"KUMUSTA na ang pakiramdam mo, Steph?" masuyong tanong ni Romnick sa dalaga pagkamulat nito sa mata. Akmang babangon ito na wari'y nakakita ng multo at kaagad na tumingala sa butihing Yaya. Kaya't naging maagap siya. "Don't be scared to me. Ako ito si Romnick. At heto ang baby boy mo. Tulog na tulog ka kasi kaninang dinala kayo rito sa room. Kaya't wala pa siyang pangalan. We waited for you to wake up," aniya saka dahan-dahang iniabot ang karga-karga niyang sanggol. "M-merci," nautal nitong tugon. 'Twin brother, are you watching from above? Look at her. On how fragile she is. Your child is just like us, twin,' aniya sa isipan saka pasimpleng tumingin sa dalaga. SAMANTALANG labis-labis ang kabang sumalakay sa puso ni Stephanie nang namulatan ang identical twin ng Daddy Ramil niya. Actu