NASA bakuna pa lamang ng simbahan ang mag-inang Stephanie at Maricar ay napansin na ng huli ang hindi maipaliwanag na mukha ng anak. 'Sabagay, sino ba ang matutuwa sa ganitong sitwasyon. Maaring pumayag akong ikasal silang dalawa pero kailanman ay hindi ko matatanggap na ang gag*ng iyan ay maging manugang ko!' Lihim siyang napangitngit dahil wala rin siyang magawa upang isalba ang anak sa kasalang hindi nito gusto. "Still, kailangan mong ngumiti kahit kaunti lang," pahayag na lamang niya. Ginawa lang niya iyon dahil nakakamatay na tingin ang ibinato ng pamilya Rodriguez sa kanilang mag-ina. Siguradong nag-iisip kung bakit bulungan sila nang bulungan. "Tama ka, Mommy. Araw ng kasal ko pero kailanman ay hindi ko ginusto ang makasal sa hay*p na iyan. Hindi siya ang ama ng aking anak. Mas