CHAPTER 21: BLESSING WRAPPED IN A CURSE

1661 Words

VINCE Malamig ang simoy ng hangin ngunit ang puso ko'y nag-aalab. Sa gitna ng impyernong walang kasiguraduhan ang buhay, ang tanging nagbibigay ng liwanag sa akin ay ang matamis niyang ngiti. "Sure ka ba talaga na lumabas si Shane? Bumalik lang ako saglit sa table para uminom eh, tapos hindi ko na siya makita," tanong ko kina Finn. Ang sabi kasi ni Venus, napansin niya raw ito na tumakbo palabas. Ang akala nga raw niya, pupunta lang sa C.R or baka sumama kay Keisha dahil umalis din ito kaya hindi na nagpaalam pa. Sa sobrang dami ng estudyanteng nasa dance floor, hindi na rin nasundan ng mga mata ni Venus si Shane. "Hintayin na lang natin, Vince. Baka nga magkasama sila ni Keisha, hindi ko lang napansin," sagot ni Venus. Naisipan naming maupo na lang sa upuan at maghintay do'n sa dalawa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD