"ANO BA ang nangyari, anak? Bakit nila inaresto ang younger brother mo? Huwag mong sabihing kung kailan kayo tumatanda ay saka naman nag-away?" sunod-sunod na tanong ni Stephanie sa panganay na anak. Dahil na rin sa kagustuhan ng mga anak at manugang nila ay talagang naging turista silang mag-asawa. Madalas silang umiikot sa kanilang mga negosyo at anak. Actually, ang bunso ang nasa main branch mahigit sampung taon na ang nakalipas. Ngunit sa pagdami ng kanilang mga apo ay nadagdagan din ang branches. 'Ngayon ay nauunawaan ko na kung bakit dual courses ang lahat ng mga anak natin, wifey. Ito ang rason. Sila na mismo ang humahawak sa ating naipundar na negosyo. Sana nga maisipan ng dalawang barako na pagtuunan ng pansin ang kabuhayan natin sa Madrid.' Madalas ngang sahihin ni Romnick sa a