HINDI akalain ni Denver na kakainin niya ang kanyang sinabi kay Mara. Tigas siya sa pagtanggi na hindi siya sasama sa retreat pero heto siya’t kanina pa in-stalk ang nobya. Walang pagdadalawang isip na kaagad niyang sinundan ang bus na sasakyan ng mga ito nang makita niyang paalis. Hindi siya makapaniwala na magagawa niya ang ganoong kaisip-bata. Dalawang araw lang naman mawawala si Mara for Pete’s sake! Bakit hindi na lang siya maghintay at harapin ang mga obligasyon niya sa kompanya? Bakit nga ba nawawala siya sa sariling katinuan pagdating kay Mara? Hindi siya makalapit sa kanyang kasintahan sapagkat marami itong kasama. Kasalukuyan na naglalakad ang mga ito sa tabing dagat. Nahihiya siyang malaman ng mga empleyado niya na sumunod siya doon dahil hindi siya kailangan sumama sa mga gan

