"Kung hindi tayo magkaibigan, ano tayo?" Ngumiti si Alken at hinalikang muli ang mga labi ng dalaga na para bang nakasanayan na nitong gawin ang paghalik kay Priya. Nakakahiya man aminin ngunit gustong-gusto ni Priya ang pinaparamdam at pinapakitang pagpapahalaga sa kaniya ni Alken. Pakiramdam niya ngayon ay para siyang mamahaling bagay kung tratuhin ni Alken. Parang hindi niya makakayanan ang kilig. Kung may salita lang siguro na mas higit pa sa salitang baliw, iyon na nga siya ngayon. Hindi na niya maintindihan ang puso niya dahil para bang gusto nitong magwala. Ang lakas ng mga kabog na tila ba may nagwawala sa loob. At mas matindi pa yata ang kaba na nararamdaman ni Priya ngayon dahil sa mga malalambing na salita ni Alken kaysa noong araw na narinig niya ang hatol sa kani

