LUMIPAS pa ang mga taon! "Ha? Ano'ng sinabi, Nico? Gusto mong sa Madrid mag-aral? Nasa tamang pag-iisip ka pa rin ba, anak?" maang na tanong ni Stephanie sa ikalawang anak. Kaso ang panganay naman ang sumalo. "Hindi lang po siya, Mommy. Kundi kaming dalawa. Maaring hindi kami ipinanganak na kambal pero nagsabay naman po kaming nag-aral. Kaya't kako puwede pong uuwi kami ng Madrid at doon po mag-aral ng college," pahayag nito. Ngunit dahil ayaw pumasok sa kaniyang isipan ang pahayag ng mga anak ay umiling-iling siya. Tama, lahat silang mag-anak ay naka-dual citizenship both Spanish and French citizens. Kaya nga kahit silang pamilya lamang ang pasahero ng private plane nila ay walang problema. Pinaglalaanan talaga nilang mag-asawa ang kanilang mga anak. Subalit kailanman ay hindi pumasok