"HOW is she, Marielle? Isinilang na ba niya ang pamangkin ko?" agad na tanong ni Romnick pagdating na pagdating niya sa hospital kung saan itinakbo ng Yaya at driver ang dalagang buntis. "Hindi pa, Master Nick. Nasa labour room pa lamang siya," tugon nito. Nais tuloy niyang sabunutan ang sarili dahil dito. Dahil kung lumabas na sa mundong ibabaw ang pamangkin niya ay siguradong nasa tabi nito ang Yaya. "Okay pa naman siya kaninang umaga pag-alis ko, Marielle. Bukod sa panganganak niya, wala ba siyang ibang dinaramdam?" tanong niyang muli. Hindi tuloy niya maiwasang kabahan. Baka isipin ng iba na makakita sa kaniya na siya ang ama ng sanggol dahil na rin sa excitement. "Master Romnick, alam kong nag-aalala ka sa alaga ko. Ngunit masasabi kong ipanatag mo ang iyong kalooban. Dahil ako