Wait...
Hindi pa nga ako satisfied sa goosebumps na ibinigay ni Hudas, tapos bigla na lang naputol ng isang sampal?
From this b***h? This fuckng lame b***h?
I look at her with an annoyed face. Damn! Pasalamat siya at dati ko siyang kaibigan, dahil kung hindi, baka duguan na siya ngayon.
"What was that for?" natatawang tanong ko kay Zandra. Hindi niya kaagad ako nasagot na kinairita ko. May gana siyang sampalin ako tapos ngayong tinatanong ko siya ay hindi na siya makasagot.
Pinagmasdan ko ang kanyang mga kamay na nanginginig sa sobrang takot. Kitang-kita ko rin ang pangingilid ng luha sa mga mata niya. Hindi ako maaawa sa kaniya kahit maglupasay pa siya dyan.
"What the heck, Lorry! Why did you do that?!" bulalas na tanong ni Zandra, habang nangangatal ang boses. Niyakap niya ako nang mahigpit tapos bigla na lang syang humagulgol.
Huh? Ano iyon? Namura pa nga ako. At saka, bakit may pagyakap? Hindi ako magaling mangomfort ng tao at hindi ko siya maintindihan. Sino ba talaga ang lalaking 'yon? At bakit gano'n na lang ang takot ni Zandra sa kanya? Sobrang lakas niya ba? Eh mukha namang f**k boy lang ang isang 'yon na walang maibubuga.
I've known this b***h for a long time. She's weak pero never ko pa siyang nakitang umiyak, ngayon lang actually. Kumalas ako sa pagkakayakap at kinuha ang mukha nito sabay tanong ng, "Bakit ka lumuhod sa pesteng lalaking 'yon? Sino ba siya? Hari? Presidente ba siya rito? Kung makaasta akala mo naman eh, kung sinong batas."
Umiling ng ilang beses si Zandra at takot na pinakiramdaman ang kanyang paligid.
"Listen to me, Lorry. DEATH is not a human, he's a devil! At nanganganib ang buhay mo!" nangangatog na babala niya. Literal na nalaglag ang panga ko sa sinabi nito.
Woah, Woah, Woah...
I admit natakot ako nang very slightly, maybe because of his smile kanina. The moment I saw those smiles, alam kong hindi siya basta-basta. Pero hindi ko hinayaang lamunin ako ng takot. I know I am more evil kumpara sa kanya.
My thoughts were brushed off by the bell. Hinawakan ni Zandra ang kamay ko, and before siyang magpaalam, binalaan niya ako na wag na wag kalabanin ang taong 'yon dahil hindi siya pangkaraniwan.
Tumango na lang ako sa kanya para mawala ang pag-aalala nito. Ayaw kong kinakaawaan ako. Ayaw kong nag-aalala ang mga tao sa akin.
So ayon, pagdating ko sa room, I am expecting na makakakita ako ng usual scene sa loob ng classroom, kung saan 'yung mga classmate ko ay busy sa pag-iingay pero, nah! Instead of that, mga nanlilisik na mga mata ang sumalubong sa akin. At hindi pa roon nagtatapos ang lahat, dahil they started to exchange whispers to one another na nagsilbing musika sa aking tenga.
Naupo ako sa pinakadulo, nakapagtataka dahil mas lalo pang lumakas ang mga bulungan nila. Like, b***h! Gimme a break, will you?! Pati ba naman pag-upo ko may problema sila? Hindi na ako nakapagpigil pa at sumigaw na sa sobrang inis.
"Fudge! Kung may gusto kayong iputak, iputak niyo na!" Pilit kong pinakalma ang sarili ko dahil ayaw kong ma-kick out agad sa paaralang ito.
Well, I guess not now dahil may misyon pa akong gagawin. Isang matapang na babae ang tumayo at humarap sa'kin. Tinaasan ko siya ng kilay pero dedma lang ito. Ay bet! Attitude 'yan?
"Bilang Class President ng silid na ito, babalaan kita. Kung ako sa'yo, maghanap ka na lang ng ibang upuan dahil may nagmamay-ari na niyan. Kung ayaw mong madagdagan pa ang parusa mo mamaya, sumunod ka na lang. Pero kung matigas din naman ang bungo mo, wag mo na lang pansinin ang sinabi ko," mahinahong babala nito.
Inirapan ko siya nang bonggang-bongga pati na rin 'yong madla at padabog na naghanap ng bagong upuan, gaya ng gusto nilang gawin ko.
The heck! Anong meron ba sa upuan na 'yon? May ginto ba? Mamahalin ba 'yon? Personalized?
Tangina.
