CHAPTER 75: UNEXPECTED

2032 Words

KEISHA Hindi ako mapakali at labis ang kalabog ng aking puso dahil sa kaba at pagkasabik. Ngayong gabi ang simula ng BOTH at bago pa man magharap ang unang mga kalahok, isa-isa kaming haharap at ipapakilala sa libo-libong manonood. "Fighting! Keisha!" masayang ani Xen habang minamasahe ang aking kamay. Tumango ako sa kanya at binigyan ng isang mabilis na yakap bilang pasasalamat dahil siya ang nakasama ko sa pag-eensayo at hanggang ngayon, hindi talaga siya nagpaawat at nangulit pa na papanoorin niya raw ako kahit hindi pa naman ako ang lalaban. "Thank you, for being by my side," ani ko na punong-puno ng sinseridad. Isang matamis na ngiti ang iginanti nito tapos marahan niyang tinapik ang aking likod para pumasok na sa loob. Bago ko iyon gawin, tumango muna ako sa gawi nina Finn at Vinc

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD