SOPHIA Matagal-tagal din ang nakakalipas simula noong makita kong ganito kalinis ang bahay. Hindi ko inaasahan na may oras pa si Venus na maglinis kahit halos hindi na ata ito umuwi dahil sa kanyang trabaho. Isang linggo na ang nakakalipas simula noong dumating kami ni Zach sa Pilipinas. Walang araw ang lumipas na hindi ito tumatawag para kumustahin ako at kahapon lang ay sinabi niya na kung pwede ay magkita kami. Tumanggi ako at sinabing ako na lang ang magse-set ng araw kahit masama sa loob kong gawin iyon. I loved him since forever, pero may mga bagay akong dapat munang asikasuhin. Ngayong araw ang opisyal na pagsasara ng misyon na ginampanan namin ni Bernard sa US kaya ngayon pa lang ako papasok sa BM. "Ate Sophia, let's go," aya ni Venus. Tumayo ako't naglakad palabas. Pagkapasok