kumapit sa'king braso. "Hindi eh. Kaunti lang nama---awwww" namimilipit na bulalas nito. Mas lalo akong kinabahan dahil first time kong makitang nagkakaganito siya. "Babe, ayos ka lang ba talaga? Dalhin na kaya kita sa Hospital? Namumutla ka na ohh," nag-aalang suhestyon ko. Hindi ito pumayag at paulit-ulit na sinabing ayos lang siya, na kaya naman niya raw tiisin. Hindi na ako nagpumilit pa dahil baka dala lang ng pagod sa byahe. Nang makarating na kami sa tapat ng room ni Keisha, kaagad ko itong tinawagan para ipaalam na magpapahinga na si Shane. Buti naman at mala Sonic kung tumakbo si Keish, kaya nakarating agad ito. "Ako nang bahala sa kanya. Alam kong marami pa kayong aasikasuhin ni Finn para sa event bukas kaya shoooo!" pagtataboy nito. Nagpasalamat ako sa kanya bago pa man sila tuluyang makapasok. Ginawadan ko ng isang mabilis na halik sa noo si Shane at dapat ay sa lips pa sana kaso, sinapok ako ni Keisha at itinulak. "Goodnight Babe, ikaw rin Keish. See you tomorrow," paalam ko bago ako pagdabugan ng pinto ni Keisha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD