"Alken, hindi pa ba tayo uuwi?" nahihiyang tanong ni Priya ng makita ang sinag ng araw mula sa bintana. Wala siyang dalang damit at ano na lang ang iisipin ng mga tao kapag nakita siyang suot niya pa rin ang suot niyang damit kahapon. Kahit papaano ay nakakayanan na niya ang maglakad kahit na paika-ika. Kaya lang ay hindi niya pa alam kung kakayanin niyang maglakad habang tinitingnan siya ng lahat. Kahit na hindi niya naman kailangan magpaliwag sa mga tao parang obligado pa rin siya na gawin iyon. Gusto niyang depensahan ang kaniyang sarili kahit na wala namang nagtatanong dahil alam niyang iba ang iniisip ng mga ito tungkol sa kaniya. Gusto niya tuloy magtago dahil sa hiya na nararamdaman niya ngayon. Kahit ang lumabas ng opisina ay hirap siyang gawin. Pakiramdam kasi ni Pr