Hindi sa natakot ako sa sinabi niya, kung hindi naririndi lang kasi ako sa mga bulungan nila at mukhang ang paglipat lang ng upuan ang solusyon para matahimik ang kaluluwa nilang lahat. Naramdaman ko ang isang nakakakilabot na presensya mula sa likod. Lahat kami ay napatingin sa pintuan. Para kaming mga batang paslit na inaabangan kung sino ang iluluwa nito.
Siya na naman...
Nang makita ko si Hudas, tila nagsitayuan ang lahat ng balahibo sa katawan ko. Wala ni isa man ang may gustong makipagtitigan sa halimaw na nasa harapan namin. Alam niyo 'yong feeling na parang may pwersang nakadagan sa likod niyo tapos kusa na lang kayong yuyukod sa harapan niya? Gano'n kabigat ang presensya nito ni Hudas!
Shit, kung hindi lang siguro ako isang demonyo, malamang sa malamang, bumigay na ang mga tuhod ko sa sobrang siksik ng aura nito.
At ayon na nga ang sinasabi ko, tumayo ang lahat at nagsipagyukuan kay Hudas na nasa harapan at walang buhay na tinitigan ako dahil ako na lang ang may matinong utak sa loob ng room na hindi yumuyukod sa mahal na Hari. Nakipagsukatan ako ng titig sa hunghang, akala niya naman pasisindak ako? Utot niya!
'Oh ano, ano ha? Patigasan tayo ng bungo rito! Gago ka ba? Pinapaluhod mo ako kanina tapos ngayon, pagyuyukurin mo naman? Asa, boy! Asa! ' I whispered at the back of my mind.
Uulitin ko ah, kahit magkamatayan na, hindi ako yuyuko kanino man, itaga niya 'yan sa kokote niya! Hindi ko man masabi sa kanya by words, sana naman makuha niya 'yong gusto kong iparating. Naniniwala ako na action speaks louder than voice. Depende kung bobo siya, di niya talaga makukuha iyon.
And here they go again. Pati 'yong mga papampam na mga kaklase ko ay pinagtitinginan na rin ako, as if nakagawa ako nang malaking krimen. Syempre, ako naman, dahil may hiya pa rin sa katawan, at hindi talaga ata magpapatalo ang hunghang, tumayo na rin ako. Pero!
Pero, hindi ako magpapa-under sa kanya.
Instead of serving him what he wants, I stand up and greet his majesty with my middle finger bago umupong muli.
'Ayan! Cactus ang yuyukod sa iyo! Makuntento ka na dapat, ah!'
After kong gawin 'yon, kitang-kita ko ang pagkagulat nilang lahat. Aba dapat lang kayong magulat, magsolo kayong lumuhod sa demonyong 'yan!
Walang emosyon na nagpatuloy sa paglalakad ang lalaking 'yon. Ni hindi man lang ngumiwi, o lumaki ang mata!
Tsss, I can't believe na magaling din pala siyang umarte, edi wow! Pagkaupo niya ay nagsipag-upuan na rin ang mga kaklase ko, sakto naman dahil dumating na rin 'yong Teacher namin.
"Good morning your highness! Good morning everyone," magalang na bati ng Teacher naming kalbo. Hindi nakaligtas sa'kin ang pag-irap niya sa gawi ko, malamang ay nasaksihan niya rin ang kalapastanganang ginawa ko kanina.
Aba, bastos na itlog!
Napairap na lang din ako sa kanya, kala niya d'yan! Walang teacher, teacher sa akin! Kapag nirespeto ako, rerespetuhin ko rin! Pero kapag tinarayan ako, aba tatarayan ko rin! Dalawang mata pa!
Makalipas ang ilang minuto, tahimik lang ang lahat habang nagsusulat ang boring naming teacher. What's wrong with this room!? Nasaan 'yong ingay? Chismisan? Nasaan!
Pero teka, maganda na rin pala na hindi sila nag-iingay. Mukhang hindi naman ata mahahalata ni kalbo kung matutulog ako saglit, 'di ba? Tutal, wala naman talaga siyang pakialam, dahil ang ginagawa niya lang naman ay sunggaban ng nakaw tingin si Hudas sa likod.
At dahil nga walang nag-iingay, isama mo pa na parang minamasahe ako ng hangin galing sa aircon, hindi ko na pinigilan pa ang sarili kong unti-unting nilalamon ng kawalan.
Wala na akong pakialam kung magigising pa ba ako mamaya, o kung ano ang kalalagyan ko paggising ko. Basta ang alam ko lang, sobrang bigat ng mga mata ko at kailangan kong matulog.
'Don't you dare fall asleep, dahil hindi mo alam ang mangyayari sa'yo paggising mo.'
Naalala ko ang huling sinabi ni Zandra bago siya tumakbo paalis. Sinubukan kong itaas ang talukap ng aking mga mata ngunit hindi sumusunod ang aking katawan.
Teka—I should not sleep.
I shouldn't.
Pero huli na.
I can't open my eyes...