DWIGHT "Sigurado ka bang naririto ang eksaktong lugar? Kate?" tanong ni dad. "Opo Tito," mahinang tugon nito. Sinenyasan ko si Vector na siya na lang ang magbantay kay Kate habang busy kami. Seryoso talaga akong papatayin ko siya pagkatapos nito kaya kailangang masiguradong pagbalik namin, nanginginig pa rin ang kanyang laman. "President Nora, naririto na kami sa location. May mga nakikita kaming nilalang na nakapaikot sa malaking gusali. Okay, sige, malapit na rin pala kayo." Pagkababa ni dad ng tawag, tinipon niya kami upang magbigay ng plano. Kahit hindi maganda ang relasyon ko kay dad, hindi ko maikakaila na isa siya sa mga taong hinahangaan ko. Hindi magiging matagumpay ang H&S kung hindi siya isang henyo pagdating sa paglalatag ng plano. "Mahirap ang isang 'to dahil kapag natunu