NAGING maayos ang kalagayan ng kambal. Ngunit dahil mga dugong royals ay kinailangan nila ang nagtungong Madrid. Ginamit ang lahat ng koneksyon upang makabili ng dugong makapagdugtong sa buhay ng mga ito. At kagaya nang inaasahan ng lahat ay naging matagumpay ang operasyon or blood transfusion. "FINALLY! AH, totoo na ba ito, Kuya Gurang? Aba'y sabihin mo ng mas maaga kung isa na naman sa tricks ninyo ni Kuya Alessandro ang pag-aasawa mo kuno---Ah, mali pala. Dahil ikaw lang pala ang walang asawa sa ating lima." Abot hanggang taenga ang ngiting nakabalatay sa mukha ni Charlotte Camille habang kaharap ang ikalawang Kuya. "Well, sasabihan ko si Daddy Bryce sa Madrid at pasarhan ang bahay natin doon upang walang matakbuhan ang Kuya Gurang natin oras na nagbibiro na naman. Aba'y kamuntikang m