"Aalis na ba tayo?" inosenteng tanong ni Priya sa binata at pasimpleng tiningnan si Dana sa table. Nandoon pa rin siya at mukhang wala pa itong balak na tumayo. Dinampi ni Alken ang kaniyang palad sa tuktok ng kaniyang ulo bago ngumiti ng napakalambing. Hinawakan ni Alken ang kamay ni Priya at pinagsiklop ang kanilang mga palad. Sabay silang lumabas sa coffeehouse na halatang walang pakialam kahit buong mundo ang huhusga sa kanilang pagmamahalan. Nang makauwi na silang dalawa ay kaagad na silang dumiretso sa kwarto. Walang imik ang mga katulong sa mansyon at kahit ang mga tauhan ni Alken ay wala ring kahit na isa ang naglakas magtanong. Ngunit ang mga mata nito ay halatang gustong malaman kung ano ang nangyayari. Ang alam ng mga ito ay nagkakasundo na ang dalawa ngunit hindi

