TYRONE This babaknita is getting into my nerves na! Hindi ko inaasahan na aabot sa round three ang laban namin since she came from the lowest Society under UGSO. Pero jiba! Nagawa niya akong kulelatin sa naunang rounds at hindi na me magpapakavog pa! Mariin kong hinahawakan ang dalawang patalim sa aking kamay at gano'n din ang ginawa niya. I can't loose here. Mapapagalitan ako ni Inang Reyna at mapapahiya ako kay Fafa Dylan! Nagsimula na ulit ang lahat sa amin no'ng tumunog na ang hudyat ng refree. Mabilis kaming tumakbo pasalubong sa isa't-isa at nagtuos nang buong lakas. May mga pagkakataon na muntik ko pang mabitawan ang hawak kong patalim dahil sa dulas ng aking kamay, buti na lang at kaagad ko iyong naaagapan. Once na mahulog sa sahig ang kahit isa lang sa hawak mo, it's over. Kay