"MOM, mapapatawad mo po ba ako kapag ako ang nagkasala sa iyo?" tanong ni Stephanie sa ina habang sila ay nasa sala ng kanilang bahay. It's been a while since she has a very long dream. At nagsimula rin ng panahong iyon na hindi siya makapag-isip ng maayos. Kahit ang pagpatingin sana niya sa doctor ay kaniyang nakaligtaan. "Ang ina ay ina, sweetheart. Kahit gaano kalaki ang kasalanan ng anak ay mapapatawad ito ng ina lalo na kung kusang-loob na maghingi ng kapatawaran. Pero teka lang, anak. Aba'y ano ba ang nangyayari sa mundo? Una, ang Uncle Ramil mo na wari'y kulang na lamang ay lulubog ang mundo sa lalim ng hininga at kapag tinatanong ko naman ay pagod lang daw. At ngayon naman ay ikaw. Tell me, sweetheart. What's the problem?" tanong ng Ginang. Ngunit dahil wala naman siyang ibang k