"Alken," mahinang tawag ni Priya sa pangalan ng nobyo. Kanina niya pa gustong magpaalam ngunit hindi siya makasingit sa pag-uusap ng dalawa. Kung mag-usap ang dalawa ay parang sila lang dalawa ang tao sa mundo. Alam niyang hindi tama na disturbuhin ang mga ito sa kanilang pag-uusap. Pero hindi rin tama kung hindi siya magpapaalam sa nobyo at aalis na lang na para bang hindi sila magkasamang dalawa. Medyo nailang siya ng kaunti at hindi alam kung paano sasabihin sa binata. Lalo na nang makita niyang masama ang tingin sa kaniya ni Dana. Kaya suminyas na lang si Priya gamit ang kaniyang daliri upang ituro sa nobyo kung saan siya patungo. Kulang na lang kasi ay irapan siya ni Dana dahil sa inis. Naiintindihan niya na mainit ang dugo sa kaniya ng mga tao. Pero ang init ng dug

