KEISHA Ngayon ay Haloween at naglabas ng announcement kahapon si Kamatayan na sa araw na ito may pagkakataon ang mga stupidents na maghasik ng lagim nang hindi napaparusahan. Like, pwede silang magnakaw, well, iyon ay kung may mananakaw sila, hahahahah! Pwede silang magbardagulan magdamag, o 'di naman kaya pumatay. Charot! Hindi counted 'yon! Hahahahaha! Ang sabi ni Kamatayan kahit anong kag*guhan basta walang papatay at walang magtutungo sa mga restricted areas. "Ehhh? Hindi ka makakapunta? Maglalaro pa naman tayo ngayong gabi! Bakit ba hindi pwede?" dismayadong tanong ko kay Venus sa kabilang linya. Minessage ko kasi siya kagabi na pumunta rito kasi nga may party, eh anong oras na wala pa rin siya kaya tinawagan ko. "Akala ko kasi tatawagan ka ni Ate Sophia para sabihin sa iyo na s