"HINDI ka ba pinilit ng amasona naming kapatid, brother? Aba'y biglaan naman yata iyan ah? Hmmmm... Kahit kapatid namin ang babaeng iyon kung ginapang ka upang pakasalan siya ay kami mismo ang tututol," ani Nico sa husband to be ng bunso nilang kapatid. Kaso mahinang sapak naman ang napala sa Kuya Alessandro. Nagkataon naman kasing sumulpot sila sa Paris ng araw na iyon. Sa katunayan ay nasa guard house sila ng nagkarambula ang mga ito. Kaso malayo man ang pagitan ng main gate at main door ng mansion kaya't nakasalubong na lamang nila ang mga ito habang karga-karga ng bayaw to be nila ang bunsong walang malay. "Tsk! Ano'ng akala mo kay bayaw small baby na hindi alam ang right and wrong? Tsk! Tsk!" nakangisi nitong saad bago bumaling sa binatang hindi mapakali. "Bayaw, huwag mong pansini