Nang magpasyang umuwi ang dalawa ay halos nagpipigil hininga si Priya sa kaniyang paglalakad. Naiilang siya dahil sa tuwing humahakbang siya ay parang hindi na niya nararamdaman na umaapak ang mga paa niya sa sahig dahil sa hiya. Siguro ay naninibago pamang siya dahil sa ginagawang pag-alalay ni Alken sa kaniya kaya pakiramdam niya ay lumalalim ang sahig. Sumasakit na ein ang ulo niya at medyo nakakaramdam ng hilo. Kahit na hindi tingnan ni Priya ang mga tao sa paligid ay nararamdaman niya pa rin na nakatuon lang ang atensyon nito sa kanila ni Alken. Hindi niya mapigilan na igala ang kaniyang nga mata at napagtanto nga ni Priya na lahat ng atensyon ng mga tao sa building ay sa kamay nilang dalawa ni Alken nakatingin. Ayaw kasing bitawan pa ni Alken ang kamay ni Priya kahit na pa

