"MADAM, akala ko ba nasa Paris ang fiancee mo?" Tinig ng kaniyang assistant ang pumukaw sa seryoso niyang pag-iisip. "Yes, Arthur. Why?" patanong niyang tugon. "Sorry, Madam, pero maari bang igala mo ang iyong paningin? Kasi baka kako dinadaya ako ng aking paningin," anitong muli. Dulot na rin ng pagtataka at kuryusidad sa nais nitong tumbukin ay sinunod niya ang assistant. At ganoon na lamang ang panlalaki ng mukha mga mata niya. "F*ck! Since when is that he is fooling me? D●mn it!" Napamura tuloy siya ng wala sa oras. Kasalukuyan siyang nasa Madrid Spain dahil sa business meeting. Dahil siya ang ipinadala ng kaniyang abuelo. Kaso mas nanlaki ang mata niya dahil bukod sa magkaakbay ang mga ito ay panaka-nakang naghahalikan. "Are you not going to confront him, Madam? Dahil ayon sa iy