“AKO na.” Kinuha ni Mara ang icebag na pinag-aagawan nina Ronan at Drake. Nagtatalo ang dalawa kung sino ang hahawak no’n upang i-apply sa kanyang bukol. Sabi ng doctor ng University ay hindi na kailagan na itakbo siya sa hospital dahil hindi naman daw malubha ang natamo niyang pinsala sa ulo. Pwede naman daw magamot doon sa clinic. Bumigay ang tubo na pinagkakabitan ng theater curtain kaya nahulog. Mabuti na lang at bukod sa kanya ay wala ng ibang napinsala. Wala na rin silang balak na magreklamo laban sa University dahil aksidente lang ang nangyari. Ang sabi pa ng doctor baka hinimatay siya dahil na rin ng nerbiyos at pagkabigla. Nang makarating nga sa clinic ay kaagad din siyang nagkamalay. Nakita niyang pinaliligiran siya ng maraming tao kabilang na si Miss Fernandez at ng mga kasa

