DWIGHT Apat na buwan na ang nakakalipas matapos ang bangungot na pinagtagumpayan ng lahat. Malungkot kong pinagmasdan ang lapida kung saan nakaukit ang maganda niyang pangalan. Lumuhod ako sa damuhan para hawakan ang nakaukit dito. "Bukas na ang araw ng kasal ko. Ikaw sana ang kasama ko sa altar, eh, kaso mas pinili mong tumira sa langit kasama ng mga anghel." Inilapag ko ang bulaklak na dala ko at nagpakawala ng isang mabigat na buntonghininga. Kung nasaan ka man ngayon alam kong masaya ka sa aming dalawa. Sisiguraduhin kong hindi masasayang ang sakripisyong ginawa mo para sa amin. Patawad kung wala kaming nagawang paraan para isalba ka. Habang nadudurog ang puso ko, hindi ko pinigilan ang aking sarili na hindi lumuhod habang tumatangis. "Hinding-hindi ka namin makakalimutan, ta