KEISHA
"Ano? Kumusta naman ang unang araw mo sa impyerno?" bungad na tanong sa akin ni Sophia. Hindi ko siya sinagot kaagad at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa aking kwarto. Lintek siya! Hindi man lang niya ako hinintay na makapagbihis! Buti kung maganda ang sasabihin niya, maaari pang maabswelto 'yong kapangahasan niya, ang kaso hindi, eh!
Tinapunan ko nang matalim na titig ang bruha bago nagsalita. "Bakit gusto mong malaman?" iritableng kong tanong, habang matagumpay na nag-isang dibdib ang dalawa kong kilay sa sobrang inis. Isang malaking tandang pananong ang nabuo sa mukha ni Sophia na tila naghahanap ng kasagutan kung may nagawa ba siyang mali dahil sa mataray kong mukha.
Loko-loko, ang laki ng kasalanan mong hunghang ka!
Kaya lang naman ako ganito umasta kay Sophia ay dahil 'yong inaasahan ko na masosolo ko ang bahay at wala akong madadatnang surot, ay hindi nangyari. Tayming naman dahil pagkarating ko, ang panget niyang mukha agad ang bumungad sa akin na mas lalong nagpabaga sa inis na nararamdaman ko dahil sa ginawa sa akin ng pesteng Kamatayan na 'yon.
Nag-explain naman ito agad na na-cancel daw ang flight nila kanina at bukas pa sila makakaalis ng bansa.
Kapag minamalas ka nga naman talaga, tsk!
Kung alam ko lang, edi sana umiwas muna ako sa gulo at hindi nagpaagrabyado sa mga bwesit na 'yon. Sayang lang, dahil nagbabalak pa naman akong paliguan ng alak ang sugat sa aking katawan at magdamag na magsisisigaw rito sa bahay, kaso wala na. Naudlot na ang malupit kong balak.
"Ano na ang sagot? Kinukumusta kita kung anong nangyari sa iyo sa SAA at unang araw mo pa lang, eh, puro pasa na 'yang katawan mo! Buti nakalakad ka pa, eh halos magkulay talong 'yang binti mo," sabi ni Sophia, na kulang na lang, eh dutdutin 'yong mga sugat ko sa sobra niyang panggigigil. Isang malutong na asik ang kumawala sa bibig ko dahil ayan na naman siya, kung umasta, eh akala mo magulang ko. Hindi muna ako kumibo dahil mas inuna ko pang murahin siya sa loob-loob ko bago binalandrahan ng hinlalato sa kamay. (p*kyu)
"Alam mo Sophia, ang dami-dami mo laging sinasabi. Pwede ba? Kahit ngayon lang tantanan mo ako kasi kita mo 'to? Itong flower vase na ito? Kapag talaga napuno-puno ako sa iyo, hindi kita babalaan, sinasabi ko sa iyo. Kusa na lang itong lilipad sa mukha mo kapag hindi mo talaga ako nilubayan!" nanggigigil kong banta. Mukha namang natakot siya sa aking tinuran at hindi nagdalawang-isip na umatras at lumabas ng pinto. Ngunit hindi pa rin ito nagpaawat dahil naroon pa rin siya at patuloy pa rin akong dinidikdik sa kanyang mapanuring titig.
"Ito naman, napakainit ng ulo! Uso kumalma, Keisha! Ay teka nga pala speaking of kalma," panimula no'ng bruha. Saglit itong natahimik, tila inaayos ang mga salitang kanyang bibigkasin.
"Ako'y kanina pa hindi kumakalma ang dugo dahil sa'yo. Baka nakakalimutan mo, may kasalanan ka pa sa aking bwesit ka! Pero dahil mahal kita, bumalik tayo sa tanong ko kanina. Sino ang gumawa niyan sa'yo? Ilan sila? Hindi ka mapupuruhan ng ganyan kung mag-isa lang ang nang-trip sa'yo. Unang araw pa lang, Keisha! Sinasabi ko na nga ba!" nanggigigil na sumbat ng buang, habang pinagmamasdan ang mga pasa sa hita at braso ko.
Hindi na nito napigilan pa ang sarili na lapitan akong muli kahit na binantaan ko na siya. "Wag ka nang magalit d'yan. Hindi na kita iinisin, promise," ani 'to habang nakataas ang dalawang kamay sa ere. Nang matagumpay na itong makaupo sa aking tabi, inabangan niya ang aking isasagot.
