Nagulat si Mara nang wala na siyang narinig na ingay sa paligid. Nakatulog kasi siya sa loob ng klase. Dalawang araw na kasi siyang walang sapat na tulog dahil sa puspusan na kanyang pagre-review. Sa susunod na linggo na kasi ang final exam. Bumalikwas siya. Nakita niyang si Denver na lang ang natira sa classroom at kasalukuyan nitong binubura ang mga nakasulat sa white board. “Tapos na ang klase?” tanong niya. Kinukusot-kusot ang kanyang mata. “Yeah, you missed my class, I will mark you absent.” “Bakit hindi niyo ako gisining!” Na-frustrate siya. Ano pa ang silbi nang pagsusunog niya ng kilay kung wala siyang natutunan sa klase dahil tulog siya at para na rin siyang absent. “Nakakaawa kang gisingin. Parang kang cute na tuta na himbing na himbing sa pagtulog. And your classmates have

