"WIFEY, nagising ba kita?" masuyo at paanas niyang tanong sa asawa ng napansing kumilos ito. "Ikaw, hubby, nakatulog na ako at nagising pero dilat na dilat pa ang iyong mga mata. Aba'y ano ba---" Kaso hindi na iyon natapos ni Stephanie. Dahil ang mahal na asawa ay niyakap siya at ipinasok ang palad sa kaniyang panty. "Maglalambing ako, wifey. Kagaya mo ay nakaidlip na rin kaso nagising ako sa init ng aking katawan. Ibang-iba simula kaninang pag-uwi natin galing kay Mondragon," anito. "Baka naman nasubrahan ninyo ni Kuya Bryce ang nag-inuman, hubby?" tanong niyang muli ngunit aminado siyang nag-iinit na rin ang katawan niya. Paanong hindi siya mag-iinit samantalang panay ang paglalaro nito sa kaniyang kaselan? Ang labi ay dumidila sa leeg niya. At ang kanang palad ay pumipisil-pisil sa