"HAPPY BIRTHDAY, Stephanie," masuyong saad ni Ramil sa dalagang bagong dating. Kahit naman alam ng Yaya ng mag-ina sng tungkol sa relasyon nila ay hindi niya basta-basta tinatawag ang babaeng pinakamamahal sa paraan nang pagtawag kapag silang dalawa lang. "Hmmm... Aba'y, anak. Huwag mong sabihing nakalimutan mo ang iyong kaarawan?" Panunukso na rin rin ni Marielle dahil ilang minuto rin ang nakalipas na nanatiling tahimik ang alaga. "And we are sorry as well, Stephanie. Dahil kahit kami ay halos makalimutan ang tungkol sa iyong kaarawan. Actually, tumawag ang Mommy mo at ipinaalala. Do you like it?" patanong na saad ni Ramil. Ayaw naman niyang maging epokrita. Tama, nagulat siya dahil sa nadatnang eksena. Ngunit masasabi niyang masaya rin siya dahil naalala nila. "Thank you, po sa iny