Pinagmasdan ko muna siya, nag-iisip ng magandang alibi. Hindi ko pwedeng sabihin kay Sophia na alam ko na kung sino ang target ko. Alam ko namang labis siyang tututol, dahil sa simula't sapul pa lang, talagang pakialamera na siya. Ewan ko ba kung kanino nagmana!
Nag-iisip pa rin ako ng sasabihin dahil hindi ako papayag na umepal na naman siya sa plano ko. Kapag nalaman niya na kilala ko na kung sino ang ex niya na iniiyak niya sa akin noon, ay mali. Hindi niya pala totoong ex 'yon, kun'di pinagpapantasyahan niya lang. Hanep!
Napaniwala niya ako na sinaktan siya nang sobra no'ng lalaking minahal niya 'kuno' nang lubusan tapos malalaman-laman ko na gawa-gawa niya lang pala iyong lahat? 'Yong iyak, 'yong kaartehan na ipinakita niya sa akin para kaawaan ko siya, kabaliwan niya lang pala iyon, tang*na niya!
"Bago mo ako yabangan na may kasalanan ako sa iyo, uunahan na kita dahil kanina ko pa gustong basagin 'yang mukha mo!" bulyaw ko.
Kumunot nang labis ang kanyang noo na animo'y walang kaalam-alam sa sinasabi ko. Pwe! Hinarap
ko siya at pinandilatan bago ipagpatuloy ang sinasabi.
"Umamin ka nga sa akin, Sophia. 'Yong totoo dahil babangasan talaga kita ngayon kapag sinubukan mong magsinunglaing sa akin!" babala ko. Still, hindi siya kumikibo at hinihintay lang ang aking sasabihin.
"Totoo bang wala kayong relasyon ni Kamatayan? Na gawa-gawa mo lang 'yong kwentong naging ex mo ang demonyong 'yon?" inis na pangongompronta ko. Kung kanina, halos tunawin niya ako sa kanyang mga titig, ngayon hala! Halos hindi na ito makatingin nang diretso!
Halos makagat ko ang aking dila sa sobrang inis. Sinasabi ko na nga ba, bwesit! Napaka sinungaling talaga!
Mahabaging nilalang na nasa itaas! Ikinahihiya kong naging kapatid ko ang isang 'to! Bakit naman po pumasok sa utak nito ni Sophia na gumawa ng gano'ng klaseng kabaliwan?!
Futang*na!
"Tell me, Sophia anong pumasok sa utak mo para gawin 'yon? Para sabihin sa'kin na nagkaroon kayo ng relasyon ni Kamatayan kahit hindi naman talaga? Anong nakain mo para mabaliw ka sa taong 'yon at magawang magsinungaling sa akin? Sa mismo mong kapatid? Sht, nakakahiya kang bwesit ka!" sigaw ko. Mas lalong nag-init ang ulo ko dahil, ang bruha, kahit disappointed na ako sa kanya, aba dinedma lang ako! Imbes na ma-guilty, aba nag-flip hair pa ang bobita sabay sabing, "Well, It's all in the past you know? Wala na akong feelings sa taong 'yon ngayon. Nagbago na ako, hindi na ako naghahangad pa ng atensyon no'n, and trust me, pinagsisisihan kong nahulog ako sa katulad niya, kaya naman sagutin mo na ang tanong ko, Keisha, sino ang may gawa sa iyo n'yang mga pasang 'yan," kaswal na pag-iiba niya ng usapan.
Napaka-smooth, ah! Akala niya ata bebenta sa akin ang panglilihis niya?! Nanggigigil ako ngayon! Pwedeng sikmuran ang isang 'to? Isang suntok lang, promise! Kung pwede lang magsako ng kapatid, matagal ko ng ginawa! Dahil sa pagsisinungaling niya kaya napahiya ako sa demonyong 'yon kanina, tapos umaakto siyang ganito sa harap ko na parang hindi big deal 'yong kagaguhan na ginawa niya?!
Shuta! Dahil sa kabaliwan ng babaeng 'to halos lamunin ako ng kahihiyan!
"Sophia, pwedeng lumayo-layo ka nang kaunti sa akin? Hayaan mong ikalma ko muna ang aking sarili saglit, dahil nandidilim na ang aking paningin. Hindi na pamilya ang tingin ko sa iyo kun'di isang malaking surot na kailangang puksain. Kaya please, kung gusto mong manatiling buhay, wag na wag na wag ka munang magsasalita," babala ko habang mariing nakapikit ang mga mata.
