"WHAT'S HAPPENING?" "Pumarito ka ba upang makasigurado kung patay na ang anak ko?" Sabayang tanong ng mag-asawang Ramil at Maricar. Bilang magulang ay walang matutuwa sa nangyari sa dalagang walang malay at kasalukuyang nasa pagamutan. "Parang-awa n'yo na po. Huwag ninyong pagdudahan ang aking katapatan sa kaniya. Nandito ako upang kumustahin si Stephanie---" "If that's the case, just go away from here. We don't need you!" "Kung talagang mahal mo si Stephanie, palayain mo na siya. Hayaan mo siyang maipagpatuloy ang buhay. Tama ka, nagpakamatay siya ngunit hindi natuluyan. Kaya't huwag ka ng umangal pa. Pero kung gusto mo siyang matuluyan ay sige, magpakita ka. Ngunit ito ang tandaan mo, kaming mag-asawa ang makalaban mo!" Mula sa malumanay na pananalita ay maging mabalasik ang tinig