"HINDI na kita babatiin ng welcome here in Paris dahil alam kong uuwi ka rin mamayang gabi. So, let's go direct to the point. What is it all about, twin brother?" salubong na tanong ni Romnick sa kakambal na basta na lamang sumulpot sa kanilang tahanan. "Walang espesyal na dahilan, twin brother. Maari ko namag itawag sa iyo ngunit mas gusto kong sabihin ng personal at upang makita na rin kita. Aba'y sa pananalita mo pa lamang ay gusto mo na yata akong paalisin," ismid pa ni Ramil. Tuloy ay napatawa ang una. Ngunit agad-agad ding nagpaliwanag dahil kitang-kita ang pagsalubong ng kilay nito. "Brother, lahat ng mayroon ako ngayon ay sa iyo rin. Dahil para sa ating dalawa ang mga iyan. Kaya't huwag kang mag-inarte. Hala, pasok ka at magpagawa ako ng meryenda natin," tugon ni Romnick. Well,