"MOM, PAPA, kumusta na po kayo rito? Pasensiya na po kung ngayon lang ulit kami nakadalaw ng asawa ko. Pero alam n'yo po ba na kayo ang unang-una kong naisip nang nagsabi ang mga anak ko na gusto nilang mag-aral dito sa Spain. At alam n'yo po ba na ang yayabang ng mga apo ninyo? Hindi pa sila pumasok sa university pero pinag-uusapan na nilang lahat na dual courses daw upang minsanan ang kanilang pag-aaral." Pagsusumbong ni Stephanie sa puntod ng mga magulang nang nakausal siya ng panalangin para sa mga ito. Oo! Panunumbong ang tamang termino upang ilarawan siya sa oras na iyon. Nagtungo sila ng Madrid ngunit hindi ginamit ang private plane. Dahil sinadya nilang mag-asawa na silang dalawa lamang. Wala silang magagawa kung kasama ang mga anak lalong-lalo na ang mga babae na tinalo ng ing