CHAPTER FOURTEEN

1694 Words

HUMINTO si Mara sa pagtipa sa keyboard ng kanyang computer. Tumingin siya sa orasan. Kinse minutos na lang at sasapit na ang hating gabi. Ano na kaya ang ginagawa ngayon ni Denver? Tulog na kaya ito? Tinungo niya ang pinto. Dahan-dahan na lumabas. Sinugurado niya na hindi siya makakalikha nang anumang ingay. Kagat-labing dinikit niya ang tenga sa pinto nang kwarto ng kapatid na katabi lang din ng kwarto niya. Pinakiramdaman kung nasa loob si Denver. Wala siyang naririnig na ingay kaya dalawang bagay lang, marahil ay tulog na ito o ‘di kaya ay wala ito doon. Pinihit niya ang doorknob. Binuksan. Walang gusot ang kama ng kanyang kapatid. Ibig sabihin hindi pa pumapasok doon ang binata. Kaya sunod niyang pinuntahan ang guest room. Ididikit na lang sana niya ang tenga sa pinto nang bigla iyo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD