"Vince?" napa-angat ako ng ulo nang marinig ko ang boses ni Keisha. Nang makita niyang para akong batang umiiyak habang nakasalampak, kaagad itong lumapit sa'kin at hinagkan ako nang mahigpit. "I'm sorry, Vince. Kung nagmadali lang ako, sana hindi 'to nangyayari ngayon. I'm sorry--" Paulit-ulit siyang humihingi ng tawad sa akin, sinsabayan ang pag-iyak ko. Alam kong walang kasalanan si Keisha dito kaya hinagod ko ang likod niya, para sabihin sa kaniya na wala siyang dapat ihingi ng tawad. "You don't have to say sorry. We're gonna find her. Let's go, hinihintay na tayo nina Finn doon sa likod ng SAA," alok ko, tapos kahit sobrang hirap, sinubukan kong ngumiti kahit pilit lang. Ayaw kong panghinaan ng loob, hindi dito, hindi ngayon. Ayaw kong kainin ako tuluyan ng mga bumabagabag sa'kin. Ma