Sinunod niya naman ang gusto ko at ilang segundong nabalot ng katahimikan ang aking kwarto. Tanging ang mabibigat na paghinga ko lang ang siyang nagsisilbing tali upang hindi ako mawala sa tamang landas at mapatay ko ang makasalanang babaeng ito sa tabi ko. Pagkatapos ng ilang sandaling pakikipaglaban sa kumukulo kong dugo, isang pekeng ngiti ang sumilay sa aking labi.
"Dahil makulit ka at kanina mo pa nais malaman kung sino ang may gawa sa akin nito, sasagutin na kita para tuluyan ka nang manahimik at lumayas na sa kwarto ko," panimula ko.
Nag-aalinlangan itong tumango, alam niya na kaunti na lang ay mapipigtas na nang tuluyan ang pasensya sa katawan ko.
"Pinagtulungan ako ng mga walang bayag na mag-aaral ng SAA. Partida may mga armas pa ang mga kumag kaya napuruhan ako," pagsisinungaling ko. Napilitan lang akong mag-explain sa kanya dahil nanggigigil na talaga ako at gusto ko na siyang lumayas sa aking kwarto. Sana naman ay hindi na siya magsalita pa o magbalak na kwestyunin ang sinabi ko't magpasalamat na lang dahil sinasagot ko na ang tanong niya.
Her face frowns with dissatisfaction, marahil ay alam niyang nagsisinungaling ako. So what? Hindi naman niya hiningi 'yong totoong sagot, right? Whether she will take it or not, hindi ko na saluhin pa 'yon.
"Pangit mo ka-bonding, Keisha. Magsisinungaling ka na lang nga, ang baho pa! Oh siya! Kung ayaw mong sabihin sa akin ang totoo edi sana sinabi mo nang maaga para naman naka-exit na ako agad. At bago mo pa ako sigawan at batuhin niyang flower vase na 'yan, hayaan mong makaalis muna ako, okay? Wag nang magalit at kumalma ka dahil heto na aalis na ako. Kung kailangan mo ng tulong d'yan sa sugat mo, I'm just one scream away. Bye~~~~" ani 'to at mabilis na nilisan ang aking kwarto.
Isang mabigat na buntonghininga ang kumawala, padabog kong ibinagsak ang aking katawan sa kama at mariing ipinikit ang mga mata habang nagtatago ito sa dalawa kong palad.
Magpasalamat ang Kamatayan na 'yon at magtitimpi muna ako sa kanya. The next time na magkakabangga kami, sisiguraduhin kong ako naman ang hahalakhak at siya naman ang magdurusa!
FLASHBACK
"Your highness, gising na po siya," report no'ng isang lalaki. I can't see his face dahil nakatalikod siya sa akin.
My hands and feet were tightly tied up. Tapos mayroon ding puting panyo na nakagapos sa bibig ko.
"Leave us alone," utos ni Hudas na agad namang sinunod no'ng dalawang tauhan niya.
Dahan-dahan itong lumapit sa akin. Patuloy ako sa pagpupumiglas pero mahigpit talaga ang pagkakatali nila.
Kinuha nito ang aking mukha at hinawakan nang sobrang higpit. Pwera biro, I really thought my cheeks will be crushed off! The fudge! Gigil na gigil ang kumag!
"Keisha Loreen Yu... Sophia Jelyca Yu," nakangising bulong niya.
Nanlaki talaga ang mga mata ko no'ng banggitin niya ang pangalan ni Sophia. I know sikat si Ate sa paaralang 'to dahil isa siya sa mga die-hard fans nung ex niya.
Tinanggal nito ang panyo sa aking bibig at inilapit pang lalo ang mukha niya sa akin.
"I see, magkaparehas kayo ng mata. Should I conclude na mahina ka rin katulad niya?" bulong nito, tapos umalingangaw sa apat na sulok ng kwarto ang nakakatakot niyang halakhak.
"Ha.Ha.Ha! G*go! Kung sino ka mang buang ka, ito lang ang masasabi ko sa'yo. Oo, medyo mahina nga ang Ate ko, pero wag mo akong maliitin at itulad sa kanya, dahil sa sobrang inis ko ngayon, nangangati ang kamay ko na punitin 'yang umaalingasaw mong katawan!" nanggigigil kong banta.